Chapter 43Aspien Lewis' POV.
"Alam mo ba akala ko noon pag sinabi ko sayo na buntis ako kakaayawan mo ako— like masyado ka pang bata para maging ama, labis labis ang kaba ko kanina habang sinasabi sayo ang tungkol kay Alistair," mahinang sabi ko agad niya naman akong hinalikan sa labi."Huwag na natin isipin ang past, ang importante ang ngayon," nakangiting sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Teka nga nanliligaw ka pa lang diba?" nakasimangot na sabi ko na kinatawan niya.
"Sabi ko sayo kanina itulak mo ako pero ikaw pa ang humalik kaya syempre matagal din akong nagpipigil tuwing nakikita ka. Alam mo bang sa tuwing nakikita kita gusto nalang kitang sunggaban at ikulong sa kwarto," ani niya na kinalaki ng mata ako. Agad ko siyang pinaghahampas ng unan na kinatawa niya.
"Tama na yan sabay na tayo maligo," natatawang sabi niya. Sumimangot naman ako bago tinaas ang magkabilang braso— sign na gusto ko magpabuhat.
Aspen Dela vega's POV
"Tangnang dalawang yon, hindi man lang sinarado ang pinto," sapo sa noong sabi ko bago umupo sa sofa kaharap sina mommy. Andito din ang mga barkada ni Flint at syempre ang asawa ko."Anong nangyari?" natatawang sabi ni Caspian na kinairap ko. Nakita ko namang pababa na ang dalawa at himala parang walang nangyari.
"Yong iba kasi diyan gagawa na nga lang ng milagro hindi pa sinirado ang pinto," pagpaparinig ko na kinatigil nila at napatingin sakin. Nginisihan ko si Aspien na kinapula niya ng tudo.
"Next time Aspen huwag ka basta basta sisilip sa kwarto ng iba," masungit na sabi ni Aspien sakin na kinatawa ko.
"May narinig kasi akong alam niyo na," ani ko bago humagalpak ng tawa na sinabayan naman ng mga barkada ni Flint. Mukhang alam na nila ang tinutukoy ko.
"Tama na yan anyway princess nasabi mo na ba kay Flint?" tanong ni dad na kinatingin namin.
"Opo dad kanina lang," ani ni Aspien. Nagpabalik balik ang tingin namin kena dad at Aspien.
"Teka nga anong sinasabi ang alin?" naguguluhang sabi ko.
"Na may anak kami ni Aspien," sambit ni Flint na kinalaki ng mata namin.
"Nagkaanak? akala ko Flint may problema ka sa sperm mo?" nagtatakhang tanong ni Caspian. Agad naman siyang binatukan ni Hendrix.
"Gago! sabi nga ng doctor may 5% diba!" sigaw ni Hendrix na kinakamot sa noo ni Caspian.
"So nasaan ang anak niyo?" biglang tanong ni Felix na dating secretary ni Flint. Nag-resign na siya matapos niya mapangasawa ang ate ni Flint na si Francesca.
"Nandoon sa Palawan— kena kuya," sagot ni Aspien.
"Bukas susunduin namin siya gusto niyo sumama? may resort ang pamilya namin doon— vacation na din yon diba?" ani ni Flint na agad naming kinasang ayon.
"Aba syempre sasama kami sinong tatanggi diyan," masayang sabi ni Caspian.
"Mom tama ba hula ko dati?" tanong ni Ace na kinatingin sa kaniya ni Aspien.
"Yes Ace, tama ka lalaki ang kapatid niyo," nakangiting sabi ni Aspien.
"Hula?" tanong ni Flint na nakatingin kay Aspien.
"Noong una ko kasi sila nakita, hinawakan niya tiyan ko tapos biglang sinabi na lalaki daw ang magiging anak ko," natatawang sabi ni Aspien na kinakamot sa ulo ni Ace.
"Talaga?? Whaaaa Ace ako nga hulaan mo kung anong gender ng anak ko," excited na sabi ni ate Marie asawa ni Hendrix. Buntis kasi ito pero hindi pa naman halata kasi 2 months pa lang.
Napailing nalang kami ng kulitin na ng dalawang buntis si Ace. Pinahuhulaan nila kung anong gender ng anak nila. Mga baliw talaga.
Aspien Lewis' POV
"Si miss Aspien ba yan?""Omg mas gumanda siya lalo."
"Bakit kaya siya nandito."
"Siguro pupuntahan si sir."
"Pero andon si ma'am Catria diba."
"Yong ex ni sir?"
Nagpintig ang tenga ko at napatigil dahil da narinig ko— ex ni Flint ha tsk. Nandito kasi ako ngayon sa company ni Flint pinilit kasi ako nina Ace na pumunta dito para dalhan ng lunch si Flint. Madalas daw kasi hindi kumakain ng lunch yon lalo na pagbusy siya.
Pumasok na ako sa elevator at hinintay na huminto sa 11th floor. Marami akong nakasabay na mga empleyado. Nginingitan ko lang sila kasi naman grabi kung makatingin lalo na ang mga lalaking empleyado. Nang ngitian ko nga malapit ng mahimatay eh haist iba talaga pag maganda.
Nang huminto na ang elevator agad na akong lumabas at naglakad papuntang office ni Flint. Malayo pa lang nakita ko na ang secretary ata to ni Flint— lalaki secretary niya. Nang makita niya ako agad siyang tumayo.
"Hello po ma'am may appointment po ba kayo kay Mr. Dela vega?" magalang na tanong niya.
"I'm Aspien Lewis andito sana ako para dalhan ng lunch si Flint andiyan ba siya?" nakangiting tanong ko. Nanlaki naman ang mata niya ng marinig ang pangalan ko.
"Kayo po pala si miss Aspien, opo andiyan po si sir pero andiyan din si ma'am-"
"How many times do i have to tell na umalis kana dito!" rinig naming sigaw ni Flint sa loob ng office niya. Walang pag aatubiling sinilip ko ito.
Nakita kong nakaupo si Catria sa lap ni Flint na gusot ang mukha. Pilit itong tinutulak ni Flint pero sadyang parang linta ang gaga. Akmang hahalikan niya si Flint ng sipain ko ang pinto na siyang kinasira nito. Napatingin silang dalawa sakin— dahil sa gulat ni Catria hindi niya napansin na tumayo si Flint kaya napasalampak siya sa sahig.
"A-aspien? magpapaliwanag ako-"
"No need na Flint," malamig na sabi ko.
"You bitch istorbo ka!" sigaw ng malandi na kinainis ko matapos ito marahas na tumayo.
"Catria huwag mong tatawagin na bitch si Aspien kung ayaw mong kakalimutan ko na may pinagsamahan tayo," malamig na sabi ni Flint na kinagusot ng mukha ng malanding si Catria.
"Seriously babe? siya pa kakampihan mo?" nagmamaktol na sabi ni Catria the malandi.
"At bakit hindi? fiancee niya ako kaya malamang ako ang kakampihan niya," nakangising sabi ko na kinaguhit ng galit sa mukha niya.
"Umalis kana dito Catria," walang emosyon na sabi ni Flint. Pero ang gaga hindi nakinig.
"Paano kung ayaw ko?" nakangising sabi niya na kinangisi ko.
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomansaHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...