Chapter 23

66 4 0
                                    


Chapter 23

Aspien Lewis POV
"Listen everyone! Hindi lang po ang birthday ng kambal na Lewis ang i-cecelebrate natin kundi pa din na din ang engagement party ng isa sa kambal na Lewis, lets give a around of applause for Mr. Flint Dela vega and Aspen Lewis!" sigaw ng mc kasabay ang palakpakan ng manonood. Umakyat na si Aspen at Flint sa stage. 

Parang gusto kong baliin ang kamay ni Aspen ng makita ko na nakapulupot sa mga braso ni Flint habang nakangiti pa. Napako naman ang tingin ni Flint sakin. Nagtitigan lang kami at maya maya pa ako na ang umiwas. Naglakad nalang ako palayo para bumalik na sa kwarto. 

"Hey your Aspien right?" tanong ng kung sino kaya nilingon ko ito. 

"K-kuya," nauutal na sabi ko at bigla nalang siyang niyakap na kinagulat niya. 

"A-ahh miss teka nagkakamali kayo," naiilang na sabi niya bago ako marahang itulak. Kamukhang kamukha niya talaga si Kuya— yong kakambal ni kuya na nawawala. 

"P-pero kamukha mo si kuya," mahinang ani ko na alam kong narinig niya. Ngumiti siya at may inabot sakin. 

"Ito calling card ko wag mo sana sabihin sa iba na nakita mo ko— baby sis," ani niya at binulong lang ang huling sinabi kaya hindi ko ito narinig. Nakatingin lang ako sa papalayong bulto niya. 

"Si kuya yon alam ko," mahinang bulong ko. 

"Hi miss Aspien," sulpot ng dalawang lalaki sa harap ko. Pinawalang emosyon ko ulit ang mukha ko. 

"Yes? May kailangan kayo?" malamig na sabi ko. Umacting naman sila na para nilalamig. 

"Sobrang lamig naman miss Aspien," ani ng isa sa kanila.

"Ano ba kailangan niyo?" masungit na sabi ko sa kanila.

"Gusto lang namin makipagkilala— i'm Casspian Collins and ito si Hendrix Johnson-"

"I'm not interested," walang emosyon na sabi ko na kinatanga nila. Naglakad na ulit ako pataas. Haist pagod na ako. Nang makarating ako sa kwarto agad ko itong binuksan at humilata agad sa kama. 

"Puro pasakit nalang ba mararamdaman mo Aspien, wala ba talagang nagmamahal sayo lahat nalang na kay Aspen," mahinang bulong ko at ngumiti ng mapait. Napatingin ako sa hawak kong calling card. 

"Kuya sana ikaw na nga yon, matagal ka naming inantay," nakangiting sabi ko. Tumayo ako hinubad nalang basta basta ang gown ko bago pumasok sa cr at sumakay sa bath tub. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. 

Flint Dela vega's POV
"Congrats iho, iha," pagbati ng mga bisita haist nakakapagod din ngumiti. Ito namang katabi ko kanina pa nakakapit at halatang sanay na sanay na siya sa mga ganitong bagay. Sabagay she's a model slash actress. 

Nilibot ko ang paningin ko. Hindi ko talaga makita si Aspien simula nong ini-announce ang engagement namin ni Aspen bigla nalang siyang nawala. 

"Babe sino hinahanap mo?" napatingin ako kay Aspen ng bigla itong nagsalita at nagtatakhang nakatingin sakin. 

"A-ahh wala wala," ani ko at napakamot pa sa ulo. 

"Ganun ba tara na kanina pa tayo tinatawag nina mom," nakangiting ani niya bago ako hinatak papunta sa table nina mommy. Pasimpleng nilibot ko ulit ang tingin ko pero hindi ko talaga makita si Aspien. 

Natapos na ang party pero hindi ko talaga siya makita. Btw nandito na kami ni Aspen sa bagong mansion na binili nina mommy ikakasal na din naman daw kami kaya magsasama nalang daw kami. 

Hindi naman sa ayoko kay Aspen pero kasi iba talaga ang nilalaman ng puso ko. Magkamukha sila oo pero iba talaga pag si Aspien ang kasama ko. 

"Ahh Aspen dito kana sa kama— dito nalang ako sa sofa-"

"No babe malaki naman ang kama eh dito na tayo," nakangiting sabi niya na kinailing ko. 

"Wag na dito na ako saka na ako tatabi pag kasal na tayo," ani ko at ngumiti. 

"Tapatin mo nga ako Babe ayaw mo bang magpakasal sakin?" seryosong sabi niya na kinatigil ko. 

"Saan mo naman narinig yan-"

"Sagutin mo ang tanong ko Flint ayaw mo ba sakin!" sigaw niya na kinakunot ko ng noo. 

"Oo ayaw ko! Si Aspien ang mahal ko at hindi ikaw! ngayon tatanungin kita bakit ka nagpanggap na siya nong pumunta ka sa park?" malamig na tanong ko sa kaniya na kinabigla niya. 

"Flint ako naman talaga ang kasama mo sa park-"

"Wag kana mag-deny kahit pareho kayo ng mukha malalaman ko pa din kung sino sa inyo ang tanong matagal ko ng nakakasama sa park-"

"Edi siya na! lagi nalang si Aspien! Aspien! Aspien! andito naman ako ah. Gusto mong malaman kung bakit ako nagpanggap na siya? Dahil mahal kita Flint! Simula pa lang pagkabata natin mahal na kita!" umiiyak na sigaw niya na kinaguilty ko. Agad ko siyang niyakap. 

"I'm sorry Aspen i'm sorry pero si Aspien talaga ang mahal ko-"

"NO!" sigaw niya at tinulak ako. Kitang kita ko ang galing sa mukha niya. 

"Akin ka lang Flint! Akin ka lang! hindi ko hahayaan na mapunta ka sa kaniya!" nanggagalaiting sigaw niya bago lumabas ng kwarto at binagsak ang pinto. 

"Tangna ano ba tong Napasok ko," ani ko at napasabunot nalang sa sariling buhok. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Hendrix. 

"Yo bro!-"

"Bar tayo sabihan mo si Caspian," ani ko bago pinatay ang tawag. Nagbihis na ako at kinuha ang coat ko bago lumabas ng kwarto. 

Paglabas ko ng bahay wala akong nakitang Aspen. Hindi ko nalang ito pinansin at lumabas na ng mansion. Pagkalabas ko ng mansion agad akong tumungo sa parking lot at pumasok na sa kotse ko. 

Pinaandar ko na ito at pinaharurot papuntang bar kung saan may nangyare samin ni Aspien. Naguguluhan na ako haist. Nang makarating ako sa bar nakita ko na sa labas ng mga gunggong na nag aantay. 

"Yo bro antagal mo naman," ani ni Red. 

"Oh Red nakauwi kana pala, kailan ka pa dito?" ani ko na nagulat matapos siya makita. 

"Hahhaa nong isang araw lang bro di ba sinabi sayo ng mga lokong to?" natatawang sabi niya bago ako akbayan. Tiningnan ko naman sina Caspian na napataas ng kamay. 

"Sorry bro nakalimutan namin hahaha," tawa ng mga gago. Babanatan ko sana sila ng pigilan ako ni Red. 

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon