Ella's Pov
Kakalabas ko lang ng ospital kagabi at nakauwi na ako sa bahay nila Gabriel. Nandito ako sa kwarto namin at kakagising ko lang. Kasalukuyan namamg tulog na tulog si Gabriel. Nagkaroon daw kasi siya ng ilang emergency operations kaya sobra ang pagod nya. Nakarinig ako ng katok sa pinto. Tumayo ako at lumapit ako pagkatapos ay binuksan ko ang pinto.
"Ate kakain na daw. Pinatatanong ni mama kung sasabay ba kayong kumain o hahatiran na lang kayo sa kwarto nyo? Pasensya ka na kung naistorbo ka sa pagtulog. Makulit kasi si mama. Ayaw ka nya malipasan ng gutom." sabi ni Seb.
"Naku okay lang yun Seb. Sige susunod na ako." sabi ko.
"Sige sunod na lang kayo ni kuya." sabi ni Seb saka umalis.
Tinitigan ko si Gabriel habang natutulog. Nag iisip ako kung gigisingin ko ba ito o hindi. Nakakaawa naman kasing gisingin dahil sa sobrang puyat nito. Napagdesisyunan ko na huwag na itong gisingin at bumaba na lang.
"Oh ate, asan si kuya Gab?" tanong ni Seb.
"Hindi ko na ginising eh. Naaawa akong gisingin dahil sobrang puyat siya." sabi ko.
"Maupo kana Ella." sabi ni papa Emilio. Sinunod ko ito at naupo sa tabi ni Seb.
"Tayo lang po bang apat ang magbebreakfast?" tanong ko sa kanila.
"Naku iha, oo tayong apat lang muna. Tulog si Gabriel, si Joseph naman may out of town project. Si Migs naman maaga ang meeting. Kaya tayo munang apat. Sana nga lang bukod sa iyo may iba pa akong manugang kasi nakakasawa na ako lang ang babae sa pamilya. Buti nga lang dumating ka na." sabi ni mama Letty. Habang nakain kami. Napangiti naman ako sa sentimyento ni mama Letty.
"Naku Sebastian, mag asawa ka na daw sabi ng mama mo." biro ni papa Emilio kay Seb.
"Naku ma, hindi pa ako sawa sa buhay binata ko. Ilang taon lang ba ako? 24 pa lang po ako. Isa pa hindi ko pa natatagpuan ang babaeng pakakasalan ko. Mauuna muna sakin sina kuya Joseph at kuya Migs." sabi ni Seb.
"Siya nga naman mahal, kakagraduate pa lang ni Sebastian. Hayaan mo muna siya." natatawang sabi ni papa Emilio.
"Isa lang hiling ko sa inyo. Huwag nyong papaiyakin ang mga babaeng mahal nyo." sabi ni mama Letty.
"Yes ma! Gaya ng sabi nyo ang babaeng ipapakilala ko sa inyo ay babaeng papakasalan ko na. Gaya ni kuya Gab." sabi ni Seb.
Nakaramdam ako ng pagduwal kaya naman dali dali akong pumunta ng lababo. Naramdaman ko na may humahagod ng likod ko.
"Okay ka lang sweetie?" tanong ni Gabriel habang hinahagod ang likod ko. Humarap ako sa kanya pagkatapos kong sumuka.
"Okay lang ako. Nakakain kasi ako ng carrots. Ayaw tanggapin ng sikmura ko eh hahaha." natatawang sabi ko. Niyakap naman ako ni Gabriel.
"Ikaw talaga nakuha mo pang tumawa. Naku ayaw ba ni baby ng carrots? Madami pa namang sustansiyang makukuha sa carrots." sabi ni Gabriel.
"Ehem! Ehem! Puno na ng langgam ang kusina." sabi ni Seb.
"Istorbo!" mahinang sabi ni Gabriel sakin.
"Narinig ko yun! Dalian nyo na daw. May tinimplang gatas si mama. Baka daw lumamig sa tagal nyo." sabi ni Seb.
Naupo kami sa hapagkainan. Hinainan naman ako nila ng pagkaing walang carrots. Masaya kaming nagkukwentuhan kaso natigil sila nang may magsalita.
"Hindi nyo man lang kami iimbitahang kumain?" sabi ng matandang lalaki.
"Don Alfonso, anong pong ginagawa nyo dito?" tanong ni papa Emilio.
"Kasama ko si Stacy para pag usapan ang kasal nila ng apo kong si Gabriel." sabi ng lolo ni Gabriel. Malamang lolo kaso sabi nya apo si Gabriel eh. Napatingin ako kay Gabriel at umiling iling. Hinawakan nito ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...