Chapter 37

68 3 0
                                    


Chapter 37

Flint Dela vega's POV
"Hindi ko aakalain na magagawa satin ni Red yon," nakakuyom ang kamao na sabi ni Caspian. Bigla namang sinuntok ni Hendrix ang pinto. 

"Kasalanan ito ng matandang yon eh! kung hindi niya sana inutusan si Red hindi tayo tatraydurin non," nanggagalaiti na sabi ni Hendrix. 

"Tama na yan guys anyway maiba tayo bal balak mo bang ipaayos yang mukha mo?" tanong ni Flynn na kinailing ko. 

"Hindi na kailangan, remembrance na din to sa ginawa ni Red," sarcastic na sabi ko. Tatanggapin pa din naman siguro ako ni Aspien kahit ganito ang mukha ko. 

"Sigurado ka bro? pero mas okay yon para ako nalang pogi sa pamilya natin," nakangising sabi ni Flynn. Humagalpak naman ng tawa sina Caspian. Kita mo mga 'to kanina lang may paiyak iyak tapos ngayon tumatawa na. 

"Bro baka di kana magustuhan ni Aspien nan dahil pumanget kana," natatawang sabi ni Caspian. Agad ko naman siya binato ng apple na kinakain ko. 

Aspien Lewis' POV
Nang makarating kami sa bahay binagbuksan ako ng pinto ni kuya. Galing kasi kami sa mall namili ako ng mga damit nina Ace sayang nga eh hindi sila nakasama ayaw kasi nila eh. 

Nauna akong pumasok dala ang mga pinamili namin. Nakasunod din pala sakin si Annie. Nilibot ko ang tingin ko sa bahay bakit wala ata sina Ace dito. 

"Asan na kaya mga bagets mo best," tanong ni Annie bago nilapag sa sofa ang mga pinamili namin. 

"Baka nasa kwarto nila best teka nga asan ba si manang bakit hindi man lang niya tayo sinalubong bago yon ah," nakakunot noong sabi ko. Nasanay kasi ako na pag aalis kami tas uuwi sinasalubong kami ni manang tapos ngayon wala. 

"Baka busy best baka nandon sa mga bagets mo nakikipaglaro," natatawang sabi ni Annie. 

"Haha baliw hindi nakikipaglaro si manang kena Ace no nilalapitan nga lang ni manang sina Ace pag inuutusan ko," umiiling iling na sabi ko. Naglakad ako papunta sa kusina. Pagkarating ko doon agad kong nakita si Tessa isa sa mga kasambahay dito.

Btw dalawa lang sina manang dito na kinuha ni Kuya para kahit papaano may maglinis sa bahay. Napakunot ang noo ko bakit nanginginig siya. 

"K-kailangan ito malaman ni ma'am Aspien p-pero hindi," nanginginig na sabi niya mukhang hindi niya ako napansin. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya bago hawakan ang balikat niya na kinatalon niya. 

"Teka Tessa okay ka lang ba? ba't parang gulat na gulat ka?" nagtatakang sabi ko. Nanlalaking mata naman siyang nakatingin sakin. Nagulat ako ng hawakan niya ako sa balikat at alog alogin. 

"Ma'am tulungan mo sina Ace ma'am bilisan niyo!" nagpapanic na sabi niya. Naguluhan naman ako sa mga sinasabi niya. 

"Tulungan? bakit? Ano bang nangyari," tanong ko sa kaniya bago kinuha ang mga kamay niya sa balikat ko tae nahilo ako don ah. 

"Si manang-" 

"Best si manang!" sigaw ni Annie na kakapasok lang sa kusina. Tumakbo siya kaya sumunod kami ni Tessa sa kaniya. Papunta siya sa kwarto nina Ace kaya sumunod nalang kami. 

Nang makarating kami don nakita ko si Kuya na nasa labas ng pinto nakatulala. Pumasok ako sa kwarto at nagulat ako sa nakita ko. Si Ace may hawak na kutsilyo na puno ng dugo. Napatingin ako sa sahig— si manang na naliligo sa sarili niyang dugo. 

"A-ace anong ginawa mo?" gulat na sabi ko. Napaatras ako ng tumingin sakin si Ace b-bakit pula na ang mata niya. 

"She deserve that," nakangising demonyo na sabi ni Ace. Nanindig balahibo ko dahil sa paraan ng pagtitig ni Ace sakin. 

"Kuya Ace tama na po," ani ni Sheinna na nasa gilid lang pala. Nilapitan niya si Ace at hinawakan ang kamay nito kung nasaan ang kutsilyo at niyakap ito. 

"Baby sis alamin na muna natin ang buong pangyayari," sapo sa noo na sabi ni kuya. 

"Ahm Ace Sheinna maglinis muna kayo ng katawan doon sa kwarto ko mamaya kakausapin kayo namin okay?" mahinahong sabi ko na kinatango nila at lumabas na. 

"Best dalhin mo yong mga pinamili natin sa kwarto ko at pakisabi na din sa mga tauhan sa labas na pumasok sila dito para linisin ito," ani ko. Tinanguan niya lang ako at umalis na. 

"Tessa may alam ka ba dito?" seryosong sabi ko bago siya lingunin. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod at paulit ulit na humingi ng tawad. Nagkatinginan naman kami ni Kuya. 

"Ma'am Aspien sorry po, sorry po kung hindi ko agad sinabi sa inyo sorry, sorry," paulit ulit na hingi niya ng tawad. 

"Teka Tessa ano ba talaga ang totoong nangyare?" naguguluhan na tanong ko. 

"S-si manang sinasaktan niya sina Ace-"

"Ano?!" sigaw ko na kinaigtad niya. 

"Noong dinala niyo sina Ace dito sinasaktan na sila ni manang hindi ko alam kung bakit pero kilala sila ni manang, narinig ko sabi ni manang sa kanila bakit daw nabuhay pa sila sana daw namatay nalang sila kasama ang mga parents nina Ace, tapos pag wala kayo dito may mga lalaking pinapapasok si manang at nagi-stay sila sa kwarto nina Ace— naririnig ko ang iyak ni Sheinna na paulit ulit na sumisigaw na tama na pero wala akong nagawa mga armado ang lalaking kasama ni manang," ani ni Tessa na kinakuyom ng kamao ko. 

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" malamig na sabi ko. 

"Pinagbantaan ako ng kasama ni manang sorry po ma'am," umiiyak na sabi niya. 

"Namumukhaan mo ba ang mga lalaking yon?" walang emosyon na sabi ko. 

"Opo-"

"Ahhhhhhhh!" sigaw ni Annie na kinatakbo namin sa kwarto ko. Pagkarating namin sa kwarto ko nakita ko si Annie na nasa gilid takot na takot habang nakatingin sa may veranda. 

Tumakbo ako papunta sa veranda at nakita ko sina Ace na walang malay habang buhat ng dalawang lalaki. Bakit hindi ko man lang naramdaman ang presensya nila kanina. 

"Kuya sina Ace sabihan mo ang mga tauhan mo harangin sila!" nagmamadaling sigaw ko na kinatakbo ni kuya palabas. Tatalon sana ako para habulin sila ng may humawak sa braso ko. 

"Ma'am buntis ho kayo," ani ni Tessa na kinagising ko. Napatingin ako sa tiyan ko na medyo malaki na. Tiningnan ko ulit sina Ace at naisakay na sila sa van. Napaluhod nalang ako. 

"Hindi ko man lang sila na protektahan deserve ko pa bang maging isang ina," nakatulalang sabi ko.

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon