Chapter 11

69 5 0
                                    


Chapter 11

3rd Person's POV
"Haha pikon talaga ng batang yon," natatawang sabi ng dad nila matapos mag-walk out si Francess sa kadahilanang pinagtutulungan siya ng pamilya niya. 

"Ikaw flint kailan mo balak mag-asawa? pwede naman kayo umampon kung meron man," tanong ng daddy ni Flint kay Flint. Bahagya namang napakamot da ulo si Flint. 

"Saka ko na siguro iisipin yon dad pag natanggap ko na na hindi na talaga ako magkakaanak," mahinang sabi ni Flint pero mahihimigan mo pa din ang lungkot sa boses niya. 

"Huwag ka ng malungkot anak— alam ko balang araw mangyayari yang nais mo ang magkaroon ng pamilya na matatawag mo talaga na sayo," nakangiting sabi ng mom ni Flint na halatang pinapagaan lang ang loob ni Flint. 

"Yeah mom sana nga, anyway may na-meet akong girl at masasabi ko talagang kakaiba siya," maliwanag na mukhang sabi ni Flint. 

"Owww who's that girl son? And paano mo nasabi na kakaiba?" tanong ng daddy ni Flint. 

"I don't know her name hindi niya sinabi sakin but she's cool alam niyo ba first na nakita ko siya nakikipagbugbogan sa mga lalaki," nakangiting sabi ni Flint. Patuloy lang sa pagkekwento si Flint habang nakikinig lang ang family niya. 

Napangiti ang ginang dahil sa aurang nakikita niya sa anak na lalaki. Ngayon niya lang nakita na ganun kasaya at kaliwanag ang mukha nito habang nagkekwento sa babaeng na-meet nito sa park. 

"Maganda ba yan apo? Mabait?" biglang tanong ng lola niya. Napangiti naman si Flint. 

"Its a big YES grandma sobrang ganda niya kahit sinong makakakita sa mukha niya ma-iinlove at hindi ko masasabi na mabait siya pero base sa mga araw na nakasama ko siya masasabi kong mabait siya. Pero naaawa din ako sa kaniya," malungkot na sabi ni Flint. 

"Naaawa? Bakit may sakit ba siya?" tanong ng dad niya. Umiling iling naman si Flint. 

"No dad pagpumupunta kasi ako sa park lagi ko siyang nakikita na umiiyak— galit sa kaniya ang mom niya at feeling niya tau-tauhan lang siya sa bahay nila complete family naman daw sila pero ang daddy niya lang ang nagmamahal sa kaniya haha biruin niyo yon sa likod ng maladiyosa na mukha may tinatago pa problema," ani ni Flint. 

"Kawawa naman pala ang batang yon alam mo kung anak ko lang yon at sabi mo nga sobrang ganda ipapakilala ko yan sa buong mundo magiging proud ako na anak ko siya," ani ng mommy niya na parang nangangarap. Sumimangot naman si Francess na kanina pa nakasilip sa pinto. 

"So mom hindi ako maganda?" nakasimangot na sabi ni Francess. Nagulat naman silang lahat dahil biglang sumulpot si Francess. 

"Hehe anak kanina ka pa ba diyan? Syempre maganda ka mana kay mommy," alanganin na sabi ng ginang na kinatawan nina Flint. 

"Ate panget ka daw kasi kaya nangangarap si mama ng anak na babae at MAGANDA," ani ni Flint at diniin pa ang word na maganda. Sinamaan naman siya ng tingin ni Frances. 

"I hate you brother!" sigaw nito at tumakbo palabas ng mansion nila. Napasapo naman sa noo ang daddy ni Flint dahil sa ideyang sobrang childish ng anak nila kung mag-isip. 

"Hahaha pikon talaga ang babaeng yon— mom, dad, and grandma sundan ko lang si ate ah baka di na ako bigyan ng allowance non," natatawang sabi ni Flint na kinailing ng pamilya niya. Sino ba kasi ang niloloko ni Flint isa na siyang CEO at madaming kompanya na ang hawak niya araw araw billion billion ang pumapasok sa account niya. 

-

"Sino dito si Aspien Lewis?" agad na sigaw ng babae na parang clown na sa sobrang kapal ng make-up. Nong malaman niya na nabugbog ang bf niya na si Jeryl agad siyang pumunta sa room nina Aspien para gumanti. Siya si Jessica taga ibang school. 

Walang sumagot sa kaniya at hindi man lang siya nito pinansin kahit ang mga barkada ni Aspien na nakacp lang, kumakain, nagbabasa at kung ano ano pa. Habang si Aspien naman ay natutulog. 

"I said sino si Aspien!" sigaw ulit ni Jessica na kinagulat ng lahat. Nanginginig naman ang lahat habang dahan dahan na tiningnan si Aspien na ngayon ay masama ang tingin kay Jessica. 

Tumayo si Aspien na may mabigat na aura— wala ito sa mood dahil pinagalitan at kinompara na naman siya sa kakambal niya. Dahan dahan lumapit si Aspien kay Jessica na ngayon ay natuod sa kinatatayuan. 

Sinuntok ni Aspien ang mesa na nasa harap nilang dalawa ni Jessica— nagulat ang lahat kasi ganun ganun nalang na nasira ni Aspien ang mesa. Tiningnan ni Aspien si Jessica sa mata na ngayon ay takot na takot. 

"Anong. kailangan. mo. sakin?" madiin na sabi ni Aspien habang nakatingin kay Jessica. Nanlaki ang mata ni Jessica at agad na tumakbo palabas kasama ang alipores niya na ang kakapal din ng make up. 

"Weak," ani ni Aspien— bumalik na siya sa upuan niya at natulog ulit. Nakahinga naman ng maluwag ang mga kaklase niya ng makita nila ito na natulog ulit. 

-
"Pen pangako mo sakin aalagaan mo ang kapatid mo okay? huwag na huwag kayong mag-aaway dapat kayo ang nagkakampihan kasi magkapatid kayo okay?" ani ng gwapong binata sa batang si Aspen katabi nito ang kakambal na si Aspien. 

"Yes po kuya hihi mahal na mahal ko kaya si twinny," magiliw na sagot ng batang si Aspen. Niyakap pa nito ang kakambal na si Aspien na natatawa lang. 

"Kuya ako din pangako pag may nang-api kay twinny babanatan ko yon," ani ng batang si Aspien at sumuntok-suntok pa sa hangin. Natawa lang ang kuya nila dahil sa kakulitan ng dalawa. 

"Very good yan basta tandaan niyo ah mahal na mahal kayo ni kuya," ani ng kuya nila at may tumulo pang butil ng luha sa mga mata nito na agad naman nakita ni Aspien at Aspen. 

"Kuya why are you crying?" ani ni Aspien at pinunasan pa ang pisngi ng kuya niya na natatawa lang at niyakap silang dalawa. 

"Masaya lang si Kuya kasi ang babait niyo," ani ng kuya nila. 
-
Napamulat si Aspien at ng hawakan niya ang pisngi niya— basa na pala dahil sa mga luhang sunod sunod na tumulo. Agad niya itong pinunasan at lumabas ng room nila. Hindi 

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon