Chapter 29

61 3 0
                                    


Chapter 29

Flint Dela vega's POV
Napatigil ako ng makita ang sinasakyang eroplano nina Aspien na lumipad na. Napaluhod nalang ako at napahagulgol. 

"Aspien," mahinang bulong ko. 

"Bro ano nahabol mo ba?" tanong ni Hendrix na kararating lang kasama si Red. Umiling iling ako na kinabuntong hininga nila. 

"Kasalanan niyong lahat ng ito," malamig na sabi ko. Tumayo na ako at pinawalang ekspresyon ang mukha bago naunang maglakad. 

Hendrix Johnson's POV
"Hindi ko gusto ang aurang nakikita ko ngayon kay Flint," ani ko habang nakatingin sa papalayong bulto ni Flint. 

"Sana lang di bumalik ang dating Flint," mahinang sabi ni Red. Sumunod na kami ni Red kay Flint. 

Last time na naging ganyan ang aura ni Flint nong nalaman niya na niloloko siya ni Catria. Ni hindi din namin siya makausap ng maayos at kung sino sinong babae ang kinakama. 

Wala siyang sinusunod noon kahit ang mga magulang niya kinain na siya ng sakit na dulot ni Catria sa kaniya. 

Aspen Lewis POV
"Iha kami na humihingi ng tawad sa ginawa ni Flint," paumanhin ni tita mommy ni Flint. 

"Okay lang po yon tita siguro hindi pa handang magpakasal si Flint," nakangiting sabi ko pero deep inside sobrang sakit. Hindi totoong gusto ko lang gantihan si Aspien kaya ko inagaw si Flint. Mahal ko si Flint kaya sobrang sakit. 

"Kasalanan mo to Aspien," sabi ko sa isip ko. Nagpaalam na ako sa kanila at naunang umuwi samin. Alam ko namang hindi don pumunta si Flint sa mansion na dapat magiging bahay naming dalawa. 

Uuwi ako sa bahay para pagbayarin ang impokrita kong kakambal. Humanda ka Aspien palagi nalang ikaw, ikaw puro nalang ikaw! 

"Aahhhhh! Bwesit ka Aspien!" sigaw ko at mas pinabilisan pa ang pagpapatakbo ng kotse. Nang makarating ako sa mansion agad akong pumasok. 

"Aspien! Aspien nasan ka! Harapin mo ko!" sigaw ko ng makapasok ako sa mansion. 

"Manang! Asan si Aspien?" galit na galit na tanong ko. Yumuko naman si manang. 

"Young lady wala na po si young lady Aspien dito umalis na po siya kasama po ang isang lalaki dala ang maleta niya," ani ni manang na kinakunot ng noo ko. 

"Alam mo ba kung saan sila pupunta ang kung sino ang lalaking kasama niya?" tanong ko. 

"Narinig ko po aalis na sila ng bansa at narinig ko pong tinawag niyang kuya ang kasama niya lalaki— kamukha niya po si young master Adrian," sagot ni manang na kinatigil ko. Si K-kuya? B-buhay siya. 

Napaupo ako sa sahig habang nakatulala. Bakit? Bakit hindi siya nagpakita sakin? Bakit hindi niya man lang nagawang puntahan ako? Bakit si Aspien na naman? 

"Ahhhhhh! Putangina mo Aspien!" sigaw ko at pinagbabato lahat ng mahawakan ko. 

"Palagi nalang ikaw! Ikaw! Ikaw! Ahhhhh!" sigaw ko ulit at pinagbabasag lahat ng mga vase na mahawakan ko. Tudo awat naman ang mga katulong pero wala akong pakealam. 

"Magbabayad ka Aspien! Magbabayad ka! Ahhhhh!-"

"Pak!" napatigil ako ng may mabigat na kamay ang sumampal sakin. Unti unti ko itong tiningnan at si D-dad? 

"Tama na Aspen! wag mo sisihin si Aspien dito dahil kung tutuusin siya naman talaga dapat ang ipapakasal namin kay Flint kung hindi ka lang nagmakaawa!" galit na sigaw ni Dad na kinaiyak ko. 

"Mahal ko si Flint dad-"

"Si Aspien ang mahal niya Aspen!  Kaya si Aspien ang napili kong ipakasal dahil una pa lang sinabi na sakin ni Flint na si Aspien ang gusto niyang pakasalan!" ani ni dad na kinalumo ko. 

"W-what?"

"Maganda ka Aspen matalino kahit sinong lalaki makukuha mo-"

"Wala akong pakealam ang gusto ko si Flint!" sigaw ko at tumakbo papunta sa taas. 

"Akin ka lang Flint! Akin ka lang!" umiiyak na sabi ko. 

Flint Dela vega's POV
"Bogs!" isang suntok ang sumalubong sakin pagkapasok ko pa lang sa bahay. 

"Fero!" sigaw ni mom ng makita niya akong sinuntok ni dad. 

"Huwag kang makialam dito Fiona!" galit na sabi ni dad at sinuntok ulit ako. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa kwelyo ko at tiningnan sa mata. 

"Alam mo ba kung anong kahihiyan ang ginawa mo sa pamilya natin ha Flint! Kalat na kalat na sa buong mundo ang pagtakbo mo sa sarili mong kasal!" sigaw niya at sinuntok ulit ako. Hinayaan ko lang siya na bugbogin ako. Besides wala na akong maramdaman na kahit ano. 

"Fero ano ba tama na! Papatayin mo ba ang anak natin!" sigaw ni mom at tinulak si dad na nakasakay sakin kanina habang sinusuntok suntok ako. 

"Dad tama na please!" iyak na sigaw ni Ate at niyakap ako. Dumura ako ng dugo at tumayo na parang walang nangyare.  

"Kayo din naman may gawa non diba? Una pa lang sinabi ko na na hindi si Aspen ang papakasalan ko pero wala kayong ginawa," malamig na sabi ko. 

"Bunso-" tinabig ko ang kamay ni Ate na nakahawak sakin. Nakita ko pang nasaktan siya pero wala akong pakialam. Lahat sila kasalanan nila kung bakit umalis si Aspien. 

"Don't worry aayusin ko ang gusot na ito na KAYO ANG MAY GAWA," walang emosyon na sabi ko at diniinan pa ang salitang kayo ang may gawa. Naglakad na ako pataas at hindi pinansin ang pagtawag nila sakin. 

Nang makarating ako sa kwarto ko. Hinubad ko lahat ng saplot ko at pumasok na sa cr. Habang nasa ilalim ng shower iniisip ko kung sana gumawa ako ng paraan sana hindi makakaalis si Aspien. 

"Ang tanga mo kasi Flint! ang tanga mo!" paninisi ko sa sarili ko at pinagsusuntok ang dingding ng cr. Dumudugo na ang kamay ko pero manhid na ata ako wala na akong maramdaman. Patuloy lang ako sa paninisi sa sarili ko at pagsuntok sa pader.

Someone's POV
"Lord umatras po ang lalaki sa kasal," ani ng tauhan ko pagkapasok niya sa office at yumuko. Napangisi naman ako. Nag-gesture ako na umalis na ang tauhan ko. 

"What a good news bro," natatawang sabi ng isa sa taong nakaupo sa sofa ng office ko. Mabilis akong tumayo at kinuha ang coat ko. 

"Oh bro where are you going?" tanong ng isa pa. Tiningnan ko lang sila at ngumisi ng nakakaloko. 

"Owws alam ko na yan— enjoy bro," ani niya. Kaya lumabas na ako ng office. 

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon