Chapter 24

55 3 0
                                    


Chapter 24

Flint Dela vega's POV
"Oh bro kalma haha tara pasok na tayo," ani ni Red at hinatak ako papasok sa bar sumunod din naman ang mga gago. 

Nang makapasok kami agad kaming dumiretso sa Vip room na alam kong pinareserved na nina Caspian. 

"So bro anong problema? Bakit bigla ka atang nagyaya diba kagagaling mo lang sa engagement party niyo?" tanong ni Hendrix. 

"Bro! engage kana pala bakit di ka man lang nagsabi?" gulat na tanong ni Red.

"Arrange marriage yon bro," ikling sabi ko na kinatingin niya. 

"So ano nga problema bakit bigla kang nagyaya?" tanong ni Hendrix. Nilapag ko muna ang boteng hawak ko. 

"Ayoko magpakasal," seryosong sabi ko. 

"Ano? eh diba siya yong babae na naka-date mo at kinikita mo lagi sa-"

"Hindi siya yon," malamig na sabi ko. 

"Panong hindi siya eh magkamukha sila," ani ni Caspian na kinatingin ko sa kaniya kasabay non ang pagtakip niya sa bibig niya. 

"Mga gago kayo! Sinusundan niyo ba ako?" sigaw ko at pinagbabato sila ng chips na isa sa pulutan namin. Tudo tago naman ang dalawa sa likod ni Red na napailing lang. 

"Isang beses lang yon oy!" ani ni Hendrix habang nagtatago pa din. 

"Mga gago kayo! Umalis nga kayo sa likod ko!" naiiritang sigaw ni Red siya kasi lagi natatamaan sa mga chips na binabato ko. 

"Ahh naalala ko na may kakambal pala siya," biglang sabi ni Caspian ng tumigil ako. Pareho naman nila akong tiningnang dalawa na may panlalaki sa mata. 

"Ibig sabihin si Aspien talaga ang totoong kinikita mo sa park?" gulat na sigaw nilang dalawa na kinatango ko. Napasapo naman sila sa noo. 

"Edi sana sinabi mo kena tita na si Aspien nalang papakasalan mo total lewis din naman yon," saad ni Hendrix. Umiling iling naman ako. 

"Tinanong ko kanina si Aspen bakit siya nagpanggap bilang si Aspien, hindi ko alam kung may sakit siya sa pag-iisip," ani ko at napahilamos nalang sa mukha. Kwenento ko sa kanila ang sagutan namin ni Aspen at gulat na gulat ang mukha nila. 

"Mahirap yan bro, so ano ng plano mo?" tanong ni Caspian. 

"Hindi ko alam," namomoblemang sabi ko. Ang gulo na bakit ba nangyare sakin ito. 

"Kailan daw ba kayo ikakasal ni Aspen?" tanong ni Red. 

"Pagkatapos daw ng graduation nila," mahinang ani ko. Nakita ko namang nagkatinginan silang tatlo. 

"May plano kami diyan!/We have a plan!/ kami na ang bahala diyan!" sabay na sigaw nilang tatlo at sabay pa na nag-apiran. Tinaasan ko naman sila ng kilay. 

"Ano namang magagawa niyo?" kunot noong sabi ko. Ngumisi naman sila sakin. 

"Ganito," ani ni Red at sinabi sakin kung ano ang plano nila. Maganda ang plano nila pero-"

"Pano pag nalaman ni Dad?" tanong ko sa kanila na kinasapo nila sa noo. 

"How about kausapin nalang natin si tito?" tanong ni Hendrix na agad binatukan ni Caspian. 

"Gago! Sige nga ano naman idadahilan natin kay tito?" tanong ni Caspian at binatukan din siya ni Hendrix. 

"Gago ka din tsk," asik ni Hendrix. Napaisip naman ako kung sabihin ko kaya kay mommy at daddy. Agad akong tumayo. 

"Kailangan ko ng umalis!" nagmamadaling sabi ko bago kinuha ang coat ko at naglakad na palabas. Narinig ko lang ang tawag nila pero hindi ko na ito pinansin at tuloy tuloy na lumabas ng bar. 

Tinungo ko ang kotse ko at pinaharurot papunta sa mansion nina dad. Kailangan ko silang kausapin tungkol sa kasal. Pagkarating ko sa mansion hindi ko na pinark ang kotse ko at agad na pumasok sa mansion. 

"Mom! Dad!" tawag ko ng makapasok ako sa mansion namin. 

"Oh anak bakit?" tanong ni mom na kagagaling lang sa kusina. Tiningnan ko ang oras shit di ko napansin madaling araw na pala. 

"Mom nasaan si dad?" tanong ko na kinakunot ng noo niya. 

"Nasa office niya bakit?" tanong niya. Umiling lang ako at tumakbo pataas. Nasa taas kasi ang office ni dad. Nang makarating ako don agad akong kumatok. 

"Come in," ani ng nasa loob kaya pumasok na ako. 

"Oh son what are you doing here?" nagtatakhang ani niya. Umupo ako sa sofa na nandon kaharap siya. 

"Pwede ba kita makausap dad?" seryosong sabi ko. Sumeryoso naman ang mukha niya. 

"What is it?" tanong niya ng makalipat siya sa sofa na kaharap ko. 

"Ayoko magpakasal," deritsong sabi ko na mas kinaseryoso ng mukha niya. 

"Gusto mo ba madissapoint ang mommy mo Flint?" malamig na sabi niya. 

"Hindi dad, pero kung ipapakasal ako sa mga lewis gusto ko kay Aspien at hindi kay Aspen," ani ko na kinakunot ng noo niya. 

"Son hindi mo ba nababalitaan na takaw sa gulo yang gusto mong pakasalan sobrang sama din ng ugali-"

"Dad siya yong kwenento ko sa inyo ni mom dati, yong kinikita ko sa park— siya yon, malayong malayo siya sa sinasabi ng iba na takaw sa gulo at sobrang sama ng ugali," saad ko na kinagulat ni dad. Umiling iling naman si dad at tinapik ang balikat ko. 

"Wala na tayong magagawa son unless kung kakausapin mo si Mr. Lewis or Mrs. Lewis about dito," ani niya. Yumuko naman ako. 

"Dad hindi ba pwedeng ikaw nalang?" ani ko. Umiling iling naman siya. 

"Ikaw na son, sige na umuwi kana huwag kana muna pumasok sa trabaho mukhang uminom ka na naman," ani niya at tinapik ulit ako sa balikat. Tumango lang ako at tumayo na bago nagpaalam kay dad. Lumabas na ako ng office niya at naglakad pababa. 

"Oh son dito kana mag-umagahan," ani ni mommy ng makita akong pababa. Ngumiti lang ako bago kinis sa pisngi si mommy. 

"Sa bahay na mom una na ako bye," ani ko at naglakad na paalis. Haist kailangan kong makausap si Mr. Lewis. Nang makalabas ako sumakay agad ako sa kotse at pinaharurot papuntang mansion. 

Nang makarating ako don pinark ko na ang kotse. Malayo pa lang nakita ko na sa bukana ng pinto nakatayo si Aspen habang masamang nakatingin sakin. 

"Saan ka galing siguro nambabae ka no!" sigaw niya agad sakin ng makalapit ako. Tangna. 

"Bumisita lang ako kena mom," mahinang ani ko. Inamoy niya naman ang hininga ko. 

"Bumisita?! Eh bakit amoy alak ka ha!" sigaw niya ulit sakin. Sisirain ba nito ang eardrums ko. 

"Pwede ba Aspen tigilan mo ko hindi kita asawa para umasta kang ganyan!"

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon