Chapter 1

388 17 1
                                    

Chapter 1

3rd Person's POV

Mula sa loob ng bar. Rinig na rinig ang alingaw-ngaw ng tugtog nito na kung hindi ka sanay sa ganoon na lugar ay siguradong sasakit ang iyong tenga.



Sa gitna ng mga nagsasayaw na tao. Sumasayaw si Aspien Lewis habang may hawak na bote. Wala itong pakialam habang iniindayog nito ang perpektong kurba ng katawan. Sinasabayan nito ang mga tugtog at wala itong pakialam sa paligid.



"Jake, kailan mo balak umamin kay Aspien? Pahina-hina ka baka maunahan ka," bulong ng kabarkada ng binata na kasalukuyang nakapako ang tingin kay Aspien na sumasayaw sa dance floor. Napapalibutan ng magagandang babae ang table nila pero para sa mga lalaki na nasa lamesa na iyon- hindi maikukumpara sa mga ito ang taglay na ganda ni Aspien.



May maamong mukha si Aspien at kung hindi dahil sa makapal nitong make up ay maihahalintulad na ito sa perpektong pigura ng isang anghel.



Habang nagsasayaw si Aspien may lalaking humawak sa bewang niya at pababa iyon sa pang-upo niya. Nainis si Aspien kaya malakas na sinampal ni Aspien ang lalaki at sinipa ang iniingatan nito.



Napahiyaw ang binata na kinatigil ng ilang mga nagsasayawan. Bumagsak ang lalaki sa dance floor habang hawak iyon.



Tinaas ni Aspien ang gitnang daliri at umalis doon habang hawak nag bote ng alak. Hindi na nagulat ang mga kabarkada ni Aspien matapos makita ang scenario na iyon.



Hindi iyon ang unang beses na nangyari iyon. Lahat ng nagkakamaling humawak kay Aspien na lalaki ay pinababagsak nito. Lumapit si Aspien sa lamesa at umupo sa bakanteng upuan.



Wala sa batch nila ang hindi nagkakagusto kay Lindsay. Bukod kasi matapang ito ay kakaiba din ito sa lahat ng babae.



Ito iyong tipo na nagi-stand kahit saan mo ito ipwesto. Kasalukuyang umiinom si Aspien nang mangsalita ang isa sa mga barkada ng dalaga



"Mukhang wala ka na naman sa mood. Nag-away na naman ba kayo ng parents mo?" tanong ng isa sa mga called friends ni Aspien na natatawa lang matapos makita ang scenario kanina. Umirap sa kawalan ang babae.



"Wala ng bago. Kahit naman anong gawin ko mali para sa kanila," sagot ni Aspien na may inis sa exression at sumandal sa sandalan ng sofa na nasa gilid ng table nila.



"Ngayon alam na namin bakit bigla ka na naman nagyaya," ani ng isa sa mga babae. Humalumbaba si Jamaica o mas kilalang Jam na bestfriend ni Aspien since highschool.



"Girl, hindi ka ba natatakot na baka kapag napikon sa iyo ang parents mo itapon ka na naman sa singapore like 'nong highschool?" tanong ni Jamaica na may pag-aalala sa mukha. Naalala ng babae halos nagtatlong taon doon si Aspien kasama ng mga madre sa kumbento.



Kulang na lang ay padasalan ito ng parents ni Aspien sa pag-aakalang sinasapian na ito ng demonyo sa sobrang sama ng ugali nito.



Kinulong kasi ni Aspien ang kakambal nito na si Aspen sa stockroom. Nagbigay ng malaking trauma iyon kay Aspen kaya sa sobrang galit ng parents ni Aspien- pinatapon ang babae sa singapore at pinasok sa kumbento.



Hindi siguro pauuwiin si Aspien kung hindi tinangka ni Aspien sunugin ang buong kumbento. Napairap si Aspien.



"Anong gusto mo Jam? Mag-act din akong santa-santita katulad 'nong kakambal kong may lahing plastic," asik ni Aspien at inirapan ang babae.



Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon