Chapter 133rd Person's POV
"Pak!"Isang sampal ang bumungad kay Aspien matapos siya makapasok sa mansion nila. Tiningnan niya ang gumawa nito at walang iba kundi ang mommy niya nasa likod nito si Aspen na nakangisi at ang dad niya na disappointed na nakatingin sa kaniya.
"Totoo ba ang sinasabi ni Aspen na may lalaki ka ng kinikita? kaya pala tuwing gabi umaalis ka para lang makipagkita sa lalaki mo!" sigaw ng ina niya na kinagulat niya. Tiningnan niya si Aspen na palihim na nakangisi.
"Totoo ang sinasabi niya pero-"
"I'm so disappointed of you Aspien, akala ko gawa gawa lang ng mommy at kapatid mo na may kinikita kang lalaki," ani ng dad niya na kinalumo ni Aspien.
"Dad mali kayo ng akala-"
"Tama na Aspien, grounded ka ng 1 month," seryusong sabi ng daddy niya.
"So dad ngayon sila na ang pinaniniwalaan mo? Dad alam mong galit sila sakin diba? malamang ginagawan lang nila ako ng kwento-"
"May ebidensya na Aspien huwag kana mag-deny pa," sabat ng mommy niya at pinakita ang picture nilang dalawa ni Flint. Hindi nakikita ang mukha ni Flint dahil nakayuko ito.
Ito yong time na nilagyan ni Flint ng bulaklak si Aspien sa tenga kung titingnan parang naghahalikan silang dalawa.
"Oh ano natulala ka? kasi buking kana," ani ng mommy niya na nakangisi.
"Tama na yan hon. Aspien pumasok kana sa kwarto mo at wag na wag kang lalabas naiintindihan mo?" mautoridad na sabi ng dad niya.
"Yes dad," mahinang sabi ni Aspien at umakyat na sa taas para pumasok sa kwarto niya.
"Success!" natutuwang sabi ni Aspen matapos makapasok sa kwarto niya. Pagkatapos kasi tumaas ni Aspien nagpaalam siya sa mga magulang niya na pupunta na sa kwarto niya.
"Ngayon grounded siya hahaha akin kana ngayon Flint Dela vega ma'baby," ani ni Aspen habang nakahiga sa kama niya at nakatingin sa kisame. Bumangon si Aspen at kinuha ang litrato ni Flint na nasa loob ng kabinet niya.
"Akin ka lang Flint walang pwedeng umagaw sayo papatayin ko lahat ng umagaw sayo kahit maging ang kakambal ko pa," ani ni Aspen habang hinahaplos ang litrato ni Flint. Hindi napansin ni Aspen na nakasilip pala sa pinto si Aspien. Balak kasi sanang tanungin ni Aspien si Aspen kung saan nito nakuha ang mga litrato.
Pero napatigil ito matapos marinig ang sinasabi ng kakambal. Tumalikod nalang si Aspien at naglakad na pabalik ng room niya.
"Siguro nga kailangan na kitang iwasan Flint," mahinang bulong niya. Hindi sa takot mamatay si Aspien ayaw niya lang masaktan ang kapatid niya. Sa nakita niya kanina halatang obssess na obssess ang kapatid niya kay Flint.
Sinumpa niya dati na lahat ng gusto ni Aspen iiwasan niya kahit pa sa mga laruan nila dati— pag gusto ni Aspen siya na ang nag-aadjust. Ayaw niyang masaktan ang kapatid niya kaya hanggat maari na kaya niyang umiwas iiwas siya.
-Flashback-
"Pien gusto ko niyan," ani ng batang si Aspen matapos ituro ang doll na hawak ni Aspien."Pero gusto ko din to meron ka naman ah pareho tayo binilhan ni kuya," ani naman ng batang si Aspien.
"Ayoko non ang panget ng kulay yan ang gusto ko!" sigaw ni Aspen at umiyak na kaya wala ng nagawa si Aspien kundi ibigay ang doll sa kakambal.
-
"Pien akin na yan ah! Salamat," sabi ng batang si Aspen matapos halbutin ang headband na nasa ulo ni Aspien.
-flashback ends-Binibigay niya lahat. Pero iba ngayon alam niya na sa sarili niya na nahuhulog na siya kay Flint. Tipong gabi gabi na siya pumupunta sa park. Kung iisipin pumupunta lang naman siya sa park pag may problema siya.
Hindi niya kayang iwasan si Flint pero pipilitin niya para sa kalatid niya at para di na lumala ang nararamdaman niya para kay Flint.
-
"Bro mukhang ang ganda ng mood natin ngayon ah, chix ba yan?" ani ni Hendrix. Kanina niya pa kasi napapansin na parating nakangiti si Flint at minsan natutulala pa."Wag mo ko pakialaman gago!" ani ni Flint at nag-fuck you sign pa. Napatawa naman si Hendrix at Caspian.
"Haha kanina ka pa kasi nakangiti eh kulang nalang mapunit yang labi mo kakangiti," natatawang sabi ni Caspian.
"Hindi ba pwedeng naalala ko lang nong nagbakasyon tayo sa probinsya tapos nadapa ka at deritso ang mukha mo sa pupu ng kalabaw?" nakangising sabi ni Flint na kinangiwi ni Caspian habang si Hendrix naman humagalpak ngbtawa.
"Tangna bro wag mo na nga ipaalala yon yakkssss ayoko na ulit pumunta don," nandidiring sabi ni Caspian na mas lalong kinatawan ni Hendrix sa inis ni Caspian binatukan nito si Hendrix na hindi pa din tumitigil kakatawa.
"Tumigil ka nga kakatawa-"
"Tok" "tok" "tok"
"Come in," ikling sabi ni Flint. Pumasok ang secretary niya na maraming dalang papeles.
"Sir ito po lahat ng kailangan niyong pirmahan," magalang na sa ng secretary ni Flint. Napatanga naman sina Caspian at Hendrix dahil sa sobrang dami.
"Ito talaga lahat?" paglilinaw ni Flint. Tumango lang ang secretary niya at nagpaalam na na lalabas na.
"Andami wala pa akong tulog," ani ni Flint at napahawak nalang sa sintido.
"Ano ba kasi ginawa mo at hindi ka nakatulog?" tanong ni Caspian.
"Wala," balewalang sabi ni Flint at sinimulan na ang pagpipirma.
"Eh pano yan edi hindi tayo makakapunta sa bar mamaya," nanghihinayang na sabi ni Hendrix.
"Marami pa namang time pwede bukas o sa makalawa, tyaka wala akong tulog bawal ako mamaya," ani ni Flint at pinagpatuloy ang pagpipirma.
"Ehhh bro naplano na yon eh," nagdadabog na sabi ni Hendrix.
"Hendrix pwede ba tigilan mo ko sa kakaisip bata mo tsk," masungit na sabi ni Flint na mas kinagusot ng mukha ni Hendrix habang si Caspian naman nagpabalik balik ang tingin sa dalawa.
"Sir excuse may meeting pala kayo ngayon na," biglang sulpot ng secretary ni Flint.
"What the!"
"Sir malalate kana," sabi ulit ng secretary niya. Inismidan siya ni Flint.
"Oo na paulit ulit unli ka masyado," masungit na sabi ni Flint at kinuha ang coat bago lumabas. Nilingon niya muna ang mga kaibigan niya.
"Kung gusto niyo makapunta tayo ng bar mamaya simulan niyo ng magpi
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomanceHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...