Chapter 83rd Person's POV
Pagkapasok pa lang ni Aspien sa room niya— ang kaninang maingay biglang tumahimik ng makita nilang pumasok si Aspien. Dumeritso agad si Aspien sa upuan niya at sinubsob ang mukha sa desk niya."Oyy bes alam mo ba may transferee daw and guess what? Sobrang pogi nila."
"Talaga? Nakita mo na ba?"
"Oo sa gate kanina grabi bes kahit isa nalang sa kanilang dalawa, pwede na ako mamatay kyaaaaa."
Rinig ni Aspien na mga tilian ng mga kaklase niya. Naiinis siya kasi sobrang ingay ng mga ito— mukha atang nakalimutan nila na nasa loob na ng classroom si Aspien.
Hinayaan lang muna ni Aspien kasi baka titigil din naman ang mga to pero-"
"Kyaaaaaa talaga siya yan!" sigaw ng isa sa mga kaklase niya na kinawindag niya sa umupuan niya. Sa sobrang inis ni Aspien sinipa niya ang upuan na nasa harap niya.
"Hindi ba kayo titigil? Alam niyo namang may natutulog dito diba," malamig na sabi ni Aspien na kinanginig ng mga kaklase niya habang ang grupuhan naman ng mga babae kanina na mga nagtitili pinipilit labanan si Aspien.
"Hindi naman kasi bahay to na basta basta ka nalang matutulog, hindi porket may ari ka ng University magsisiga siga kana," maarteng sabi ng isa sa mga kaklase niya. Kung titingnan ang mukha para itong nginudngod sa harina sa sobrang puti ng nilagay na foundation.
Dahan dahan namang tumayo si Aspien at lumapit sa babae na pinipilit pinapalakas ang loob.
"Hindi nga ito bahay, at hindi din ito palengke na basta basta nalang kayo magtitili diyan," malamig pa ding sabi ni Aspien ng makalapit ito sa babae.
"What are you so labot ba?" naiinis na sabi ng babae.
"Anong pake ko? Gaga ka ba sinabi ko ng natutulog ako at tingnan mo nga paligid mo nagrereview ang iba— hindi sila makafocus dahil diyan sa kakatihan niyo!" sigaw ni Aspien na kinausok ng ilong ng babae.
"How dare you!" sigaw ng babae at sasampalin sana si Aspien ng agad itong masalo ni Aspien.
"How dare me? Well, how dare you too!" ani ni Aspien at sinampal ng dalawang beses ang babae na kinatumba nito. Umupo si Aspien para pantayan ang babae na nakaupo sa sahig habang hawak ang pisngi at papaiyak pa.
"Subukan mo ulit kalabanin ako bitch hindi lang yan ang aabutin mo sakin, btw kung kumakati na yan pumunta ka sa bar madaming kakamot na langaw diyan," nakangising sabi ni Aspien at tumayo na. Aalis na sana si Aspien ng mapahinto ito matapos magsalita ang babae.
"Sinasabi mo ba na malandi ako? Baka ikaw kaya nga sumusunod sayo ang mga lalaki dito sa University diba, kasi malandi ka ginayuma mo silang lahat kanino ka pa ba magmamana— like mother like daughter, " pang iinsulto ng babae kay Aspien. And that's a cue nawala na sa sarili si Aspien.
Kinuha ni Aspien ang upuan na nasa harap niya at walang magdadalawang isip na hinampas sa babae na agad nag-iiyak matapos makita ang likidong galing sa ulo niya. Nagsigawan ang mga kaklase nila at isa isang lumabas.
"Wag na wag mong idadamay ang ina ko dito dahil kahit galit ako sa kaniya never kung hiniling na insultuhin siya ng iba," sobrang lamig na sabi ni Aspien habang nakatingin sa babaeng umiiyak. Silang dalawa nalang ang nasa loob ng classroom yong mga kaklase nila nasa labas na at sumisilip lang. Sisipain pa sana ni Aspien ang babae ng-
"Aspien!" napatigil si Aspien matapos marinig ang boses ng daddy niya. Tiningnan niya ang nasa harapan at napaatras matapos makita na hindi na makilala ang babae dahil sa dami ng dugo nito.
"Sa bahay tayo mag-uusap," malamig na sabi ng daddy ni Aspien at lumabas na kasama ang mommy niya at si Aspien. Hindi nakaligtas sa mata ni Aspien ang tingin ng ina niya sa kaniya. Hindi na siya magtataka kung bakit nandito ang daddy niya dahil panigurado tinawagan agad ito ng dean.
Nang makarating sila sa mansion agad na pumasok si Aspien at tuloy tuloy na lumakad papuntang office ng dad niya dito sa bahay niula.
"Bakit mo ginawa yon Aspien? For god's sake Aspien halos mapatay mo na ang babaeng yon," bungad sa kaniya ng dad niya pagkapasok pa lang niya. Nakita niya din sa sofa na nakaupo ang mommy at kapatid niya.
"Sinabihan na kita diba hon, kung hindi mo pa nakita ang nangyari kanina hindi ka na naman maniniwala sakin," inis na sabi ng mommy ni Aspien habang nakatingin kay Aspien ng masama.
"Mommy! Yaan mo na baka may reason si Aspien bakit niya ginawa yon," mahinahong sabi ni Aspen na kinairap ni Aspien sa kawalan.
"Pabida ang gaga," ani ni Aspien sa utak.
"Ngayon Aspien, bakit mo ginawa yon? Alam mo bang hindi ako naniwala sa mommy mo na laging sinasabi na may mga binubugbog ka daw? Lagi din kitang pa pinagtatanggol sa kaniya tapos yon lang ang makikita ko?" seryusong sabi ng daddy ni Aspien na kinatuod ni Aspien sa kinatatayuan niya. Sa tono ng pananalita ng daddy ni Aspien parang nagsisisi ito na kinampihan niya si Aspien.
"Yan edi nagising ka din ayaw mo kasi maniwala eh lagi mong pinagpipilitan na hindi kayang gawin yon ng so called PABORITO mong anak, lagi din yang lumalabas paggabi naglalakwatsa kasama ang barkada. Sinasabihan ko yan pero ako pa ang masama tsk gabi gabi nalang lumalandi-"
"Hon ano ba! Tumigil kana," pagpapatigil ng daddy niya sa mommy nitong kanina pa dumadakdak.
"Ano kakampihan mo na naman siya? Hindi pa ba sapat yong nakita mo kanina?" inis na sabi ng mommy ni Aspien habang si Aspien naman tahimik lang na napakuyom ng kamao.
"Hindi ko siya kinakampihan pero hon sumusobra kana ata anak mo pa din siya," mahinahong sabi ng daddy ni Aspien na mas kinagusot ng mukha ng mommy niya.
"Wala akong anak na malandi at mamatay tao-"
"Tapos na ho kayo?" tanong ni Aspien sa mommy niya na napatigil.
"Oo ako na mamamatay tao, pinatay ko nga si kuya diba? at malandi tangna saan niyo ko nakita na nagpapakantot kung kani-kaninong lalaki?" ani ni Aspien at tumawa ng mapakla.
"Alam niyo mom nagsisi ako na ipinagtanggol ko kayo sa babaeng nagsabi sa inyo na malandi ka," malamig na sabi ni Aspien bago lumabas ng office. Habang ang ina niya naman napatigil at parang hindi pa nagsisin ink sa utak nito.
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomanceHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...