Ella's Pov
"Sorry nanay. Sasabihin ko naman sayo ngayon kaso naunahan ako ni Julia na magsabi. Hindi na ako nakatanggi nung mama na ni Julia ang nakiusap sakin at lumuhod. Isang linggo lang naman nanay." sabi ni Gabriel.
"Gabriel, hindi pa ako magaling. May ilang session pa ako sa kanya diba? Gusto sana kita intindihin at huwag magalit sayo kaso binalewala mo kung papayag ako o hindi. Nagdesisyon ka lang ng para sayo. Paano kami ng mga bata?" galit na sabi ko.
"Isang linggo lang naman nanay. Uuwi ako agad. Hindi lang talaga ako makatanggi sa nanay ni Julia. Natulungan nya kasi ako nung nag uumpisa pa lang akong magdoktor." sabi pa ni Gab.
"Umalis ka na! Tutal wala nang makakapigil pa sayo! Nagdesisyon ka ng ikaw lang. Ayaw muna kitang makita!" sigaw ko. Lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Nanay naman, hindi ko naman sinasadya na pumayag. Napasubo ang kasi ako. Promise babalik agad ko. Sorry na nanay." pagmamakaawa ni Gabriel.
"Umalis ka na. Buo na desisyon mo. Hindi na ako nagalit sayo nang palagi mo na lang kasama si Julia. Halos araw araw napapabayaan mo na kami ng mga anak mo. Iniintindi ko lahat yun para sayo pero ngayon sumobra ka na. Ayaw muna kitang makita. Umalis ka na!" galit na sigaw ko.
"Nanay....." malumanay na sabi nya. Tinanggal ko ang pagkakayakap nya at saka humarap sa kanya
"Umalis ka na!" sobrang galit ko. Nag empake si Gabriel habang ako naman ay nakaupo lang sa kama at nagpipigil umiyak.
"Ella, hindi mo ba man lang ako uunawain sa nangyari? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sayo ay hindi mo ako kayang patawarin." malungkot na sabi nya.
"Ganun ba? Gusto mo tanggapin ko lahat kahit mali ka? Salamat sa lahat ng ginawa mo sakin. Kung alam ko lang na isusumbat mo eh hindi na sana kita pinakasalan pa." hindi ko na napigilan ang luha ko. Ngayon ko lang siya narinig na nanumbat.
"Hindi ko sinasadya nanay......'' sabi pa ni Gabriel.
"Umalis ka na!" sigaw ko.
Umalis si Gabriel kasama si Julia. Umiyak lang ako ng umiyak sa kwarto ko. Siguro isang oras ang nakakalipas nang kumatos si mama Letty.
"Ella anak, pwede ba tayong mag usap?" tanong ni mama habang nakatok sa pinto.
"Pasok po kayo." sabi ko.
Umupo ako sa kama ko at sumandal sa headboard. Lumapit si mama sa akin at niyakap ako.
"Gusto mo bang dito muna ako matulog? Oh gusto mo ba tawagin ko sina Alex at Jordan?" tanong ni mama.
"Gusto ko po muna mapag isa." sabi ko.
"Ella anak, alam mong parang tunay na anak na ang turing ko sayo. Kung kailangan mo ng kausap ay nandito lang ako. Alam kong si Gabriel ang mali sa nangyari. Huwag kang mag alala babatukan ko at sesermonan ko si Gabriel para matauhan." sabi pa ni mama Letty.
"Ma, gusto ko po sanang intindihin si Gabriel. Doktor po siya at alam ko naman po na kailangan siya ng mga taong maysakit. Magsabi lang po sana siya. Hindi naman po ako madamot at palaasa." di ko na napigilan ang luha ko. Agad naman akong niyakap ni mama.
"Anak, hindi ko din gusto ang mga ginagawa ni Gabriel. Hindi ako bulag para hindi mapansin iyon. Kung ako lang, gusto ko sana na bigyan mo ng leksiyon ang anak ko. Naranasan ko na kaya yan sa papa Emilio mo. Buntis pa ako nuon at halos pabayaan ako ni Emilio. Sa sobrang galit ko binigyan ko siya ng leksyon. Dapat gawin mo din ang ginawa ko." proud na sabi ni mama. Napaharap ako sa kanya dahil nacurious ako sa mga sinabi nya.
"Anong ginawa mo Ma?" takang tanong ko.
"Simple lang. Tinaguan ko ang papa Emilio nyo. Si Seb ang pinagbuntis ko nuon at dinala ko lahat ng mga anak ko." sabi pa ni mama.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...