Chapter 28Aspien Lewis POV
Andito ako ngayon sa kwarto nagliligpit ng mga gamit. Kahapon graduation namin at ngayon kasal na ni Aspen at Flint. Ngumiti ako ng mapait bago hinawakan ang sinapupunan ko."Sorry baby ah si mommy lang makakasama mo," ani ko habang nakangiti ng mapait.
"Aspien tara na," biglang sabi ni kuya ng makapasok siya sa kwarto ko. Btw walang tao dito kasi nasa bahay nina Flint at Aspen sina mommy at daddy.
"Tapos na ako kuya tara," ani ko. Kinuha niya ang maleta ko at lumabas na sumunod naman ako pero bago yon nahagip ng mata ko ang panyo na pagmamay ari ni Flint.
Kinuha ko ito at hinawakan ng mahigpit. Napabuntong hininga nalang ako bago sinilid sa bulsa ko ang panyo. Nang makababa ako nakita ko ang mga yaya sa baba na nagtatakang nakatingin samin.
Hindi ko na ito mga pinansin at sumunod na kay kuya palabas ng mansion. Nang makalabas ako agad kong nakita si Annie na nasa loob ng kotse ni kuya— btw kasama namin siya ni kuya ewan ko ba diyan bat gusto niyang sumama.
• FLASHBACK •
"Andito kami Aspien tutulungan ka namin, hindi kami mawawala sa tabi mo," saad ni Annie at niyakap ako."Sasamahan niyo ako?" tanong ko sa kanila na agad naman nilang kinatango.
"Oo naman ikaw pa ba baby sis, namimiss na din kita kaya ito na ang panahon para makasama kita," nakangiting sabi ni kuya.
"Son wala ka bang balak magpakita sa mommy at kapatid mo?" tanong ni dad kay kuya. Napatingin naman si kuya sa kaniya.
"Saka na siguro dad sasamahan ko muna si Aspien," ani ni kuya na kinatango ni dad. Lumapit naman si dad sakin at hinaplos ang buhok ko.
"Sorry anak kung hindi kita masasamahan ah ayoko kasi magtaka sila, pero don't worry once a week bibisita ako sa inyo para na din masubaybayan ko ang paglaki ng magiging apo ko," nakangiting sabi ni dad na kinangiti ko din. Hindi siya galit.
• END OF THE FLASHBACK •"oyy best!" sigaw ni Annie na kinatingin ko sa kaniya.
"Bakit ka ba naninigaw?" masungit na sabi ko.
"Kanina ka pa kasi namin kinakausap baby sis pero mukhang wala ata sa earth ang isip mo," natatawang sabi ni Kuya na kinapout ko. Malay ko bang tinawag nila ako.
Someone's POV
"Kamusta pinapagawa ko?" malamig na tanong ko sa mga tauhan ko."Job well done Lord," nakayukong sabi ng tauhan ko.
"Good, you can go now," malamig na sabi ko. Yumuko sila ulit at lumabas na.
"Bakit hindi mo nalang patayin ang lalaking yon para makuha mo siya," tanong ng taong nakaupo sa sofa.
"Tumpak boss tyaka diba sabi naman ni miss Aspen ikaw ang mahal niya," nakangising sabi ng isa pa.
"She lied at me, hindi niya ako mahal— nilalapitan niya lang ako dahil sa pangangailangan niya na di kayang punan ng putanginang Flint na yon," nanggagalaiting sabi ko.
"Actually papatayin ko dapat ang lalaking yon pero may nalaman ako— hindi si Aspen ang mahal niya and guess what? may anak sila ng kambal ni Aspen," nakangising sabi ko.
"So pag sumabog lahat ng baho nila wala ng ibang pupuntahan si Aspen kundi ako lang," nakangising sabi ko bago tumungga ng alak.
"Iba ka talaga bro," iiling iling na sabi nila sakin.
Flint Dela vega's POV
"I'll repeat mr Dela vega tinatanggap mo ba si miss Aspen Lewis bilang asawa mo?" tanong ulit ni father. Panglimang tanong niya na yan.Naramdaman ko ang higpit ng pagkakawahak ni Aspen sa kamay ko. Lumingon ako sa kaniya at ang sama ng tingin niya. Tiningnan ko naman sina dad at tito. Si dad na sinasabi na umuo ako habang si tito nakangiti lang. Napakuyom ako ng kamao. Ayoko magpakasal.
"No," madiin na sabi ko bago bumitaw sa pagkakahawak ni Aspen. Lumingon ako sa kaniya na nabigla sa sagot ko. Tiningnan ko naman sina mom na parehong nagulat din.
"I'm sorry mom, dad, tito at tita pero hindi po si Aspen ang gusto kong pakasalan," saad ko sa kanila at tumakbo palabas ng simbahan.
"No! Flint bumalik ka!" rinig kong sigaw ni Aspen pero tuloy tuloy lang akong tumakbo palabas.
"Bro sakay na!" sigaw ni Hendrix na nag aantay sa labas ng simbahan mukhang alam talaga nila ang gagawin ko. Agad akong sumakay at nakita ko pa na hinahabol kami ng mga tauhan nina dad.
"Tangna bilisan mo Caspian!" sigaw ni Red ng makitang mas dumami ang kotseng humabol sa amin. Ilang oras ang lumipas sa wakas nailigaw na din namin sila.
"Sa mansion tayo ng mga Lewis," mahinang sabi ko na kinatinginan nila. Nang makarating kami sa mansion ng mga Lewis agad ako lumabas at nag-door bell. May lumabas naman na isang matanda at base sa uniform na suot niya katulong siya dito.
"Mr Flint Dela vega? Ano pong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong nito.
"Nandito po ba si Aspien?" agaran na tanong ko.
"Wala na siya dito kakaalis lang nila kasama yong kuya niya papuntang airport-"
"Airport?" kinakabahan tanong ko.
"Narinig ko sa ibang bansa na daw sila titira-" hindi ko na pinatapos si manang at sumakay na agad sa kotse.
"Sa airport tayo Caspian bilisan mo!" kinakabahang sigaw ko. Agad niya namang pinaandar ito at pinatakbo ng mabilis.
"Bro anong problema?" nagtatakang tanong ni Hendrix.
"Kakaalis lang daw ni Aspien papuntang airport kailangan ko siya maabutan," ani ko habang patingin tingin sa unahan kung malapit na ba kami.
"Bro bakit ka tumigil," takang tanong ko.
"Traffic," ikling sabi ni Caspian. Napatingin ako sa harapan. Shit malas lumabas ako at tumakbo ng mabilis wala ng oras.
Naramdaman ko naman na sumunod si Red at Hendrix sakin. Takbo lang ako ng takbo. Nang makarating ako sa airport agad akong pumasok pero hinarang ako ng mga guard.
"Sorry sir bawal po kayo dito," magalang na sabi ng isang guard.
"Ano ba padaanin niyo ako, may kailangan akong habulin," naiinis na sigaw ko. Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Aspien may kasamang isang lalaki at isang babae paoasakay na sila sa eroplano. Shit hindi pwede.
"Aspien! Aspien! Aspien sandali!" sigaw ko pero hindi niya ako marinig sobrang layo ko.
"Sir lumabas na po kayo-"
"Bogs!" napatingin ako sa sumuntok sa guard sina Red pala.
"Bilisan mo na bro!" ani ni Red kaya tumakbo na ako pero napatigil ako ng makita.
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomansaHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...