Chapter 5

109 11 0
                                    


Chapter 5

3rd Person's POV 
"Goodmorning sir," Malanding sabi ng bagong secretary ni Flint na kakapasok lang sa opisina niya. Napahilot naman si Flint sa sentido niya. 

"You're fired!" malamig na sabi ni Flint sa secretary niya na kulang nalang maghubad dahil sa suot nito na kinulang sa tela. 

"Why sir? Unang araw ko–"

"I don't care! get out!" Sigaw niya sa secretary niya na nagmamadaling lumabas habang umiiyak. 

Pumasok naman ang dalawang kaibigan niya na sina Caspian Collins and Hendrix Johnson. Mga anak din ito ng mga kilalang pamilya. 

"Oh bro— nawalan ka na naman ng secretary?" Natatawang sabi ni Caspian— umupo ito sa sofa kasunod si Hendrix na natawa din. 

"Tsk! hanapan niyo ulit ako ng secretary," Masungit na sabi ni Flint bago tingnan ang mga kaibigan. 

"Oh sure! chix pa din ba?" Nakangising saad ni Hendrix. 

"No, lalaki hanapin niyo hindi babae," malamig na sabi ni Flint. Nag-acting naman si Caspian na parang nabigla. 

"Bro bakla kana ba– aray!" Sigaw ni Caspian matapos siya batuhin ni Flint ng ballpen at sumakto 'yon sa noo niya. 

"Baka gusto mong ilibing kita ng buhay?" ani ni Flint na kinalunok ni Caspian habang si Hendrix o mas kilalang Drix natatawa lang na nanonood sa kanila. 

"Bro naman jinojoke ka lang eh hehehe Drix tara na hanap na tayo ng bagong secretary ng BOSS Flint natin," ani ni Caspian bago tumakbo palabas ng opisina ni Flint. Napailing nalang si Hendrix at nagpaalam na kay Flint. 


"Bogs!" tunog ng pinto na natumba ng sipain ito ni Aspien. 

"Ms Lewis! late kana nga sinira mo pa yang pinto!" Galit na sigaw ng prof niya— sa inis niya hinablot niya ang kwelyo ng prof niya. Wala sa mood si Aspien dahil maaga pa lang binungangaan na siya ng mommy niya.

"Pwede ba tanda! magturo ka nalang— 'wag mo akong pakialaman o gusto mong ikaw pagbuntungan ko ng inis ko. Hindi naman ikaw ang magbabayad sa pagpapagawa ng pinto kaya tumahimik ka diyan," malamig na sabi ni Aspien at pabalang na binitiwan ang kwelyo ng prof niya na kanina pa namumutla. 

Nginisihan ni Aspien ang prof niya at naglakad na papunta sa upuan niya na nasa likod kasama ang mga kabarkada niya. 

Dali-dali namang umalis ang prof niya habang umiiyak. Ilang beses ng may pinaalis si Aspien na teacher— sabi niya lagi sa sarili niya. Hindi niya kasalanan na weak ang hinahired na mga teacher ng mga magulang niya. 

Lahat ng kaklase niya tahimik lang— takot ang mga ito sa kaniya kaya pag nasa room siya parang hindi na humihinga ang mga kaklase niya dahil sa kaniya. Except sa mga barkada niya— katulad ngayon. 

"Hahaha wews! may napaalis ka na namang prof. Bilib na talaga ako sa'yo girl," ani ni Jam isa sa mga barkada niya. 

"Hahaha oo nga eh— puputok na naman sa galit ang mommy mo panigurado," Natatawang sabi ni Janica— kakambal ni Jamaica. 

"Edi magalit siya psh wala akong pake," bored na sabi ni Aspien na kinailing ng mga kaibigan niya. 

"Oh! girl andito na ang santa-santita mong kakambal," ani ni Kelly isa din sa mga kaibigan niya. Napatingin naman si Aspien sa pinto at nakita niya nga ang kakambal niya na si Aspen— nakangiti itong habang papasok sa room nila. 

Napatingin siya sa mga dala nito at puro flowers, chocolate at mga love letters. Kahit naman siya madaming nagbibigay pero tinatapon niya lang yong mga chocolate binibigay niya sa mga kaibigan niya. 

Napairap sa kawalan si Aspien ng ngitian siya ni Aspen. Nakita niya itong papalapit sa kaniya. 

"Hi Aspien gusto mo?" ani ni Aspen— nakangiti ito habang inaabot ang chocolate kay Aspien na hindi man lang siya inabalang tingnan. 

"Ayoko," malamig na sabi ni Aspien. 

"Aspien masarap 'to promise tikman– Bogs!"

"Shout up! ayoko nga diba? hindi ka ba nakakaintindi!" malamig na sigaw ni Aspien matapos tabigin ang chocolate na nasa kamay ni Aspen kanina. Napayuko naman si Aspen at pinipigilang umiyak. 

"S-sorry," mahinang bulong na sabi ni Aspen. May part sa puso ni Aspien na nasaktan matapos makita ang luha ng kakambal niya pero hindi niya ito pinansin. 

"Alis!" ani ni Aspien bago iniwas ang tingin sa kakambal. Tumakbo naman si Aspen palabas ng room. 

"Grabi talaga si Aspien 'no."

"Hindi na naawa sa kakambal niya."

"Siya na nga itong binigyan siya pa galit."

"Yeah ang panget talaga ng ugali," mga komento ng mga kaklase niya. 

"Atleast ugali lang ang panget— eh kayo! panget na nga ang mukha panget pa ang ugali," banat ni Aspien na kinasigaw ng mga kabarkada niya. 

"First blood!"

"Double kill!"

"Triple kill!"

"Savage!" 

Komento ng mga barkada niya. Nakatanggap naman siya ng masasamang tingin sa mga kaklase niya. 

"Oh bakit? Aangal kayo?" Maangas na sabi ni Aspien— nagsi-iwas nalang ng tingin ang mga kaklase niya sa takot nila na mapatalsik at baka sila pa bugbugin ng babae. 

"Wala naman pala eh tsk!" asik niya bago pinatong ang dalawang paa sa desk. Maya maya pa may pumasok na isang estudyante— nilibot nito ang tingin at tumigil ang mga mata nito kay Aspien. Bahagya pa itong natulala kaya pumalakpak si Aspien ng dalawang beses na kinagising ng lalaki. 

"Ano kailangan mo?" Nakataas kilay na sabi ni Aspien. 

"A-ahhmm ahemm ms Aspien Lewis pinapatawag ka ng dean," ani ng lalaki at bigla nalang umalis. 

"Hahaha sermon na naman yan," natatawang sabi ni Kelly. Napa-smirk naman si Aspien. 

"As if pupunta ako 'don 'no— hayaan niyo siya mag-antay sa wala," Nakangising sabi ni Aspien. 

"Pa'no pag nagsumbong ang dean sa magulang mo?" tanong ni Janica. 

"Twinny as if may pake si Aspien diyan hahaha," natatawang sabi ni Jam. 

"Gusto ko ng alak," biglang sabi ng isa nilang kaibigan na si Annie— kanina pa ito tahimik. 

"Hoy bruha! buti naman at nagsalita kana," Nakataas kilay na sabi ni Kelly. 

"Gusto ko ng alak eh," balewalang sabi ni Annie. 

"Basta alak talaga eh 'no Annie," pabalang na saad ni Kelly— napatawa naman ang magkambal na sina Jamaica at Janica. 

"Hayaan niyo na si Annie parang hindi pa kayo nasasanay ah," masungit na sabi ni Aspien. Nagkatinginan naman ang tatlo at–.

"Edi kayo na!" Sabay na sigaw ng tatlo na sina Jam, Jan at Kelly.

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon