Chapter 9

84 7 0
                                    


Chapter 9

3rd Person's POV
Pagkatapos ng nangyare nang gabing iyon umalis si Aspien at pumunta ng park. Ganito naman eh pag wala siya sa mood sa park agad ang punta niya— don nailalabas niya lahat ng mga hinanakit niya. 

Pagkarating niya don may nakita siyang isang lalaki na nakaupo sa bench na madalas niyang tinatambayan. Nang malapit na siya— doon niya lang napagtanto na si Flint pala ito. 

"Oh andito ka pala," bungad ni Flint kay Aspien. Ngumisi naman si Aspien. 

"Andito ka nga din eh," natatawang sabi ni Aspien na kinatawa din ni Flint. Tumingin si Flint sa paligid. 

"Maganda kasing tambayan to eh tahimk tapos nakakarelax, ikaw bakit ka nandito?" ani ni Flint bago tingnan si Aspien. Tumabi naman si Aspien sa kaniya. 

"Simula pagkabata tambayan na namin to," ani ni Aspien habang nakatingin sa swing. Ito yong swing na laging nilalaruan nilang dalawa ni Aspien. 

"Kami? ibig sabihin may mga kasama ka pa?" saad ni Flint. Tiningnan siya ni Aspien at ngumiti ng mapait. 

"Mga kapatid ko, pero ngayon wala na dahil sa isang pangyayaring hindi ko naman ginusto," mahinang sabi ni Aspien at hindi niya namalayan na tumulo na pala ang isang butil ng luha niya. Ramdam ni Flint ang lungkot na nararamdaman ng babae— kamakailan niya lang ito nakilala pero magaan na agad ang pakiramdam niya pagkausap si Aspien. 

Kumuha si Flint ng panyo at pinahid sa luha ni Aspien na bahagyang nagulat sa pagpahid ni Flint sa luha niya. 

"Sorry pinaalala ko pa–"

"Wala yon ano ka ba," ngiting sabi ni Aspien. Tumingin si Aspien sa paligid. 

"Ang ganda talaga ng mga ilaw dito," nakangiting sabi ni Aspien habang nakatingin sa isang puno na napapalibutan ng mga christmas light. 

Napatingin si Flint sa kaniya at parang nag-slow mo lahat bahagya pa siyang namangha ng lipadin ng hangin ang ilang hibla ng buhok ni Aspien. Napansin naman ito ni Aspien. 

"Oyyy ano nafall kana ba sakin?" nakangising ani ni Aspien at kinindatan pa si Flint. Alanganin namang tumawa si Flint bago umiwas ng tingin. 

"Oo matagal na," bulong ni Flint na narinig naman ni Aspien. 

-
"Hoy bruha ano? asan kana? kanina pa kami nag-aantay dito myghaddd," reklamo ni Jam sa call kausap niya si Aspien na nakadapa pa din sa kama. 

"Ayyy ngayon na ba yon?" tanong ni Aspien kay Jam. 

"Ayyyy hindi! hindi!" sigaw ni Jam kaya naibato ni Aspien ang cp niya dahil sa sigaw ni Jam. Feeling niya nabasag ata eardrums niya. Naiinis na tumayo si Aspien at pumasok na sa cr para maligo. 

"Humanda talaga sa akin ang gagang yon," nanggigigil na sabi ni Aspien habang naliligo. Pagkatapos maligo ni Aspien nagbihis na siya at lumabas na ng kwarto. Pagkababa niya pa lang ito agad ang bumungad sa kaniya. 

"Tingnan mo yong suot niya oh."

"Oo nga tsk."

"Kahit magkamukha sila mas maganda pa din si young lady Aspen."

"Yeah tapos mabait pa."

Hindi niya nalang pinansin ang mga katulong dahil sanay na siya sa mga ganun— kahit sino namang tao sinasabi sa kaniya yon na kesyo daw takaw sa gulo si Aspien at si Aspen naman mabait. Si Aspen daw ang anghel ng pamilya Lewis at si Aspien naman ang demonyo. 

Pagkalabas niya ng bahay agad niyang tinungo ang kotse niya at pinaharurot ito papuntang bar kung saan naghihintay ang mga kaibigan niya. Pagkarating ni Aspien sa bar agad itong pumasok— bumungad sa kaniya ang amoy na hindi mo gugustuhing maamoy. 

May mga nagsesex din sa tabi tabi meron namang mga naghahalikan na malapit na mapunta sa sex. Nilibot ni Aspien ang tingin sa paligid at nakita niya ang mga barkada niya sa bandang gilid at medyo madilim sa parte na yon. Nakita ni Aspien na may kasama ang mga ito na dalawang lalaki. 

Sa isip ni Aspien baka pinulot na naman to ng mga kaibigan niya sa tabi tabi. Naglakad si Aspien papunta sa mesa ng mga kaibigan niya— lahat ng nadadaanan niya napapatingin sa kaniya. Sino ba namang hindi mapapatingin sa isang Aspien Lewis kung ikukumpara sa mga goddess mas lamang si Aspien. 

Hindi naman na sila pinansin ni Aspien at patuloy lang sa paglalakad. Pagkarating ni Aspien sa mesa ng mga kaibigan niya agad siyang umupo at kumuha ng beer bago ito tinungga. 

"Sa wakas! dumating ka din tangina mo Aspien ikaw nagyaya at ikaw pa nagbigay ng oras tapos ikaw pa mismo nakalimot?" agad na bungad ni Jam sa kaniya. Bored lang siyang tiningnan ni Aspien. 

"Nakalimutan ko eh bakit ba," ani ni Aspien na kinausok ng ilong ni Jam. Yong iba naman nilang kaibigan nakikinig lang. 

"Aba hoy babaita–"

"oh oh tama na yan andito tayo para magsaya, hindi para magdebatehan kayo diyan," awat ni Kelly sa kanila. Hindi naman siya pinansin ng dalawa at nagpatuloy lang sa pag-inom. 

"Btw Aspien ito pala si Jeryl at Jasper transferee sila sa university natin," ani ni Kelly habang tinuturo sina Jasper at Jeryl na nakatingin kay Aspien. 

"Walang may pake," ikling sabi ni Aspien na kinasapo sa noo ng barkada niya except sa dalawang lalaki na sina Jeryl at Jasper— hindi man lang kasi sila nito tiningnan. 

"Ikaw! tama ikaw yong babae nong isang araw!" gusot na mukhang sabi ni Jeryl. Tiningnan siya ni Aspien ang bored na mukha ni Aspien napalitan ng ngisi. 

"Oh kayo pala yon— natalo lang ng isang babae, mga talunan nga naman," nakangising sabi ni Aspien. 

"Aba't–"

"Ohhh boys kalma inaasar lang kayo niyan," natatawang sabi ni Jan. Masama naman tiningnan ng dalawang lalaki si Aspien kaya tinaasan ito ng kilay ni Aspien. 

"Haha boys kalma na baka gawin niya pa kayong punching bag bwhahaha," awat ni Kelly na humalakhak pa ng tawa. Nakitawa na din si Janica kaya mas lalong gumusot ang mukha ng dalawang lalaki sa idea na minamaliit sila ng mga simpleng babae lang. 

"Hindi niyo kami kilala kaya huwag niyo kaming maliitin, bakit hindi niya kami subukan baka siya pa gawin naming punching bag," nakangising sabi ni Jeryl habang nakatingin kay Aspien na wala namang pake. 

"Whoa Aspien nanghahamon oh

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon