Chapter 143rd Person's POV
Walang ginawa si Aspien kundi ang kumain at matulog lang kinuhanan din siya ng gadgets ng dad niya. Yong ibang pagkain hindi niya kinakain kasi ang iba panis na ang binibigay sa kaniya.Sanay na siya dahil pati mga katulong nila hindi siya nirerespeto. Pero iba ngayon dahil kaya niya ng lumaban hindi katulad nong bata siya na halos tatlong araw siyang walang kain lalo na pag wala ang daddy niya.
Lagi kasing nasa business trip ang daddy niya at minsan inaabot pa ng ilang months bago makauwi sa bahay nila kaya ganun nalang kadaling bullyhin siya ng mga katulong.
"Ito na pagkain mo!" pasigaw na sabi ng maid na nagbukas ng pinto at basta nalang tinapon sa sahig ang pagkain. Uminit ang ulo ni Aspien— pinuntahan niya ito at agad na hinila ang buhok.
"A-aray bitawan mo ako!" sigaw ng maid pero parang walang narinig si Aspien at nginudngod ang mukha ng maid sa sahig kung nasaan nakakalat ang panis na pagkain.
"Akala niyo ba ako pa ang batang si Aspien noon na inaapi-api niyo lang," malamig na sabi ni Aspien na kinalamig ng maid. Napangisi si Aspien ng makita ang takot na mukha ng maid.
"Aspien bitawan mo siya," sigaw ng mommy niya hindi kalayuan sa kwarto niya kasama din nito ang iba pang maid na masamang nakatingin kay Aspien. Mukhang narinig nila ang sigaw ni Bet ang maid na hawak ni Aspien.
"Owww andito na pala kayo," nakangising sabi ni Aspien bago hinila si Bet palabas ng pinto at basta nalang tinapon sa harap ng mommy at mga katulong nila.
"Kung ayaw niyong matulad sa kaniya huwag niyo akong papakialaman at higit sa lahat huwag na huwag niyo akong kakalabanin— delikado akong kalaban," ngising demonyo na sabi ni Aspien at basta nalang tumalikod bago sinara ng pabalang ang pinto.
"Aspien hindi pa tayo tapos!" sigaw ng mommy niya at kinatok-katok pa ang pinto. Dahil sa inis ni Aspien binuksan niya ang pinto para sana patigilin ang mommy niya pero-
"Blag!" tunog ng pagbagsak ng mommy niya sa sahig. Tumikhim si Aspien para pigilang matawa sa itsura ng mommy niya na puro kanin na.
"Mom walang tubig diyan bakit diyan kayo lumangoy? Andon ang swimming pool oh," ani ni Aspien na nagpipigil ng tawa. Ang ibang katulong nagpipigil din ng tawa pero ng tingnan sila ng masama ng mommy ni Aspien pareho silang lahat ng si iwas ng tingin.
Bumangon ang mommy ni Aspien at pinunasan ang mga kanin na sa nasa mukha niya bago tingnan ng masama si Aspien na napataas lang ng kilay dahil sa tingin ng mommy niya.
"Sinadya mo yon no!" sigaw ng mommy ni Aspien kay Aspien.
"Excuse me? Hindi ko kasalanan na tanga ka," natatawang sabi ni Aspien na mas kinagusot ng mommy niya.
"Hindi pa tayo tapos," huling sabi ng mommy ni Aspien sa kaniya at naglakad na paalis. Susunod na din sana ang mga katulong ng magsalita si Aspien.
"Hep! Hep! Saan kayo pupunta? Makakaalis lang kayo dito pagkatapos niyo linisin ang kalat na ginawa ng kasama niyo," malamig na sabi ni Aspien at tiningnan isa isa ang mga katulong. Nanginginig naman ang iba na yumuko.
"O-opo m-ma'am," nauutal na sabi ng mga katulong na kinangisi ni Aspien dahil sa nakikita niyang takot na ang mga ito sa kaniya.
"Good magsimula na kayo" ani ni Aspien bago dumiretso sa cr para maglinis ng katawan. Pagkapasok ni Aspien sa cr nagbulungan ang mga katulong na kesyo daw ang sama ng ugali ni Aspien, nakakatakot daw si Aspien at kung ano ano pa.
Pagkalabas ni Aspien sa cr wala na ang mga katulong at malinis na din ang kwarto niya. Agad na dumiretso si Aspien sa closet para magbihis. Pagkatapos niya magbihis lalabas na sana siya ng may marinig siya na nag uusap sa labas ng pintuan niya.
"Mom kyaaaaa totoo ma'am nagkita kami ni Flint at nag-confess siya sakin na gusto niya daw ako kyaaaaa mom ang saya ko," rinig niyang tili ng kakambal niya na si Aspen. Para namang may tumusok sa puso niya ng marinig ang sinabi ng kakambal. Imbis na lumabas tumalikod nalang siya at dumapa sa kama.
"Talaga sweety? Eh saan naman kayo nagkita?" rinig niyang tanong ng mommy niya kay Aspen.
"Sa park mom kagabi diba ginabi ako? napadaan kasi ako sa park tapos nakita ko sa Flint na nakaupo sa isa sa mga bench don, syempre pagkakataon ko na na mapansin ako ng taong gusto ko kaya pinuntahan ko siya," ani ng kakambal niya na si Aspen. Hindi niya na narinig pa ang mga sinasabi nito dahil parang umalis na ang mga ito sa harap ng kwarto niya.
"Hinihintay kaya ako ni Flint sa park," mahinang bulong ni Aspien sa sarili habang nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame.
"Ano ka ba Aspien pigilan mo ang nararamdaman mo mali to," ani ni Aspien sa sarili habang paulit ulit na umiling-iling.
"Pero bakit napadaan si Aspen don?" tanong niya sa sarili. Nagtataka kasi si Aspien pano napadaan ang kakambal don kung tago naman ang lugar na iyon at higit sa lahat simula ng mamatay ang kuya nila hindi na pumupunta si Aspen don dahil ayaw niya nga raw maramdaman ulit ang sakit noong mamatay ang kuya nila.
"Sinadya niya," gusot na mukhang sabi ni Aspien. Habang nag-iisip si Aspien pumasok sa utak niya ang sinabi ng kakambal na gustong gusto nito si Flint Dela vega.
"Nasa iyo na lahat Aspien sana marunong ka din mamigay," mahinang bulong ni Aspien hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kakaisip.
Kanina habang nagsasalitan si Aspien hindi niya namalayan na may maid pa lang nakikinig sa labas ng kwarto niya. Maghahatid sana ito ng pagkain sa kaniya pero napahinto ito matapos marinig ang sinabi ni Aspien. Binuksan ng katulong ang pinto at nilagay sa study table ang pagkain aalis na sana siya ng-
"Kuya wag mo kong iwan," rinig niyang sabi ni Aspien. Tiningnan niya ito at tulog pa rin—hindi nakatakas sa tingin ng katulong ang luhang tumulo sa mga mata ni Aspien.
"Ikaw pa din yong batang inalagaan ko dati," may ngiti sa labi na sabi
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomanceHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...