Gabriel's Pov
Awang awa ako sa asawa ko. Hindi ko alam kung paano pa siya pakakalmahin. Buti na lang at nandito pa si Faith. Pasalamat kami medyo maayos na ang kapit ng baby namin. Nadurog ang puso ko sa hagulgol ni Ella. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng asawa ko.
"Sigurado ka bang okay lang dito si kambal? Hindi na ba natin dadalahin siya sa ospital?" tanong ni Daniel. Habang nakasandal sa pinto ng kwarto namin.
"Nasan sina Faith at Oliver?" tanong ko.
"Nasa kusina, naghahanda ng pagkain ni kambal." sabi ni Daniel. Napayuko ako dahil sa pagkadismaya ko sa sarili ko. Hindi ko matulungan ang asawa ko sa nararamdaman nyang sakit.
"Anong problema mo?" tanong ni Daniel.
"Naalala ko lang ang nangyari kanina. Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung paano siya matutulungan. Kung pwede lang kuhain sa kanya ang sakit na nararamdaman nya ay kinuha ko na agad." sabi ko.
"Alam mo, huwag mong alalahanin si kambal. Kaya nya yan. Kahit hindi pa kami matagal na nagkakasama ay alam kong matatag siya. Makakayanan nya yan, basta ba huwag ka lang aalis sa tabi nya." sabi ni Daniel. Tapos tumalikod siya at saka umalis.
Napasandal ako sa headboard ng kama namin. Kahit anong gawin ko ay naaalala ko ang pag iyak ng asawa ko. Kung gaano siya nahihirapan.
Sinimulan nang basahin ni Tony ang sulat nila grandma para sa tatlong apo. Lalong lalo na kay Ella.
"Mga mahal kong apo, malamang wala na kami ng grandpa nyo. Lahat ng ari arian namin ay mapupunta sa inyong tatlo. Mahal namin kayong tatlo. Daniel, hindi ka man namin nakasama ay mahal ka namin dahil anak ka ng pinakamamahal naming si Bella.
Sobra ang pagmamahal namin kay Bella, kaya lang nagkamali kami ng ampunin namin si David. Inampon namin siya dahil namatay ang kanyang ama sa pagliligtas kay Bella. Akala namin magiging masaya kaming apat. Naging malapit ang magkapatid kaya naman ay nakampante kami na magiging maayos ang buhay naming apat. Ngunit duon kami nagkamali. Napaikot kami ni David sa kanyang palad. Kung ano anong kasinungalingan ang mga pinagsasabi samin ni David tungkol kay Bella. Napaniwala nya kami, hanggang sa masaktan na namin ang aming anak. Hindi namin ginusto iyon.
Nang hindi na kami nakikinig kay David ay nagsimula na itong magwala. Kung ano anong kasamaan na ang kanyang ginagawa. Nang mga panahong iyon ay nakilala ni Bella si Enrico. Lalong nagwala si David at nagawa nyang saktan si Bella. Hindi rin makalaban si Bella dahil sa utang na loob namin sa ama ni David. Hanggang sa lumala ito. Muntik nang gahasain ni David si Bella, mabuti na lang at naagapan namin ito. Sinabi ni David na inakit siya ni Bella kaya naman pinalayas namin ito at kunwari ay itinakwil ito. Oo hindi kami naniwala kay David. Ito lang ang paraan namin para maialis si Bella sa impyernong kinalalagyan namin.
Masaya na kami na nakikita si Bella sa malayo. Mukha siyang masaya kay Enrico kaya napanatag kami. Kaso hindi naging masaya si David, kaya naman nang manganak si Bella ay inutusan nya kami na dukutin ang isa sa kambal na anak nito kapalit ng pagtigil nya sa panggugulo sa buhay ni Bella. Naghanap siya ng baby na bagong ipinanganak. Pinangalanan namin ang bata na Isabella. Inampon naman siya ni David at napagdesisyunan na sa America kami tumira. Duon nakilala ni David ang asawa nya na may 2 anak na babae
Sina Monica at Karen. Si Oliver naman ay anak ng kaibigan namin sa America na namatay. Inampon din siya ni David. Tumigil nga si David pero may isang bagay kaming lubos na pinagsisisihan. Ang dukutin si Ella at kami ang naging dahilan ng pagkamatay ng kaisa isa naming anak.Sobra kaming saya ng dumating ka sa buhay namin Ella. Feeling namin ay bumalik sa amin ang anak namin na si Bella. Kamukhang kamukha mo siya. Hindi namin nabalitaan na namatay ang anak namin dahil lahat hinarang ni David. Mali maling impormasyon ang binigay samin ng tauhan na pinagmamanman namin sa anak namin. Pinagsisisihan namin ang pagkupkop kay David at wala na kaming magagawa dahil nangyari na. Hindi na kami makaalis sa kasalanang nagawa namin.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...