Chapter 6

99 9 0
                                    

Chapter 6

3rd Person's POV
"Ano Aspien? ano na namang ginawa mo kay Aspen?" bungad ng mommy ni Aspien sa kaniya pagkauwi niya. Napairap sa kawalan si Aspien. 

"So? Nagsumbong na naman pala ang santa-santita niyong anak?" bored na sabi ni Aspien. 

"Aspien ayusin mo yang pagsagot-sagot mo sakin i'm still your mother," Pasigaw na saad ng ina ni Aspien sa kaniya— si Aspen naman nakikinig lang sa tabi. 

"Tsk whatever— nga pala Aspen, kung ayaw mo mapahiya ulit 'wag ka ng lumapit sa'kin," ani ni Aspien bago naglakad pataas. 

"Ang batang talaga 'yon," Nanggigigil na sabi ng ina ni Aspien. Nilapitan ni Aspen ang ina niya at pinakalma. 

"Mom tama na yan, sabi sayo hayaan niyo nalang eh," mahinahong sabi ni Aspien. 

"Aspen pinahiya ka niya— buti sana kung may ginawa kang masama sa kaniya eh pero wala–"

"Mom please hayaan niyo na," Pagpuputol ni Aspen sa sasabihin ng ina. Napabuntong nalang ang ina niya at niyakap siya. 

"Ang bait mo talaga Aspen haist ewan ko nga kung saan nagmana 'yang kakambal mo,"Naiinis na sabi ng ina ni Aspen. 

-
"Bro may nahanap na kami," bungad ng mga kaibigan ni Flint pagkapasok ng mga ito sa opisina niya. 

"Good, asan siya?" tanong ni Flint. Bigla namang bumukas ang pinto— nakita niya ang isang gwapong lalaki kung titingnan ito, aakalain mong anak mayaman. 

"Good afternoon po sir, ako yong maga-apply bilang secretary niyo," ani ng lalaki at yumuko pa. Kumunot naman ang noo ni Flint. 

"Sigurado ka ba na maga-apply ka talaga? Mukha ka din naman anak mayaman? Bakit kailangan mo magtrabaho?" seryusong sabi ni Flint habang nakatingin sa lalaki.

"Hahaha nagtataka ka din bro? kami nga din eh, hindi nga sana namin tatanggapin yan kasi akala namin anak mayaman siya at baka di niya kayanin ang trabaho," ani ni Caspian. Ngumiti naman ng konti ang lalaki. 

"Hindi po ako anak mayaman sir— isa lang po akong simpleng tao na nagtatrabaho para sa anak ko–"

"May anak kana!"Gulat na sigaw ng dalawang kaibigan ni Flint na sina Caspian at Hendrix sa tingin kasi nila kasing edaran lang nila ito. Sinamaan naman sila ng tingin ni Flint kaya pareho silang napatakip sa bibig. Bahagya namang napatawa ang binata. 

"Opo mga sir, pero hindi ko po siya totoong anak— inampon ko lang siya. But i also considered him as my real child," magalang na sabi ng lalaki.

"Okay, what's your name btw?" tanong ni Flint habang pinagpapatuloy ang pagpirma sa mga papeles na nakatambak sa harap niya. Wala kasi siyang secretary kasi nga pinaalis niya, kaya wala siyang katulong sa mga papeles na nasa harap niya pero ngayon meron na.

"Felix Carter po sir ito po pala ang resume ko," ani ni Felix at bahagyang yumuko bago inabot ang resume kay Flint. Tiningnan siya ni Flint sandali bago kinuha ang resume at binasa. 

"Okay pwede kana magsimula bukas," malamig na sabi ni Flint bago binaba ang resume. Malawak namang napangiti si Felix. 

"Thank you po sir hindi kayo magsisisi sa'kin," Malapad na ngiting sabi ni Felix— nagpaalam na ito at umalis na. 

"Believe talaga ako sa Felix na yon,  biruin mo bro pinasok nan lahat ng trabaho, kahit ang paglilinis ng mga cr para lang sa anak niya," ani ni Caspian.

"Yeah, halata nga," ikling sabi ni Flint. 

-

"Kring!" "Kring!"  tunong ng cellphone ni Aspien. Dinampot niya ito at agad na sinagot. 

"Hhmm?" 

"Girl gala tayo!" ani ng nasa kabilang linya. 

"May lakad ako mamaya, bukas nalang," ani niya bago patayin ang tawag. Tiningnan niya ang oras— 9pm na ng gabi. 

Nagbihis na siya at lumabas ng kwarto. Pababa na siya ng may marinig siyang nag-uusap sa sala. Sinilip niya ito at ang mommy at daddy niya pala. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng magulang niya kaya nagpatuloy nalang siya sa pagbaba at di na pinansin ang magulang niya. Bubuksan niya na sana ang pinto ng magsalita ang daddy niya. 

"Saan ka pupunta gabi na ah?" tanong ng daddy niya. Sasagot na sana siya ng–.

"Maglalakwatsa na naman yan, sinabi ko na sayo Calix— gabi-gabi yan umaalis ang anak mo," may inis na sabi ng ina ni Aspien. Umirap naman sa kawalan si Aspien. 

"Don't worry dad babalik din ako," mahinahong sabi ni Aspien. Ang daddy niya lang ang kinakausap niya ng maayos dahil maayos din naman ang pakikitungo nito sa kaniya. Wala din siyang dahilan para magalit sa daddy niya. 

"Okay anak dapat 10:30pm nakauwi kana," ani ng daddy niya. Tumango si Aspien— lumapit si Aspien sa daddy niya at humalik sa pisngi na kinairap ng ina niya. Bahagyang napangisi si Aspien ng makita na umirap ang ina niya. 

Nakangiting lumabas ng mansion si Aspien— tinungo niya ang kotse niya at pinaharurot papuntang park. Hindi niya alam bakit gustong-gusto niya ulit pumunta sa park. 

Nang makarating siya sa park— nakita niya agad si Flint na nakaupo sa bench kung saan sila unang nagkita. Lumapit si Aspien at umupo sa tabi ni Flint na kinatingin ni Flint. 

"Yo bakla! Problema natin?" agad na tanong ni Aspien. Nahalata kasi ni Aspien na parang wala sa sarili at makikita din sa mata nito ang lungkot. 

"Wala baliw," balewalang sabi ni Flint. Nagkibit balikat lang si Aspien. 

"Okay," ikling sabi ni Aspien. Natahimik silang dalawa kaya medyo naakward si Flint ganun din si Aspien. 

"Btw i'm Flint–"

"No need, kilala na kita," putol ni Aspien sa sasabihin ni Flint. Nagdududa naman na tiningnan ni Flint si Aspien na kinataas ng kilay ni Aspien. 

"Excuse me! Hindi ako stalker mo ah— sadyang nakakalat lang talaga yang pagmumukha mo kung saan-saan," paglilinaw ni Aspien. Natawa naman si Flint. 

"Hindi ko naman sinabi na stalker kita–"

"Pero 'yon ang iniisip mo," malditang sabi ni Aspien. 

"Ang hilig mo talaga putulin ang sasabihin ko 'no?" nakakunot noong sabi ni Flint. Nagflip hair naman si Aspien. 

"Ganun daw pag maganda!" proud na sabi ni Aspien— nakangisi pa. Napailing nalang si Flint dahil sa kahanginan ng babae. 

"Ikaw what's your name?" tanong ni Flint. Nagkibit balikat lang si Aspien at hindi sinagot si Flint. 

"Wag mo sabihing hindi mo alam pangalan mo?" natatawang sabi ni Flint na kinairap ni Aspien. 

"Syempre alam ko! Ano akala mo sakin bobo hhmmp— ayoko lang talaga sabihin," naiinis na sabi ni Aspien. 

"Bakit naman?" nakakunot noong tanong ni Flint pero matamis na nginitian lang siya ni Aspien na kinasapo niya sa noo.

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon