Chapter 27

63 4 0
                                    


Chapter 27
Annie Quintos POV
Walang sabi sabi na pinatakbo ko ng mabilis ang kotse at basta nalang binunggo ang gate para bumukas. Narinig ko pa ang sigaw ni manong guard pero wala na akong pake ang importante si Aspien. 

Maraming nagrereklamo na mga driver dahil sa bilis ng takbo ko. Ilang minuto pa ang nakalipas nakarating na kami sa hospital. Agad akong lumabas at pumunta sa desk ng mga nurse. 

"Nurse tulungan niyo ang kaibigan ko bilis!" sigaw ko at tinuro ang kotse ko. Agad naman sigaw tumakbo sa kotse ko habang may dalang stretcher. Pinagtulungan ng dalawang nurse na lalaki si Aspien bago pinahiga sa stretcher. 

Sumunod ako sa kanila hanggang sa emergency room. Napaupo nalang ako sa sahig habang nanginginig. Saan galing ang dugo na iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si tito daddy ni Aspien. 

"H-hello t-tito," nauutal na sabi ko. 

"Oh Hello annie bakit? may problema ba bat ganyan ang boses mo?" tanong ni tito sa kabilang linya. 

"S-si Aspien po tito, n-nandito kami sa Lewis Hospital," umiiyak na sabi ko. 

"Papunta na ako!" sigaw niya at bigla nalang pinatay ang tawag. Napayakap nalang ako sa mga tuhod ko at napahagulgol. 

"Ayoko na mawalan ng kaibigan," mahinang bulong ko. Naramdaman ko na may mga paang huminto sa harap ko. Pag angat ko ng tingin isang lalaking nakamask at sa likod niya mga men in black. Dahan dahan akong tumayo. 

"Sino kayo?" seryosong tanong ko. Napaatras naman ako ng biglang lumapit sakin ang lalaking nakamask. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. 

"Oh my dear Annie hindi na ako kilala," ani niya na may pagtatampo sa boses. Napatigil naman ako ng makilala ko ang boses niya. 

"A-adriel," utal na sabi ko at nanlalaking matang nakatingin sa kaniya. Tinanggal niya ang mask niya. 

"The one and only," nakangising sabi niya. Napatalon naman ako at yumakap sa kaniya. 

"Ikaw nga!" masayang sabi ko na kinatigil niya. Nang marealize ko ang ginawa ko agad akong napalayo at napayuko nalang. 

"Haha hindi halatang namis mo ako no Annie my love," nakangising sabi niya na mas kinapula ko. 

"Shit nakakahiya," mahinang bulong ko sakto lang para ako lang makarinig. Napatingin ako sa pinto ng emergency room ng marinig ko itong bumukas. 

"Sino ang asawa ng pasyente?" tanong ng doctor na kinakunot ng noo ko. 

"Doc okay ka lang? Baka nagugutom ka bakit asawa hinahanap mo? eh wala ngang jowa ang kaibigan ko asawa pa kaya," nakakunot noong sabi ko. Narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Adriel na kinagusot ng mukha ko. 

"Because she's pregnant-"

"What?/Wtf!" sabay na sigaw namin ni Adriel. 

"Doc nagbibiro ka lang naman diba? Pano nga mabubuntis ang kaibigan ko walang jowa o asawa yon," ani ko sa Doctor. 

"Miss buntis po talaga siya but sad to say nalaglag ang isang baby niya," mahinanong sabi ng doctor na kinatigil ko. 

"Doc what do you mean by that?" tanong ni Adriel. Yumuko ng bahagya ang doctor ng makita siya. 

"Kambal po dapat ang ipinagbubuntis niya kaso lang nalaglag ang isang baby kaya isa nalang ang natira," pormal na sabi ng doctor. Nagkatinginan naman kami ni Adriel. 

"Anong baby? Sino ang buntis?" tanong ng taong kararating lang. Pagtingin namin si tito pala shit pano to. 

"Doc ano po ba ang dahilan bakit nalaglag ang baby?" tanong ni Adriel at di pinansin si tito na napatigil matapos siya makita. 

"Dahil sa stress young master mahina po ang kapit ng bata hindi katulad ng kambal niya na malakas ang kapit sa ina nila," ani ng doctor. 

"Mauna na po ako," ani ng doctor bago bahagyang yumuko at naglakad na. Nakita naming nilabas na si Aspien at nilipat na sa magiging room niya dito sa hospital. Agad naman kami pumasok. Lumapit ako kay Aspien at hinawakan ang kamay niya. 

"Annie anong sinasabi ng doctor kanina?" malamig na sabi ni tito. Napabuntong hininga naman ako bago siya tingnan. 

"Hindi ko alam kung bakit pero buntis si Aspien at sabi ng doctor kambal daw ang ipinagbubuntis ni Aspien pero nalaglag ang isang baby dahil mahina ang kapit nito," ani ko sa kaniya na kinatuod niya sa kinatatayuan niya. 

"P-paanong buntis si Aspien?" nakatulalang sabi ni tito. Seyoso niya naman akong tiningnan. 

"Annie alam mo ba kung sino ang ama ng dinadala ni Aspien?" malamig na tanong ni tito na kinailing ko. 

"Hindi ko alam tito, wala din akong naalala na may naging bf siya," mahinang sabi ko. 

"Si Flint Dela vega," biglang sabat ni Adriel na kinatingin namin sa kaniya. Bumuntong hininga siya bago kami mataman na tiningnan. 

"Si Flint ang ama ng dinadala ni Aspien, nakita ko sila sa bar last month nakita ko kung paano silang dalawa magsaya habang gumagawa ng milagro," saad ni Adriel na kinakuyom ng kamao ni tito. 

"Walang hiyang Flint na yon ikakasal na nga sila ni Aspen tapos bubuntisin niya pa si Aspien," nanggagalaiti na sabi ni tito at lalabas na sana ng-"

"Dad wag," mahinang sabi ni Aspien na kinatingin namin sa kaniya. Agad ko siyang nilapitan. 

"Best ayos kana ba?" nag aalalang tanong ko na kinatango niya. Bumangon siya kaya agad namin siyang tinulungan para makaupo ng maayos. 

"Dad i'm sorry kung nabigo ko kayo, pero dad ayoko na ng gulo please sana wala ng makaalam nito bukod sa inyong tatlo," nagmamakaawang sabi niya. Agad ko naman siyang niyakap ng makita kong umiiyak na siya. 

"Aspien kailangan panagutan ni Flint yan-"

"Masasaktan si Aspen kuya, at alam naman nating lahat na si Aspen ang mahal ni Flint— gusto ko nalang magpakalayo layo pagod na ako sa puro gulo kong buhay," ani ni Aspien at ngumiti ng mapait. 

"Nawalan na ako ng isang anak, ayoko na mawalan pa ulit— hindi ko gustong lumaki ang anak ko na walang kinikilalang ama pero ayoko siyang mapahamak. Alam niyo kung anong kayang gawin ni Aspien once na malaman niyang buntis ako at si Flint ang ama. Lalayo nalang siguro ako at palalakihin mag isa ang bata," mahabang lintanya niya. 

"Andito kami Aspien tutulungan ka namin, hindi kami mawawala sa tabi mo."

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon