Chapter 22Aspien Lewis POV
"Tok!" "Tok!" "Tok!"Nagising ako dahil sa katok ng pinto. Napatingin ako sa alarm clock na nasa study table. 7:30pm? Shit di ko napansin ang oras. Napahawak naman ako sa tyan ko ng bigla akong makaramdam ng gutom.
"Tok!" "Tok!" "Tok!"
"Young lady gising na ba kayo?" tanong ng tao na siyang kumakatok. Bumangon ako at pinagbuksan ang taong kanina pa katok ng katok.
"What?" malamig na sabi ko sa kaniya. Nakita ko ang takot sa mukha niya pero pilit niya itong nilalabanan. Tsk tsk ibang klase.
"Kailangan niyo na daw mag-ayos malapit na magsimula ang birthday party niyo ni young lady Aspien, ito daw po ang suutin niyo," ani niya bago ilagay sa harap ko ang isang box at dali daling umalis.
Napailing nalang ako simula nong isang araw na binugbog ko ang isang kasambahay dito naging matatakutin na sila to the point na ayaw na nila akong lapitan. Okay nga yon eh ayoko din namang may lumalapit sakin. Napatingin ako sa box na kulay puti.
"Aspien Lewis," basa ko sa nakasulat. Binuhat ko ang box at pinasok sa kwarto bago nilocked ang pinto. Dahan dahan ko itong nilagay sa ibabaw at binuksan.
Kulay red na off shoulder gown, may mga glitters din ito na kulay red din. Sobrang ganda, i just wondering kung sino ang pumili nito. Napangiti ako ng mapait. Panigurado si dad siya lang naman ang hindi galit sakin eh.
"Birthday pala namin ngayon, haist pati birthday ko nakalimutan ko na," ani ko. Pumasok na ako sa cr para maligo. Mga ilang minuto natapos na ako at nag ayos na. Marunong naman ako magmake up kaya no need na kumuha ng mga baklang magmamake up.
Nang matapos ko ng masuot ang gown ko tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Napangiti ako ng makita ang itsura ko. Madali ng malalaman kung sino ako at si Aspien.
Maikli ang buhok ko at may kulay red sa gilid. Hinding hindi na ako magiging anino ng santa-santita kong kakambal. Nang magsawa akong tingnan ang mukha ko niligpit ko na muna ang mga make up kit.
"Tok!" "Tok!"
"Young lady magsisimula na po ang party kailangan niyo ng lumabas," ani ng nasa labas ng pinto. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto.
Napatingin naman ako sa kaniya ng bigla itong matulala. Pinitik ko ang noo niya para magising. Nang bumalik siya sa wisyo agad siya humingi ng tawad.
"Lead the way," malamig na sabi ko na agad niya namang sinunod. Habang naglalakad kami lahat ng madadaanan namin napapalingon sakin. Alam kung maganda ako pero nakakairita mga tingin nila.
"Stop staring at me," walang emosyon na sabi ko na agad din namang kinaiwas nila ng tingin. Tsk maya maya pa nakita ko si Aspien kaharap ang hagdan. Nakakulay white siyang gown yeah ano pa bang aasahan ko siya ang anghel eh.
"Dito po kayo muna mag-antay young lady hanggang sa tawagin kayo ng mc," ani ng yaya na naglead sakin papunta dito. Sinilip ko ang nasa ibaba at sobrang daming tao— may mga reporters pa.
Naramdaman ko naman ang sama ng tingin sakin ni Aspen kaya nilingon ko ito at tiningnan ng malamig na agad niyang kinaiwas tsk weak.
"Okay everyone let's welcome Aspien Lewis!" sigaw ng mc kaya nauna ng bumaba si Aspen. Lahat ng tao namamanghang nakatingin sa kaniya.
"Shit ang ganda niya talaga."
"What a goddess."
"Angel."
"She's so beautiful."
Rinig kong pagpupuri ng iba sa kaniya na mas kinalaki ng ngiti niya.
"Tsk plastik," mahinang bulong ko.
"Here you are Miss Aspen, and now let's welcome Aspien Lewis!" sigaw ulit ng mc kaya dahan dahan akong bumaba. Hindi na ako nagulat ng makita ko na nagbubulungan ang mga bisita at ang iba ang sama ng tingin sakin. Pero may isa akong tao na nakitang titig na titig sakin kaya tiningnan ko ito at nginitian.
Flint Dela vega's POV
"Okay everyone let's welcome Aspen Lewis," sigaw ng mc kaya nagpalakpakan kami ng bumaba si Aspen. Ang ganda niya kamukhang kamukha niya talaga si Aspien. And speaking of Aspien.""Here you are Miss Aspen, and now let's welcome Aspien Lewis!" sigaw ulit ng mc at kasabay ng pagbaba ng isang babae ay siya ding pagtahimik ng lahat.
Feeling ko nagslow mo lahat ng makita ko si Aspien na bumaba sa hagdan shit sobrang ganda niya. Napansin niya siguro na nakatingin ako kaya nilibot niya ang paningin at tumigil sakin. Parang gusto ko siyang sunggaban ng ngitian niya ako.
"Hey Flint!" tawag sakin ni Aspen na kinalingon ko sa kaniya btw nandito kami sa gilid ng stage at ito siya nakakapit sakin.
"ha? Ano yon?" nagtatakhang ani ko sa kaniya.
"Kanina pa kaya kita kinakausap pero hindi mo man lang ako pinansin," nakapout na sabi niya na kinatawan ko. Haha ang cute niya. Maya maya napatigil ako ng maisip ko na naman si Aspien.
"Hey haha sorry na may iniisip lang ako," ani ko sa kaniya na mas kinahaba ng nguso niya. Nakita ko si Aspien na papalapit samin at mukhang nakita din yon ni Aspen.
Nagulat ako ng walang magdadalawang isip na siilin ako ng halik ni Aspen. Itutulak ko sana siya ng ipulupot niya ang kamay niya sa batok ko at mas pinalalim ang halik namin.
Lalaki din ako kaya di ko maiwasang di sumagot sa mga halik niya. Nakaramdam ako ng masamang tingin at ng tingnan ko ito.
"S-si Aspien," agad kong naitulak si Aspen na kinabigla niya. Nilingon ko ulit si Aspien pero huli na nakatalikod niya na siya nakita ko pa ang pasimpleng pagpahid ng luha niya.
"Hey! Bakit mo ko tinulak? Ikakasal na din naman tayo eh," biglang sabi ni Aspen na kinatingin ko sa kaniya. Napalunok ako ng masama ako nitong tiningnan.
"Aspen nirerespeto kita okay? Tyaka gusto kitang halikan pag tayong dalawa lang yong masosolo talaga kita at walang istorbo," mahinahong sabi ko na kinangiti niya. Bakit ko sinabi yon.
"I'm sorry," rinig naming sabi ng isang babae sa likod namin. Nilingon ko ito at nakita ko si Aspien na nabasa dahil sa juice na nabuhos ng babae sa gown niya.
"It's okay," walang emosyong sabi niya bago ako tapunan sandali ng tingin at lumakad na papalayo.
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomanceHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...