Special Chapter 1Aspien Lewis' POV
After ng nangyaring yon nagkaayos naman na kaming lahat. Pagkadating kasi sa bahay tudo hingi ng tawad si Flint sa akin. Ako namang si marupok pinatawad syempre mahal ko eh.Pero isa pa ang hindi niya alam na buntis ako gusto ko sana surpresahin siya pero tae kanina pa ako paikot ikot sa mansion wala akong Flint na makita. Either mga anak ko wala din except kay Alistair na kararating lang. Saan naman kaya galing ang batang to.
"Hi mom! suutin mo daw po ito sabi ni tita Aspen," ani niya bago inabot sa akin ang isang malaking box na mukhang naglalaman ng damit. Nang buksan ko ito nagulat ako kasi bakit wedding gown?
"Teka anak wedding gown to ah? bakit ko naman susuutin ito?" nagtatakhang tanong ko na kinakibit balikat niya. Ngayon ko lang din napansin na nakabihis din siya.
"Sige ma mom bihis kana bilis!" nagmamadaling sabi niya bago ako tinulak tulak kaya napaakyat ako sa taas. Nagkibit balikat nalang ako at pumasok sa kwarto. Naligo muna ako bago suutin ang wedding gown. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.
Inayos ko muna ang pagkakasuot ko ng wedding gown bago lumapit sa pinto at binuksan ito. Nagulat ako kasi dalawang bakla ang bumungad sa akin. Magtatanong pa sana ako ng bigla nila akong higitin papasok at pinaupo sa harap ng full size mirror dito sa kwarto.
"Teka sino nagpapasok sa inyo dito?" nagtatakhang tanong ko pero di nila ako sinagot at nagpatuloy lang sa pagmake-up sakin ang isa, ang isa naman inaayos ang buhok ko.
Mga karaan ang ilang minuto natapos nadin sila ng tingnan ko ang sarili ko isa lang ang masasabi ko. Sobrang ganda ko.
"Ang ganda ng anak ko," napatingin ako sa pinto ng biglang may nagsalita dito at ng tingnan ko si mommy at daddy.
"Mom? bakit ganito ang suot ko?" naguguluhang tanong ko. Nakita ko din kasing nakabihis si mom. Naka pink dress siya.
"Ano bang okasyon pagsinusuot ang ganyang damit?" nakangising sabi ni mom na kinalaki ko.
"You mean-"
"Yes sweetie kaya tara na inaantay kana ng soon to be husband mo," nakangiting sabi ni dad na kinatulo ng luha ko. Hindi sa malungkot ako. Sobrang saya ko.
"Oh huwag ka muna umiyak diyan masisira make up mo," ani ni mommy bago pinahidan ang luha ko. Inaya na nila ako pababa kaya sumama na ako sa kanila. Lumabas kami ng bahay at nakita ko ang kotse na sasakyan namin. May bulaklak ito sa unahan na masasabi mo talagang pangkasal.
Pagkatapos akong batiin ni manong ng congrats pinagbuksan niya na ako ng pinto. Pumasok na ako at pumasok na din sina mom. Bali napapagitnaan nila akong dalawa. Ilang minuto na byahe nakarating na din kami sa simbahan.
"Mom bakit ngayon naisipan ni Flint magpakasal i mean pagabi na?" tanong ko. Kasi naman pagabi na pwede namang sa umaga ah.
"Malalaman mo mamaya anak," nakangiting sabi ni mom. Bumaba na sila at naunang pumasok sa simbahan. Nang magsara ang pinto ng simbahan lumabas na ako ng kotse inalalayan ako ni manong papunta sa harap ng pinto. Ilang minuto pa dahan dahan itong magbukas at nakita ko ang lalaking mahal ko sa harap ng altar.
Flint Dela vega's POV
"Kinakabahan ako," mahinang sabi ko na kinatawa ni dad. Tinapik niya ang balikat ko."Natural lang yan anak ganyan din ako noong kinasal ako sa mommy mo, ang pinagkaiba lang ako nag-propose ikaw hindi," natatawang sabi ni dad na kinakamot ko sa ulo. Hindi kasi ako nagpropose kay Aspien either naging kami ewan basta mahal namin ang isa't isa.
"Oo nga dad haha halatang patay na patay ka kay mom. Biruin mo yon hindi pa nga sila andami ng binugbog," natatawa ding sabi ni Ace na kinagusot ng mukha ko.
"Si mommy din naman no," nakangising sabi ni Shein na kinangisi ko haha nice one Shein.
"Andiyan na siya," bulong ni dad sakin kaya napatingin ako sa pinto. Pumasok sina tita kaya paniguradong nandiyan na si Aspien. Huminga ako ng malalim.
Maya maya pa dahan dahang bumukas ang pinto. Nang magsimulang maglakad si Aspien parang nag-slow mo lahat ng paligid. Sobrang ganda niya. Nagsimula na din ang pagkanta ni Flynn ng beautiful in white. Nakatingin lang ako kay Aspien na lumuluhang nakatingin sa akin habang naglalakad palapit dito.
Kasama niya sina tita. Kung hindi pa ako tinapik ni tito sa balikat hindi ako magigising haha kanina pa pala ako natulala hindi ko napansin na nandito na pala sila sa harap ko.
"Ikaw na ang bahala sa anak namin iho," nakangiting sabi ni tito na kinangiti ko.
"Pagsinaktan mo yan babawiin ko yan sayo," nakataas kilay na sabi ni tita. Napatawa naman si tito at sinaway si tita. Haha ngayon alam ko na kung saan nagmana si Aspien.
Nagsimula na ang seremonya at sobrang tagal matapos dahil sa mga ulupong kong kaibigan na parang gusto pang sirain ang kasal ko. Nagrereklamo eh.
"Father tagal pa ba niyan."
"Kiss na agad!"
Sigawan nila na kinapokerface ko. Natatawa lang naman si Aspien.
"Father pagpasensyahan niyo na mga kaibigan ko ah hindi lang talaga sila nakainom ng gamot," mahinahong sabi ko na kinatawa ni Father.
"Okay you may now kiss the bride," biglang sabi ni Father.
"Yun oh!"
"Kiss na."
"Honeymoon na pagkatapos."
Agad kong siniil ng halik si Aspien na mas kinahiyaw nila. Tumagal ata ng 5minuto ang kissing scene namin ni Aspien na talaga namang kinahiyaw nina Flynn. Inaya ko ng lumabas si Aspien sa simbahan habang nakasunod silang lahat. Nang nasa labas na kami huminto kami.
"Tumingin ka sa taas," ani ko kay Aspien. Saktong pagtingin niya sa taas yon din ang pagputok ng Fireworks at nagform ito ng babae at lalaki na kinasal. Then may nakasulat na congratulations Aspien and Flint. Napatingin ako kay Aspien na namamanghang nakatingin sa fireworks.
Napangiti ako ng maalala ang mga pinagdaanan namin. Kung gaano ako nagdusa noong umalis siya, halos libutin ko ang buong mundo para lang hanapin siya. Pero ngayon andito na siya— nasa tabi ko na at nakatali na sa akin. Hinding hindi ko na pakakawalan ang babaeng ito. Naramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kaniya kaya tumingin din siya sakin.
"Iloveyou Mrs. Dela vega"
"Iloveyoumore Mr. Dela vega."
-THE END-
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomanceHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...