Chapter 17

71 5 0
                                    


Chapter 17

Pastel Levi Randall's POV
"Gago bro mandiri ka nga!" nakangiting sabi ni Aldrin at hinila ang braso niya na hawak ni Draven. 

"Huhu ang bad niyo talaga sa akin hindi ko kayo bati," pagdadrama ni Draven na kinapigil ko ng tawa. Yong mukha kasi ni Trevor at Aldrin parang sinasabi na bakit nga ba nila naging kaibigan si Draven. 

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" nakataas kilay na tanong ko. Inirapan naman ako ni Draven. Aba gago to ah. Napatingin ako ng lumapit siya kay nanay. 

"Hehe tita may sapin sapin pa ba kayo-"

"Bakit manghihingi ka na naman? ang yaman yaman mong tao kuripot," putol ko sa sasabihin niya. 

"Hoy ikaw namumuro kana ah, bibili kaya ako hindi manghihingi hhmmp," maktol niya. Inirapan ko lang siya at kumain nalang ulit. 

"Hoy Draven total bibili ka nalang then pakyawin mo na yan," sambit ni Trevor.

"Papakyawin ko talaga to, paborito ito ni mom eh," nakangiting sabi ni Draven. Ayon nga pinakyaw niya lahat at umalis nalang ng walang paalam.

"Kita mo yon iniwan pa ako," nakapokerface na sabi ni Aldrin. Maya maya nakita naming tumatakbo si Draven pabalik dito.

"Ay nakalimutan pala kita Aldrin tara na," nagkakamot ulong sabi ni Draven na kinapigil ng tawa namin ni Trevor. Hinila niya na si Aldrin na napakaway nalang sa amin.

"May relasyon ba ang dalawang iyon iho?" tanong nanay na kinalaki ng mata namin.

"Haha hindi po tita, magpinsan ang mga yon at ganon lang talaga sila, natural na talaga na napagkakamalan silang magjowa," natatawang sabi ni Trevor na kinatango ni nanay.

"Oh siya bilisan niyo diyan kailangan natin paubusin ang mga gulay na ito para makauwi na tayo," sabi ni nanay. Saktong tapos na din kaming kumain. Niligpit ko na ang mga pinagkainan namin at nilagay sa bag para doon na hugasan sa bahay. 

Nagsimula na kaming magtawag ng mga customer at 10minuto lang ang nakakaraan nagdagsaan na agad ang mga tao dito para bumili ng gulay. Mabilis na naubos ang mga gulay namin kaya ngayon naglalakad na kami pauwi. 

"Pastel samahan mo muna kami dito."

"Oo nga naman Pastel pagbigyan mo na kami." 

Sigaw ng mga tambay na nadaanan namin. Syempre andoon din sina Kyle na palaging ako ang tinatarget. Kahit andito si Trevor hindi pa din sila tumitigil. Pupuntahan na sana ni Trevor sina Kyle ng hawakan ko ang braso niya. 

"Hayaan mo na," mahinang sabi ko. 

"Iho hayaan mo na mga yan huwag mo ng pansinin," sabi naman ni nanay. Lalakad na sana kami ng humarang sila. 

"Sandali lang, magi-exercise muna kami ng boyprend mo," nakangising sabi ni Aeron. 

"Pwede ba tigilan niyo na kami," naiinis na sabi ko. 

"Pastel naman itong boyprend mo kausap namin, ano boy laban ka," hamon nito kay Trevor. May mga kapitbahay na din kaming nagsilabasan para lang manood. 

"Tumabi muna kayo mahal, tuturuan ko lang ng leksyon ang mga to," malamig na sabi ni Trevor na kinalaki ng mata ko. 

"Mahal please umalis nalang tayo," pagpupumilit ko. Nilingon niya naman ako bago hinawakan ang kamay ko. 

"Pag umatras na naman tayo patuloy lang silang manggugulo sa atin, trust me kaya ko to," mahinahong sabi niya. Kahit nag aalala tumango nalang ako. Binigay niya muna sa akin ang mga dala niya bago humarap kena Aeron na napangisi nalang. 

Tumabi na kami ni nanay kaya sila nalang ngayong anim ang nasa gitna. Lima kasi sina Aeron at nag iisa lang siya. Kahit nag aalala pilit ko pa ring pinapatatag ang sarili ko. 

"Nag iisa ka lang boy? sigurado ka bang kakayanin mo kami?" nang aasar na sabi ni Arnold isa sa mga kasama nina Kyle. 

"Kawawa naman ang gwapong mukha na meron ah mababasag lang," natatawang sabi ni Aeron. Pero nakatingin lang ng malamig sa kanila si Trevor. 

"Tapos na ba kayo? pwede na natin simulan ang laban?" malamig na sabi ni Trevor. Nag ingay pa ang mga tao dito at nagchecheer pa. 

"Anak hindi mo ba pipigilan si Trevor?" nag aalalang tanong ni nanay. 

"Don't worry nay kaya niya na iyan," nakangiting sabi ko. Nagsimula na ang laban at unang sumugod sina Kyle. Nagulat ang lahat ng isang suntok ni Trevor tulog agad si Aeron. 

Napanganga kaming lahat ng hindi man lang pinagpawisan si Trevor. Lahat sina Kyle nakasalampak sa lupa at mga walang malay. Hindi nakapagsalita ang mga tao siguro shock pa din. Biruin mo tig iisang suntok lang tulog agad sila. 

"Tara na mahal," malambing na sabi ni Trevor na hindi ko napansin na andito na pala siya sa harap ko. Kinuha niya ang mga gamit na hawak ko. 

"Mahal saan ka natutong lumaban?" nagtatakhang tanong ko habang naglalakad kami. 

"Bata pa lang tinuruan na ako ni dad dahil sa mga kalaban namin sa business," sagot niya na kinatango ko. Tinaas ko ang kamao ko. 

"Pero ang galing ng mahal ko!" nakangiting sabi ko na kinangiti niya. Inakbayan niya ako at nagpatuloy na kami sa paglalakd. 

"Pero paano pag hindi nila tayo tinigilan," biglang sabi ko na kinatingin niya. 

"Edi patutulugin ko ulit sila at sa pagkakataong yon sa hospital na," natatawang sabi niya na kinalaki ng mata ko. 

"Mahal masama yon ah!" saway ko na kinataas ng kamay niya. 

"Patutulugin ko lang naman anong masama doon?" natatawang tanong niya na kinapokerface ko. Nakarating na kami sa bahay kaya pumasok na kami. 

Napaupo agad ako sa maliit na sofa namin dahil sa pagod. Pawis na pawis din kami dahil sa init. Napatingin ako kay Trevor na may kausap sa cellphone niya. Maya maya binaba niya ito at lumapit sa akin. 

"Mahal uwi muna ako ah pinapatawag ako ni mom," paalam niya na kinatango ko. 

"Sige na mahal, salamat pala sa pagsama at pagtulong sa amin sa palengke," nakangiting sabi ko. Pinisil niya ang ilong ko. 

"Wala yon ano ka ba, tyaka boyfriend mo ako natural na tutulong ako sayo," nakangising sabi niya. 

"Oo na sige na alis na," natatawang sabi ko. Mabilis niya naman akong hinalikan sa labi at nagpaalam na. 

"Tita una na po ako, mahal una na ako kita nalang tayo bukas," paalam niya na kinangiti ko. Kinawayan ko lang siya. 

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon