Chapter 18Pastel Levi Randall's POV
"Anak andito na si Trevor bilisan ko na diyan," katok ni inay sa labas. Kaya kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Pagkalabas ko nakita ko si Trevor na nakaupo sa maliit naming sofa. Naka uniform na din siya."Mahal goodmorning," bati niya ng makita ako. Ngumiti lang ako at nag-goodmorning din. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Tara na baka malate pa tayo," yaya ko na kinatango niya.
"Nay alis na po kami!" tawag ko kay nanay na nasa kusina.
"Oo sige mag ingat kayo ah!" balik na sigae niya. Lumabas na kami ng bahay ni Trevor at naglakad papunta sa labasan. Nangunot ang noo ko ng makita sina Kyle na nagmamadaling umalis ng makita kami.
"Anong nangyari sa mga yon?" nakakunot noong tanong ko. Nagkibit balikat naman siya at hinawakan ang kamay ko. Nang makarating kami sa labasan pinagbuksan niya na ako ng pinto.
May dala pala siyang sasakyan. Pumasok na ako, umikot siya at pumasok na din sa driver's seat. Pinaandar niya na ang kotse kaya tumingin nalang ako sa bintana.
"Inimbitahan ka pala ni mom mag-dinner mamaya okay lang ba sayo?" biglang tanong niya na kinagulat ko.
"N-ng m-mom mo?" nauutal na sabi ko. Sandali niya naman akong tiningnan.
"Yes, don't worry hindi nangangagat si mom okay?" natatawang sabi niya na kinasimangot ko.
"Kinakabahan ako eh baka hindi ako magustuhan ng mom mo," mahinang bulong ko na alam ko namang narinig niya. Napatingin ako sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko.
"Trust me magugustuhan ka ni mom, kung hindi man wala na akong pake doon basta mahal kita wala silang magagawa," ani niya na kinangiti ko. Yumakap ako sa braso niya at Pumikit.
This past few days walang away na nangyari sa amin. At masyado din siyang nagiging sweet, sabi ni Mariell pag ang relasyon puro sweet lang madaling maghiwalay. I think depende naman iyon sa kung paano mo ihahandle ang relationship niyo.
"Andito na tayo mahal," tapik ni Trevor sa akin kaya napamulat ako at napatingin sa unahan. Nasa university na nga kami. Lumabas siya at umikot saka ako pinagbuksan. Lumabas na ako at nakita ko sina Draven sa entrance napapalibutan ng mga babaeng estudyante.
"Sa wakas andito na din kayo kanina pa kami nag aantay," nakasimangot na sabi ni Draven.
"Sino ba may sabing antayin niyo kami?" masungit na sabi ni Trevor na kinapigil ko ng tawa matapos makita ang mukha ni Draven na bigla nalang gumusot.
"Kawawang Draven," pagpaparinig ko saka hinila na si Trevor papuntang room.
"Bagay talaga kay tsk," asik ni Draven na kinatawa ko.
"Swerte talaga ni Miss Pastel 'no."
"Oo nga eh biruin mo close siya sa kanila ni Prince Draven tapos boyfriend niya pa si King."
"Mapapasana all ka nalang talaga."
"Sana ako nalang siya."
Rinig naming bulungan ng mga kaschoolmate namin pero hindi na namin pinansin at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.
"Pas!!!!" sigaw ni Maureen hindi kalayuan sa amin. Kumaway ako sa kaniya— tumakbo siya papunta dito at bigla nalang niyakap ako sa braso.
"Nasabi na sayo ni kuya? pupunta ka diba?" nakangiting tanong niya na kinakamot ko sa ulo. Napatingin naman ako kay Trevor na nakatingin din sa akin.
"Oo naman pupunta ako," alanganin na sabi ko.
"Talaga? yieee sabi mo yan ah," masayang sabi niya na kinailing ko nalang.
"Lil sis alis kana nga nang-iistorbo ka eh," ani ni Trevor kay Maureen at bahagyang tinulak si Maureen kaya napabitaw ito sa akin. Inismiran niya muna si Maureen bago ako hinapit sa bewang at naglakad na ulit.
"Hindi naman halatang baliw na baliw ka kay Pas kuya duhhh," malditang sabi ni Maureen at nauna ng maglakad sa amin. Napatikhim ako para maiwasang hindi matawa matapos makita ang asar sa mukha ni Trevor.
"Ang brat na yon," gigil na sabi ni Trevor. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa elevator. Napako ang tingin sa amin ni Chloe na kakapasok lang din sa elevator.
Pumasok na kami at nagpaiwan si Draven at Aldrin dahil hindi na kasya sa elevator. Napatingin ako sa lalaking nasa likod ko. Sinasadya niya kasing mahawakan ang pwet ko. Gumusot din ang mukha ko ng makita na pasimpleng dinidikit ni Chloe ang dibdib niya sa braso ni Trevor.
Kinalabit ko si Trevor na kinatingin niya. Naggesture ako na magpalit kami ng pwesto kaya tumango siya at nagpalit na nga kami. Nang ako na ang nasa tabi ni Chloe pasimpleng hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya na bahagya niyang kinadaing. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.
"Next time na makita ko ulit ang pagdikit dikit mo kay Trevor— maglalakad ka sa field ng nakahubad," malamig na bulong ko sa kaniya na kinabato niya sa kinatatayuan niya. Lumayo na ako bago nag asta na parang walang mangyari.
Naramdaman ko naman ang tingin ni Trevor kaya napatingin din ako sa kaniya bago ngumiti ng matamis. Napailing nalang siya bago pinulupot ang mga braso sa bewang ko. Yumakap nalang ako sa kaniya habang naghihintay na bumukas ang elevator.
Nangunot anh noo ko ng may maramdaman akong kamay sa mga hita ko sa likod. Napayakap ako ng mahigit kay Trevor na kinatingin niya. Nag-gesture ako na may humahawak sa hita ko. Bumitaw siya sa akin at kasunod non ang pagbukas ng elevator kaya nagsilabasan na ang nasa unahan.
Napasigaw ang mga estudyante sa labas ng elevator ng tumalsik palabas ang lalaking nasa likod ko kanina. Tiningnan ko naman si Chloe at nakita kong palihim siya na ngumiti. Ang malanding yon.
"Ang lakas naman ata ng loob mo na bastusin ang girlfriend ko kahit alam mong nandiyan ako!" gigil na sabi ni Trevor at pinagsusuntok ang lalaki. Maya maya napatingin kami ng may limang lalaki ang dumating at bigla nalang binanatan si Trevor.
"Trevor!" sigaw ko ng pagtulungan siya ng anim. Pupuntahan ko na sana si Trevor ng may humawak sa braso ko. Napatingin ako at si Maureen pala iyon.
Napasigaw ang iba ng bigla nalang nagsitalsikan ang mga lalaki dumating na pala sina Ceiron na mukhang sa kabilang elevator sumakay.
"Gusto niyo na ba makipagmeet kay san Pedro," malamig na sabi ni Cerron.
"Exciting may show pala dito hindi niyo kami inantay," biglang sabi ni Draven na kararating lang.
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomanceHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...