Chapter 31

19.3K 307 48
                                    

Gabriel's Pov

Takang taka naman ako sa nangyayari. Ang daming nagulo sa isip ko. Gaya ngayon, ano ang purpose ni Jack para gawin yun. Maayos naman siya nung nakasama namin siya pero anong nangyari? Bakit nya kami gustong patayin?

Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari. Mabuti na lang at nagpilit si Ella na magpaalam kay Faith. Buti medyo natagalan kami sa pakikipag usap sa kanya. Kung napaaga aga kami ng baba eh baka sumabog na din kami sa loob ng sasakyan.

Hindi rin ako makapaniwala na magagawa ni Jack ang mga iyon. Nung makita sa mga cctv ay para siyang isang professional. Parang hindi siya ang Jack na nakilala namin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng asawa ko. Kaibigan nya rin ito at malamang ay mag aalala ito sa kaibigan nyang si Alex. Nahuli si Jack at kasalukuyang nakakulong.

Nakauwi din ako ng bahay. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi dahil wala akong inisip kundi ang tungkol sa nangyaring pagsabog. Pagpasok ko ng bahay ay bumungad sakin ang buong pamilya ko na nag uusap usap sa sala at umiiyak si Ella. Lumapit agad ako kay Ella at niyakap siya.

"Paano? Bakit? Nag aalala ako kay Alex. Gabriel, ang tagal na nilang dalawa tapos ganito ang mangyayari. Bakit nya nagawa yun? Pinagkatiwalaan namin siya. Nakasama ko pa siya sa apartment kasama si Alex at Jordan. Mahal nya si Alex, nakikita ko sa kanya yun. May galit ba siya sakin? Anong masama ang nagawa ko huhuhu...." naawa naman ako sa tuwing umiiyak si Ella. Hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi ko alam ang nasa utak ni Jack.

"Hindi ko din alam sweetie. Mabuti pa ay magpahinga ka na lang muna at kung gusto mong sumama sakin bukas para pumunta kay Jack ay isasama kita." yun lang ang nasabi ko. Tumango naman siya sakin.

Iniwan ko muna ang pamilya ko at inakyat si Ella. Madali naman itong nakatulog. Pinagmasdan ko ang mga anak ko, ang sarap ng tulog nila himbing na himbing at walang problema. Napalingon ako ng may kumatok sa pinto.

"Kanina ka pa dyan mama?" tanong ko sa kanya.

"Ngayun ngayon lang. Ako na muna ang magbabantay sa mag iina mo. Bumaba ka muna daw sabi ng papa mo." sabi ni mommy.

Hindi ko na kinulit pang tanungin si mama at bumaba ako. Naabutan kong nag iinuman ang mga kapatid ko at si papa. Inabutan ako ni Joseph ng isang bote ng beer.

"Anong meron Pa?" tanong ko.

"Wala naman, masaya lang ako at walang napahamak sa inyo. Sa susunod magdodoble ingat pa kayong lalo." sabi ni papa.

"Nag iingat naman po kami kaso talaga may mga taong sobrang sama." sabi ni Joseph. Napasandal ako sa couch at napapikit.

"Okay ka pa ba kuya?" tanong ni Seb.

"Okay lang ako. Nag iisip lang ako bakit sobra naman ata ang binigyan ng problema sa asawa ko. Hindi nya naman deserved ito." sabi ko.

"Hindi naman ibibigay yan ng Diyos kung hindi nya kaya." sabi ni papa.

"Kaya lang po ang inaalala ko ay baka magkaroon sya ng postpartum depression. Kakapanganak nya lang po at sunod sunod pa ang problema na dumarating sa kanya." nag aalalang sabi ko.

"Anak kaya ni Ella yan. Nandyan ka naman sa tabi nya eh. Isa pa nandito kami na mga pamilya nyo ang tutulong sa inyo sa abot ng aming makakaya. Nandyan din ang mama nyo na magiging ina kay Ella. Kapit lang anak." sabi ni papa. Napatitig ako kay papa dahil minsan lang yan makialam sa amin pero kapag nagpayo na siya tagos hanggang buto.

"Isasama mo bang talaga si ate Ella kay Jack? Hindi ba makakasama sa kanya yun?" tanong ni Mig.

"Alam kong makakasama. Ayoko naman siyang mag isip ng mag isip kung bakit. Gusto ko sa bibig mismo ni Jack manggaling lahat. Ganun din naman kasi, ilihim ko o hindi nandun pa din yung tendency na magkasakit siya." sabi ni ko.

"Mabuti pa nga. Dapat malaman nya na para isahang sakit na lang. Shocked pa sya mula kanina tapos mababalitaang si Jack ang may gawa. Grabe kuya, totoo bang lahat ito? Parang sa telenovela lang nangyayari lahat ng to." di makapaniwalang sabi ni Joseph.

Kahit ako man ay ganun din ang nararamdaman. Hindi ka makapaniwala kasi parang hindi talaga totoo. Nag usap pa kami ng ilang oras bago ako pumanik sa kwarto namin. Nadatnan ko na tulog na tulog si mama sa silyang katabi ng mga bata. Ginising ko si mama at dumilat naman siya agad.

"Oh tapos na kayo?" tanong nya.

"Opo, pwede na po kayong bumalik sa kwarto nyo. Ako na po magbabantay sa kanila." sabi ko.

"Anak alam kong pagod ka. Mas maige na samin muna ang kambal para pagnagising sila at umiyak ay kami na ang mag aalaga. Hayaan mo na kami para makapagpahinga pa kayo ni Ella." sabi pa nya.

"Salamat Ma." pagpapasalamat ko. Hindi na ako aangal kasi pagod na talaga ako. Kailangan ko din ng lakas para kay Ella.

"Sige na, magpalit ka na. Ipapakuha ko na lang ang mga gamit ng kambal sa mga kapatid mo. Pahinga ka na." sabi ni mama bago umalis dala dala si Camilla. Dumating sina Seb at Migs at binuhat nila si Sophia at ang mga gamit. Nahiga na ako pagkatapos sa tabi ni Ella. Niyakap ko siya ng mahigpit at pagkatapos ay nakatulog na ako dahil na rin sa pagod.

Kinabukasan ay sinama ko si Ella papunta sa prisinto na kinaroroonan ni Jack. Pinapasok kami sa isang silid at pinaupo. Inalalayan ko si Ella na maupo. Blanko ang mukha ng asawa ko. Hindi ko makita kung galit siya o hindi. Inilabas nila si Jack at naupo sa harap namin.

"Sorry talaga Ella." malungkot na sabi ni Jack.

"Bakit?" matigas na tanong ni Ella.

"Simula pa lang nuon ay napag utusan lang ako na gawan ka ng masama. Ayoko na eh pero napilitan akong gawin dahil gagawan nila ng masama si Alex. Maniwala ka man o hindi mahal ko na si Alex. Hindi ko plinano ito dahil may girlfriend ako at habang tumatagal ay minamahal ko si Alex." paliwanag nya.

"Wait! Bakla ka di ba? Anong may girlfriend?" tanong ko.

"Bago inutusan ay may girlfriend ako. Inutusan lang akong gawan ka ng masama at kasama dun ang mapalapit sa inyo. Naisipan nila na maging bakla ako para mapadali ang pagkuha ko ng tiwala mo. Pero habang tumatagal ay natututunan ko na kayong magustuhan lalo na si Alex. Hindi ko alam kung paano pero nangyari eh." sabi ni Jack kay Ella.

"Teka, naguguluhan ako. Simula? Kelan mo ako sinimulang gawan ng masama?" tanong ni Ella.

"May mga maliliit na bagay akong nagagawang mali sayo. Pero ang unang pinakagrabe ay ang lasingin ka sa bar dahil sa pagkakahuli mo sa ate mo at kay Mark. Binigyan kita ng binigyan ng alak. Plano nilang ipagahasa ka sa kung sinong lalaki." sabi ni Jack.

"Ano!" sigaw ni Ella. Hinawakan ko si Ella at pinakalma.

"Kahit nung pangalawang pag inom mo sa bar ako din ang may kagagawan. Inutusan ko ang katrabaho ko na bigyan ka ng maraming alak. Madami pa akong nagawa sayo na ihihingi ko ng tawad pero Ella maniwala ka o hindi ay hindi ako ang pumatay sa mga lolo at lola mo." paliwanag pa ni Jack.

"Lahat ng iyon ay naranasan ko ng dahil sayo! Paano mo naaatim ang ginagawa mo? Samantalang maayos ang trato namin sayo!" sigaw ni Ella. Hinawakan ko ulit siya at pinakalma.

"Tumanggi ako na takutin ang lolo at lola mo pero binigyan nila ako ng ikakahina ko. Sinabi nila na papatayin nila si Alex. Kaya sumunod ako. Hinintay ko munang lumabas ang kapatid mo at kapatid ni Gabriel." sabi pa nya.

"Naguguluhan pa din ako. Sino ba yang girlfriend mo?" tanong ni Ella.

"Kilala mo siya. Mag ingat ka Ella, kayo ng pamilya mo. Sabi nila ay dudukutin nila ang isa sa kambal. Natakot akong hindi sila sundin dahil baka mapahamak si Alex. Pinatay kasi nila si Mark kaya naman sumunod ako sa mga balak nila sayo dahil baka saktan nila si Alex.

"Sino ba yang girlfriend mo? Ang sama nya sobra!" gigil na tanong ni Ella.

"Si Monica, ang ate mong si Monica ang girlfriend ko. Siya ang nag utos na lasingin ka at siya rin ang nag utos sakin na ipagahasa ka sa kung sino." sabi nya. Nanlaki ang mga mata namin. Pero bago pa kami makapagreact ni Ella ay may biglang sumigaw.

"Ano!!! sigaw ni Alex na kakarating lang.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon