Chapter 103rd Person's POV
Agad na inambahan ng suntok ni Jasper si Aspien na agad namang nakaiwas. Dahil sa magkaharap lang sila sinipa ni Aspien ang mesa mabuti nalang at agad na nakaalis ang dalawa. Pumunta naman sa gilid sina Jam na natutuwang nanonood at chinicheer pa nila si Aspien."Oh girls ako sa pampahospital ng dalawa ah," ani ni Jam.
"Hindi na aabot ng ospital yan— ako na sa kabaong," sabat naman ni Kelly.
"Ako na bahala maghukay sa paglilibingan ng dalawa," nakangising sabi ni Jan. Nag-apiran pa ang tatlo habang nanonood sa laban nina Aspien.
Sinuntok ni Aspien si Jasper sa sikmura at sinipa naman sa mukha si Jeryl kaya sabay na napaubo ng dugo ang dalawa. Nginisihan sila ni Aspien kaya mas lalo silang nainis. Madami na ding nanonood at tinigil pa ang tugtog para lang manood sa laban nila.
Walang tumawag ng guard o umawat man lang dahil sanay na sila kay Aspien hindi naman nababahala ang may ari ng bar sa mga masisira dahil agad naman itong nababayaran ni Aspien at napapagawa.
Napaatras si Aspien ng masuntok siya ni Jeryl sa sikmura. Dumura ng dugo si Aspien— malamig niyang tiningnan si Jeryl na nakangisi lang. Sumugod ulit si Aspien and this time seryuso na ito. Bawat suntok ni Aspien sapol lagi sa mukha ng dalawa at bawat sipa niya sapol sa pisngi ng dalawa.
Bigla namang niyakap ni Jasper si Aspien mula sa likod para mapigilan ito at para malayang makasuntok si Jeryl. Akmang susuntukin na ni Jeryl si Aspien bigla siya nitong sinipa kaya napatalsik si Jeryl sa gilid. Napawhoa ang mga nanonood dahil isang sipa lang ni Aspien tumalsik agad si Jeryl.
Pilit namang kumakawala si Aspien sa pagkakayakap ni Jasper— inuntog ni Aspien ang ulo niya sa ulo ni Jasper kaya napabitaw si Jasper. Hindi pa nakakarecover si Jasper ng dumampot si Aspien ng upuan at hinampas kay Jasper kaya napasalampak si Jasper sa sahig at nawalan ng malay.
Nilingon ni Aspien si Jeryl at nakita niya na wala na din itong malay. Dali dali namang lumapit sina Jam kena Jasper at chineck kung buhay pa. Pagkacheck nila kina Jasper bahagyang napalitan ng pagkadismaya ang mga mukha nina Jam, Jan at Kelly. Nagtataka naman na nakatingin si Aspien sa kanila.
"Kala ko pa naman matutuluyan na— pinahanda ko pa naman kay butler Chan ang kabaong para sa kanila."
"Ako din eh pinahukay ko na mga tauhan ni dad haist."
"Haist magkakape pa naman ako sayang."
Napanganga naman si Aspien sa idea na pinahanda na ng mga kaibigan niya ang paglilibingan ng dalawa kung ganun pagnapatay niya wala na siyang poproblemahin. Napasapo naman sa noo ang ibang nanonood matapos marinig ang usapan ng tatlo.
Matapos ng nangyaring yon nag-iwan lang ng pera si Aspien sa may ari ng bar para sa pambili ng mga bagong mesa at upuan na nasira niya kasama na doon ang ibang gamit. Nabalitaan ito ng ina ni Aspien kaya puro sermon na naman ang bumungad kay Aspien matapos ito makauwi sa mansion nila.
-
"Hi mom," bati ni Flint. Matapos ito makauwi sa mansion nila— nadatnan niya ang mom niya na nasa kusina at nagluluto. Nakita niya naman ang dad niya sa sala na nagbabasa ng diyaryo.
"Oh Flint iho andito kana pala— sandali nalang ito malapit ng maluto," ani ng ginang at sandaling tiningnan si Flint.
"Haha okay mom bihis na muna ako bye," ani ni Flint— hinalikan niya muna sa pisngi ang mom niya at dumiretso na sa taas para magbihis.
"Bilisan mo ah kakain na tayo," ani ng ginang.
"Yes mom," huling sabi ni Flint at tuluyan ng umakyat sa taas at pumasok na sa kwarto niya. Pagkatapos magbihis si Flint agad na siya bumaba at tinungo ang kusina. Pagdating niya don nakita niya na siya nalang ang inaantay.
"Oh iho apo upo kana," saad ng lola niya na siyang naunang nakakita kay Flint papasok ng kusina. Umupo naman agad si Flint— nagdasal muna sila bago nagsimulang kumain.
"Btw son how's the company?" tanong ng daddy ni Flint— binaba muna ni Flint ang kubyertos at pinahidan ang labi niya ng tissue.
"Okay naman dad mas lalong dumami ang gusto mag-invest sa company," magalang na sabi ni Flint na kinangiti ng pamilya niya. Sa isip nila napalaki nila ng tama ang dalawa nilang anak.
"Hindi talaga ako nagkamali na pinahawak agad kita ng kompanya," proud na sabi ng daddy ni Flint.
"Dad ako hindi niyo tatanungin?" nakangusong sabi ni Francesca ate ni Flint. Napangiwi naman si Flint sa idea na mas matanda si Francesca sa kaniya pero mukhang bata pa din ito kung umasta.
"Sa pagkakaalala ko bawat detalye ng buhay mo kinukwento mo na sa akin pati kung paano mo pagsasapakin ang mga nanliligaw sayo," natatawang sabi ng daddy nila na kinalaki ng mata ng mommy at lola ni Flint.
"Princess ginawa mo yon?" nanlalaking mata na tanong ng mom niya. Alanganin naman tumawa si Francesca at palihim na pinanlakihan ng mata ang dad niya.
"No mom, nagbibiro lang si dad," ani ni Francesca at inosente pang tiningnan ang ina. Napailing naman ang lola nila. Tatawa-tawa naman siyang tiningnan ni Flint at ng daddy niya.
"Hon?" ani ng mom ni Francesca sa dad niya.
"Haha hon alam mo ba naalala ko ako mismo nakakita sinuntok niya sa maraming tao ang nanligaw sa kaniya sa reason na hinawakan lang ang kamay niya tapos–"
"Dad! ano ba!" asik ni Francesca na nakatakip sa tenga. Mas lalong gumusot ang mukha ni Francesca matapos makita si Flint na parang malapmamatay matay na sa kakatawa.
"Tapos yong isang manliligaw mo pinahalik mo sa aso na nakita mo lang sa gilid bwhahaha," ani ni Flint at humagalpak ng tawa na sinabayan pa ng daddy at mommy niya kasama ang lola niya. Nilingon ni Francesca ang likod niya matapos may marinig na tumawa pa doon— nakita niya ang mayordoma ng bahay nila at ilang maid na tumatawa din.
"Hhmmp hindi ko na kayo bati— ikaw dad and brother Flint hindi ko na kayo kukwentuhan pati na din ikaw nanay marielle."
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomanceHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...