Epilogue3rd Person's POV
Lumipas ang isang linggo ini-enjoy nina Aspien ang sarili nila sa probinsya. Nawala na sa isip nila ang mga asawa na kasalukuyang mamatay matay sa kakahanap sa kanila— lahat ng pwedeng puntahan ng mga asawa nila pinuntahan na nila.Hindi naman makatiis si mang Juanito ang driver na naghatid kena Aspien sa probinsya. Inaalala niya palagi ang sinasabi ng mga amo niyang babae na huwag na huwag niyang sasabihin kena Flint kung nasaan sila. Pero hindi kinakaya ni mang Juanito ang makita na mabaliw baliw na kakahanap ang mga among lalaki sa mga asawa nito kaya nilapitan niya ito.
"Sir patawarin niyo sana ako," nakayukong sabi ni mang Juanito bago lumuhod sa harap nina Flint na napakunot nalang sa noo.
"Bakit ano bang ginawa mo manong at humihingi ka ng tawad?" tanong ni Flint. Nanginginig naman si mang Juanito at nagdadasal na sana huwag magalit ang mga amo niya.
"Nangako po kasi ako kena ma'am Aspen na hindi ko sasabihin sa inyo kung nasaan sila," mahinang sabi ni mang Juanito na kinatingin nilang lahat. Agad ito nilapitan ni Flint at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Manong sabihin mo nasaan sila?" nagmamakaawang sabi ni Flint na kinaangat ng tingin ni mang Juanito.
"Nasa probinsiya po sila sir— sa lugar namin. Kagabi tinawagan ko ang asawa ko kinakamusta ko sina ma'am Aspien sabi niya okay naman daw sila at nag eenjoy sila sa paggagala doon sa farm, ang problema lang," sambit ni manong at pinutol pa ang sasabihin.
"Anong problema manong?" tanong ni Caspian.
"Kaya ako nagdesisyon na sabihin aa inyo kasi kinakain na ako ng konsensya ko at ang mga anak ng mayor sa lugar namin pinupormahan ang mga asawa niyo-"
"Wtf!"
"I will kill them all!"
"Subukan lang nila hawakan ang asawa ko!"
"Manong saang probinsya yan?" nagmamadaling tanong ni Flynn. Tumayo naman si mang Juanito.
"Mahirap pumunta doon pag wala kayong kasama na nakatira doon hindi nila kayo papapasukin sa lugar namin kaya ako nalang ang magdadrive tara na," ani ni manong at tumakbo palabas sumunod din naman sina Flint. Ilang oras na byahe sa wakas nakarating na din sila.
Aspien Lewis' POV
"Hello mga miss beautiful andito ulit kayo," nakangiting sabi ni Alfred isa sa limang anak ng mayor dito. Hindi ko nga alam pero sa mga nagdaang araw palagi nila kaming sinusundan may time pa na pumupunta sila sa bahay nina manang para lang bisitahin kami."Ahh sinamahan lang namin si manang mamalengke," sagot naman ni Marie. Medyo halata na ang pagbubuntis ni Aubrey at Marie pero patuloy pa din sa pagsunod ang mga unggoy na ito kahit alam nilang may mga asawa na kami. Teka asawa ko ba si Flint? haha asawa na yon may tatlo na kaming anak kasal na nga lang kulang.
"Teka guys ilang isang linggo na pala tayo pero bakit hanggang ngayon walang mga Flint ang sumundo sa atin?" nanghihinayang na sabi ko.
"Mga asawa niyo ba tinutukoy niyo? naku baka naging masaya pa sila noong umalis kayo kasi malaya na silang makakagalaw," nakangising sabi ni Miguel anak din ng mayor. Lima kasi sila si Alfred, Miguel, Warren, Shun at Carlo.
"Oo nga kasi pag may asawa kana nakakadena kana sa asawa mo kaya siguro nasakal sila sa inyo at naghanap sila ng way para umalis kayo," sabat naman ni Warren.
"Hindi sila ganun-"
"Miss Aspien isipin niyo bago niyo sila nakilala at anong mga ginagawa niyo sa kanila pag may nakikita kayong babaeng kausap nila," ani ni Warren na kinatigil namin. Nagkatinginan kaming lima. Tama kaya sila— palagi kong binabakuran si Flint kahit hindi naman kami. May mga anak lang kami pero hindi ko alam kung ano ba talaga meron sa amin.
"Sa amin nalang kayo hindi namin kayo lolokohin lahat," nakangiting sabi ni Shun. May mga nag ayiee pa at sinasabi na sagutin sina Shun.
"Nawala lang kami may mga unggoy na agad ang umaaligid sa mga asawa namin," malamig na sabi ng tao sa likuran namin. Napalingon kami don at napalaki ang mata namin ng makita sina Flint na masamang nakatingin kena Alfred.
"Omyghaddd mga artista ba yan?"
"Ang gagwapo!"
"Kyaaaaaa kahit isa nalang sa kanila pwede na ako mamatay."
Tilian ng mga kababaihan dito na kinapokerface ko. Naglakad sila papunta samin bago kami hinila isa isa at nilagay sa likod nila bago harapin sina Alfred na nanatiling kalmado.
"Ang lakas naman ata ng loob niyong pumasok sa teritoryo namin," nakangising sabi ni Alfred.
"Teritoryo? ito bang lugar ang ipinagmamalaki mo? isang tawag ko lang abo ang sinasabi mong teritoryo," malamig na sabi ni Flint bago nag-smirk.
"Ha! sino ka ba para magyabang? eh wala ka pa nga ata sa kalingkingan ko eh!" nang aasar na sabi ni Carlo. Hindi din kasi maipagkakaila na mga gwapo din ito pero mas sina Flint no.
"Sino ako? ako lang naman ang maglilibing sayo ng buhay once na lapitan mo pa ulit ang asawa ko," walang emosyon na sabi ni Flint. Hindi ko alam pero parang may kiliti akong naramdaman sa tiyan matapos sabihin ni Flint na asawa niya ako.
"Aba gago ka ah!" sigaw ni Alfred at sinuntok si Flint na agad namang nakaiwas. Nagrambulan na silang lahat pero ito kaming lima nakatingin lang at chinicheer pa ang mga asawa nila.
Nagpapanic ang mga tao at may dumating na mga tanod pero walang nakapigil kena Flint na bugbugin sina Alfred. Maya maya dumating si mayor kasama ang asawa niya na agad pinatigil sina Flint. Inawat na namin sila dahil nagsimula ng umiyak ang asawa ng mayor.
"Mr Savendra pagsabihan mo yang mga anak mo huwag na huwag silang lalapit sa mga asawa namin," malamig na sabi ni Flynn na ngayon at hawak hawak ni Aspen ang dalawang braso nito para pigilan.
"Opo, opo mr Dela vega sana hindi maapektuhan ang company ko dito," nagmamakaawang sabi ni mayor at lumuhod pa sa harap namin.
"Hindi yon magagalaw pero once na umulit ang mga yan papatayin ko na sila sa mismong harap mo," malamig na sabi ni Flint bago kami hinila papuntang van. Walang imik na pinasakay nila kami sa van.
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomanceHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...