Chapter 26

61 3 0
                                    


Chapter 26

Flint Dela vega's POV
"Pero tita si Aspien po talaga ang gusto kong pakasalan," nagmamakaawang sabi ko. Masama niya naman akong tiningnan. 

"Alam na ng lahat na si Aspen ang papakasalan mo, hindi mo naman ata gusto mapahiya ang pamilya niyo diba?" nakangising sabi ni tita na kinalumo ko. 

"So pumunta ka pa talaga dito kay mommy para lang sabihin yan," galit na sabi ng nasa likod namin. Paglingon namin si Aspen. 

"Desperado ka talagang makasal kay Aspien!" sigaw niya. Shit ano ba naman to bat ako nagiging kaawa-awa. 

"Andito naman ako Flint! aalagaan kita! Si Aspien? Hindi mo pa nga kilala yon eh! Sobrang sama ng ugali non at-"

"I don't care! mahal ko siya at wala akong pake kung ano ang ugalu niya at kung sino siya," malamig na sabi ko na kinatigil niya. Nginisihan ko siya. 

"Mas gugustuhin kung makasal sa kagaya niyang masama ang ugali kesa sa katulad mong mapagpanggap," nakangising sabi ko na kinatuod niya sa kaniyang kinatatayuan. Lumakad na ako palabas at sumakay sa kotse ko. 

Aspien Lewis POV
"Okay class half day lang ang klase ngayon dahil maghahanda pa kami para sa graduation bukas, advance congrats everyone! Class dismissed," ani ni prof at lumabas na. Graduation na pala namin bukas. 

It's been a month since nong may nangyare samin ni Flint at hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko lately. Palagi nalang akong nagsusuka, lagi din akong inaantok at nahihilo— laging pagod na din. 

"Hey gurl tara na," yaya ni Jam kaya napatingin ako sa kaniya na nakakunot noo. 

"Kanina pa kita tinatawag tara na," ani niya kaya tumayo na ako at sumunod sa kanila. 

"Gurl okay ka lang ba? Napapansin ko lately lagi kang tulala may problema ka ba?" nag aalalang tanong ni Janica Agad naman siyang binatukan ni Jam. 

"Baliw ka ba? tingin mo kailan ba naubusan ng problema si Aspien?" nakataas kilay na sabi niya kay Janica na kinapuot naman ng isa. 

"Aish tumigil na nga kayong dalawa bilisan niyo na diyan gutom na ako," reklamo naman ni Kelly na kinailing nalang namin. Nang makarating kami sa cafeteria sina Jamaica at Kelly ang nag order habang kami naman ang naghahanap ng table. 

Nang may makita kami agad kaming umupo don. Habang nag aantay kena Kelly nilibot ko ang paningin ko at napatigil yon sa grupuhan ng lalaki na kanina pa nakatingin sakin. Napabuntong hininga nalang ako— sanay na ako diyan. 

"Ito na girls," ani ni Jamaica ng mailapag niya ang tray na may mga pagkain. Napahawak naman ako sa bibig ko ng makita ang spaghetti. 

"Aspien ayos ka lang?" ani ni Annie ng makita niya ang pagtakip ko sa bibig ko. Napatakbo ako palabas ng cafeteria habang nakatakip pa din sa bibig ko ang kamay ko. Ramdam kong napatingin ang lahat sakin pero wala akong pake. Deri-deritso lang akong tumakbo hanggang sa makapasok ako sa cr at agad akong sumuka. Tangna wala naman akong nasusuka bakit ganito. 

"Girl ayos ka lang!" sigaw nina Jam ng makapasok sa cr. Tumango lang ako at hindi na nagsalita. 

"Aspien magtapat ka nga! Buntis ka ba?" biglang tanong ni Kelly na kinatigil ko. Nagsitinginan naman sina Annie. 

"Hoy Kelly anong buntis pinagsasabi mo diyan?" saway ni Janica. 

"Hindi niyo ba napapansin ang kinikilos niya?" sigaw niya na kinatigil nina Jam. Napatingin naman sila sakin. 

"Tara na! Aspien simula ngayon hindi mo na kami kaibigan! wala kaming kaibigan na disgrasyada-"

"Kelly ano bang sinasabi mo? dahil lang ba dito itatakwil mo si Aspien-"

"Oo dahil ayoko madamay sa kahihiyang dala niya!" sigaw ni kelly. 

"Pak!"

"Sumusobra kana Kelly!" sigaw ni Annie matapos sampalin si Kelly. 

"Magsama kayong dalawa," galit na sabi ni Kelly at lumabas na. Tiningnan ko naman sina Jam at Jan pero katulad ng tingin ni Kelly kanina ganun din sila nandidiring nakatingin sakin. Nang makalabas na sila kaming dalawa nalang ni Annie dito. 

"Annie umalis kana," malamig na sabi ko sa kaniya na kinailing niya. 

"Hindi Aspien sasamahan kita-"

"Hindi ko kailangan ng kasama! Pare pareho lang kayong lahat! mga mang iiwan!" sigaw ko at hindi ko na napigilang mapahagulgol. 

"Kasalanan ko to! I'm sorry Aspien! i'm sorry," umiiyak din na sabi niya at lumuhod pa sa harap ko. 

"Umalis kana Annie," malamig na sabi ko. 

"No! hindi ako aalis sa tabi mo Aspien hindi nila ako katulad kaibigan mo ko Aspien kilala mo na ako simula pagkabata diba," nagmamakaawang ani niya. 

"Sila Kelly— kaibigan sila ni Aspen una pa lang, nong kinaibigan ka nila naalala mo pinilit kitang wag silang kaibiganin pero hindi mo ko pinakinggan, hindi mo ba napapansin pag may gulo kang ginagawa nalalaman agad ng family mo dahil yon sa kanila, sinasabi nila kay Aspen," mahabang lintanya niya na kinalingon ko sa kaniya. 

"A-ano? All this time alam mo pala na pinipeke nila ako tapos hindi mo man lang sinabi sakin-"

"Dahil hindi ka naman naniniwala!" putol niya sa sasabihin ko. Tumayo siya at tiningnan ako. 

"Hindi mo ko pinaniniwalaan Aspien, hindi mo ba naaalala palagi tayong nag aaway dahil sa pagtatanggol mo sa kanila," ani niya bago ngumiti ng mapait. 

"Alam mo ba Aspien nakakaselos din minsan, simula ng dumating sila hindi na tayo naging ganun ka-close mas madalas mo din silang pansinin kesa sakin," mahinang sabi niya habang patuloy na naglandasan ang mga luha niya. Hindi ko na napigilan at agad siyang niyakap. 

"I'm sorry annie kung hindi kita pinaniniwalaan noon, i'm sorry, i'm sorry," paulit ulit na hingi ko ng sorry.

"Aspien! Aspien! Aspien," huling narinig ko bago ako nawalan ng malay. 

Annie Quintos POV
"Tulong! Tulong! Tulong!" sigaw ko habang nakayakap sa katawan ni Aspien na walang malay. Namutla ako ng makita ko ang dugo na dumadaloy sa binti ni Aspien. Iniwan ko siya sandali at tumawag ng tulong. May nakita akong grupuhan ng mga lalaki kaya tumakbo ako sa kanila. 

"Tulong! Tulungan niyo ang kaibigan ko please," nagmamakaawang sabi ko na kinatingin nila. 

"Nasaan?" ani ng isa agad kong tinuro sa kanila ang cr. Tumakbo kami pabalik at pumasok na sila. Pagkalabas nila buhat na nila si Aspien. 

"Bilisan niyo!" sigaw ko habang nauuna sa kanila. Nagtataka namang nakatingin samin ang iba at mga bahagya pang nagulat ng makita ang dugo sa hita ni Aspien pero wala na akong pake. Tumakbo ako papuntang parking lot at sumakay sa kotse bago ito pinaandar at pinapunta sa gate. 

"isakay niyo siya bilis!" sigaw ko at agad naman nila ginawa. 

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon