Chapter 41

848 15 7
                                    

Gabriel's Pov

Habang nasa eroplano kami ay hindi ako mapakali. Hindi ako sanay na galit sa akin si Ella. Sobra na akong naging busy sa trabaho ko.

"Magrelax ka nga Gab. Malaki na ang asawa mo. Hindi naman siya pababayaan ng pamilya mo. Hindi naman siya ganun kalala para mag alala ka ng ganyan." napanganga ako sa sinabi ni Julia.

"Teka lang Julia, hindi siya ganun kalala? Alam mo ba ang mga sinasabi mo? Mula pagkabata ay biktima na ang asawa ko ng pangmamaltrato mg pamilya nya, naranasan nyang mamatay ang grandparents nya, nakidnap, nakasaksi ng pagkamatay ng papa nya. Nabaril ang ate nya tapos sasabihin mo sakin malaki na asawa ko at hindi sya malala. Para yatang hindi na ikaw ang Julia na nakilala ko." sabi ko kay Julia.

"Ay naku masyado kang OA magsalita. Relax lang. Mag enjoy la lang sa bakasyon mo." sabi nya na ipinagtaka ko.

"Bakasyon? Di ba maysakit ang uncle mo?" nagtatakang tanong ko.

"Ay oo nga, may sakit nga siya." sabi nya.

Hindi na lang ako kumibo. Natulog na lang ako buong biyahe namin. Pagkalapag ng eroplano ay agad akong lumabas at binuksan ko ang cellphone ko. Nagulat na lang ako ng may magsend sakin ng picture ni Ella na napadaring ng suot. Anak  ng tipaklong sinong nagsend nito. Numero lang ang nalabas at wala sya sa contact list ko. Agad kong tinext si Ella. Nang hindi ito nagrereply ay hindi ako nakatiis at tumawag ako. Pero bigo ako dahil ayaw nitong sagutin.

"Halika na Gab, naghihintay na ang sundo natin. Ayun na yung pinsan ko." sabi ni Julia. Inayos ko ang bagahe ko at sumakay sa sasakyan.

"Naiayos ko na ang kwarto nyo ng kasama mo ate Julia. Pwede na kayong magpahinga pagkauwi natin." sabi nung pinsan ni Julia.

"Teka diba sabi ko sa hotel ako mamamalagi." sabi ko.

"Gab, sabi nila mommy eh sa bahay ka na lang daw. Ako ang mapapagalitan kapag hindi kita kasama at pinabayaan na sa hotel mamalagi. Marami namang bakanteng kuwarto sa bahay." sabi pa ni Julia.

Hindi na ako kumibo, kaysa mainis ako eh ikinalma ko ang sarili ko. Naalala ko na naman ang picture ni Ella. Tumunog na naman ang cp ko at may nagsend ulit ng picture ni Ella. Nakita ko na nagpakulay ng buhok si Ella. Lalong gumanda ang asawa ko. Teka may pinapagandahan ba ang asawa ko? Sa sobrang selos ko ay tumawag ako sa kanya ngunit hindi nya sinasagot ang tawag ko. Hindi ako nakatiis at tinawagan ko si Joseph.

"Hello kuya Gab, ano atin?" tanong nya sa kabilang linya.

"Asan ang asawa ko? Asan ang kambal?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam kuya. Busy ako sa trabaho ko. Sige may tatawagan pa akong kliyente. Bye kuya." paalam ni Joseph. Napakunot ang noo ko. Sunod kong tinawagan si Migs.

"Hello kuya, nasa meeting ako. Tawagan kita pagtapos. Bye." sabi ni Migs. Sunod kong tinawagan si Seb.

"Hello kuya Gab." sabi ni Seb sa kabilang linya.

"Seb, asan ang ate Ella mo? Sino kasama nya?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam kuya Gab. Pauwi pa lang ako sa bahay. Bakit may problema ba?" tanong ni Seb.

"May nagpapadala ng picture sakin. Hindi ko alam kung sino. Ayaw kasi sumagot ni Ella sa mga tawag ko. Kasama nya ba sina Alex at Jordan?" tanong ko pa.

"Hindi ko alam. Tanungin ko pagkauwi ko. Sige kuya Gab magdadrive pa ako." sabi ni Seb.

Nakakapagtaka lang ang mga kapatid ko dati rati kada magtatanong ako o magsasabi ay gumagawa agad sila ng paraan. Bakit parang ngaun ay ayaw nila ako makausap? Tinawagan ko sina Jordan at Alex pero sabi nila hindi nila kasama si Ella. Sobra ata ang galit ng asawa ko para pagtaguan ako. Nakarating kami sa bahay nila Julia at inihatid nila ako sa kwarto ko. Habang nag aayos ako ng gamit ko ay pumasok si Julia.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon