Chapter 34

57 3 0
                                    


Chapter 34

3rd Person's POV
"Boss bukas ng umaga lulusob dito ang dark crest kailangan na nating umalis," nakayukong sabi ng lalaking nakamaskara. 

"Lahat ng mga bata isakay niyo sa sasakyan aalis na tayo dito," ani ng bosa nila. Agad naman sumunod ang mga tauhan niya. 

"Good job iho," nakangising sabi ng matanda sa lalaking nakamaskara. Hindi naman umimik ang lalaki at nanatiling nakayuko lang. 

"Patawarin mo sana ako Flint," ani ng lalaki sa isip niya. 

Flint Dela vega's POV. 
"Boss wala ng tao," ani ni Red ng makarating kami sa lumang building kung saan dinadala ang mga bata. 

"Natunugan tayo," nanggagalaiti na sabi ko. Tangna pano kami natakasan. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Pumasok ako sa mga kwarto at di ko nagugustuhan ang mga nakikita ko. Mga walang buhay na katawan ng mga bata. 

"Kunin niyo ang mga katawan ng mga bata at ibalik niyo sa mga magulang nila," walang emosyon na sabi ko at umalis na. Napakuyom ako ng kamao. Unang beses naming pumalpak. 

"How did they know na lulusob kami don," malamig na sabi ko. Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog. Sinagot ko agad ito ng mag-pop ang pangalan ni Red. 

"Boss! Boss! Lumabas ka diyan may bomba sa kotse mo," rinig kong sigaw ni Red sa kabilang linya. Napatingin ako sa backset ng makarinig ako ng tunog. 

Nanlaki ang mata ko ng 5 seconds nalang ang time at sasabog na ang bomba. Biunbuksan ko ang pinto at tumalon pero huli na. Sumabog na ang bomba. 

Red Oxford's POV
"Supremo!"

"Supremo!"

"Supremo!"

Mga sigawan namin ng makita namin na sumabog ang kotse ni Flint. Agad kaming nagtakbuhan don. Dali dali naming binuhat ang katawan ni Flint na sunog ang buong katawan niya. Hindi namin alam kung saan namin siya hahawakan. 


"Bro anong nangyare!"

"Red nasan si Flint!" 

Agad na tanong nina Caspian ng tawagan ko sila about sa pagsabog ng sasakyan ni Flint. Hindi ko sila sinagot at nakatulala lang sa pinto ng emergency room. Hinawakan ng mahigpit ni Hendrix ang kwelyo ko. 

"Tangna bakit mo hinayaan na mangyari yon!" galit na sigaw niya sakin. Agad ko siyang tinulak. 

"Wag mo akong sisihin dahil hindi ko din alam!" sigaw ko sa kaniya. Tiningnan niya naman ako ng masama. 

"Eh pano mo nalaman na may bomba sa sasakyan ni Flint?" malamig na tanong niya. 

"May nagtext sakin," ani ko bago inabot ang cellphone ko na agad niya naman itong kinuha at tiningnan. Napatingin kami sa pinto ng emergency room ng marinig namin na nagkakagulo na sila sa loob. 

Nakita naming nirerevive na nila si Flint. Hindi. Maya maya pa lumabas na ang doctor. 

"Doc kamusta po kaibigan namin?" agad na tanong ni Caspian. Bumuntong hininga naman ang doctor bago kami isa isang tingnan. 

"Malala ang naging sanhi ng pagsabog, sunog ang buong katawan niya— ginawa na namin ang makakaya namin pero siya na ang kusang tumigil sa paglaban-"

"No. Nagbibiro ka lang diba!" sigaw ni Caspian at Hinablot ang kwelyo ng doctor. Agad naman namin siyang inawat. 

"Patawad, mauuna na po ako," ani ng doctor at dali daling umalis. Napasuntok naman si Hendrix sa dingding ng emergency room. 

Sumilip ako sa pinto ng emergency room at nakita kong inalis na nila ang mga aparatus na nakakabit ang Flint. Hindi siya pwedeng mamatay. Inaantay pa siya ng mag-ina niya. 

Oo alam ko kung nasaan si Aspien at alam ko na may anak sila. Pero si Aspien na mismo ang nakiusap sakin. Ako din ang humaharang sa mga taong binabayaran niya para hanapin sina Aspien. 

"Lintik lang ang walang ganti!" malamig na sabi ni Hendrix at aalis na sana ng pigilan ko siya. 

"Hindi mo sila kaya Drix," naiinis na sabi ko. 

"Wala akong pakealam! Kung mamatay man ako— kung mamatay edi mamatay!" sigaw niya kaya agad ko siyang sinuntok. 

"Baka nakakalimutan mo nangako ka sa kapatid ko," malamig na sabi ko na kinatigil niya. 

"Doc! Doc!" sabay kami napatingin ng lumabas ang nurse sa emergency room at tumakbo papunta sa office ng doctor. Agad kaming sumilip sa emergency room at nabuhayan kami ng loob ng makitang lumaban si Flint. 

Dumating na ang doctor at tinakpan pa ang pinto. Feeling ko gusto ko sirain ang pinto. Umupo nalang kami dito sa labas ng emergency room habang nag aantay na lumabas ulit ang doctor. Nang lumabas ang doctor sabay pa kaming tumayo. 

"Good news lumaban si Mr Dela vega naging okay na din ang vital signs niya isa ding himala dahil kahit nasunod ang buong katawan niya walang ni isang naapektuhan bukod sa balat niya, ililipat na siya sa private room. mauna na ako," nakangiting sabi ng doctor at umalis na.

Flynn Dela vega's POV
"Boss ito na po ang nga documents na kailangan niyong pirmahan," ani ng secretary ni Flint na si Felix. 

"Lagay mo lang diyan sa table ko Felix may emergency lang ako na pupuntahan," ani ko bago kinuha ang coat at tumakbo palabas ng office. Sumakay na agad ako sa private elevator. 

Tumawag kanina si Red sakin about sa nangyare kay Flint. Ano bang ginawa mo Flint kaya pala nang hina ako kanina at parang hindi ako makahinga. 

Nang makalabas ako ng elevator tumakbo agad ako hindi ko pinansin ang mga empleyado na bumabati sakin. Sumakay na ako sa kotse ko ang pinaharurot papuntang hospital. 

"Ano bamg ginagawa mo Flint bakit hindi ka nag iingat, pumayag akong magpanggap bilang ikaw dahil ayokong nahihirapan ka at mas lalong ayokong napapahamak ka," bulong ko at hinawakan ng mahigpit ang manubela. Loko loko ako oo pero ibang usapan na pagkakambal ko na ang usapan. 

Matagal akong nawalay sa kanila dahil sa pesteng matanda na paulit ulit ginamit ang katawan ko. Ginawa nila akong parausan at tinuturukan araw araw ng drugs. Bumalik ulit lahat ng alala na naranasan ko nong nasa kamay pa ako ng matandang yon. 

Hindi kita napatay noon pero sisiguraduhin kong ngayon na ang huli mong araw dito sa mundo. Tanggap ko na ako lang ang sasaktan mo pero wag ang kakambal ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang kanang kamay ko. 

"Hanapin mo kung sino ang naglagay ng bomba sa kotse ni Supremo ng Dark crest," malamig na sabi ko at pinatay ang tawag. 

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon