Chapter 50Aspen Dela vega's POV
"Ang sariwa ng hangin," sambit ko ng makababa kami sa van. Andito na kami sa probinsiya at tumigil kami dito sa harap ng bahay ata to ni manong. Hindi siya ganoon kalaki at hindi din ganoon kaliit.Maraming tao ang nakatingin sa amin at lumabas pa sa kanilang bahay para lang tingnan kami. Haha ganito ba sa probinsya pero infairness ang ganda dito. Puro puno ang makikita mo dito— sa manila kasi puro gusali. Nang bumaba si manong may biglang bata na tumatakbo papunta dito.
"Itay!" sigaw ng bata bago tumakbo papunta kay manong at yumakap ito sa mga hita ni manong. Agad naman itong Binuhat ni manong.
"Itay ang gaganda naman po nila sino po sila," tanong ng bata habang nakaturo sa amin. Tansya ko nasa pitong taong gulang na ito ang cute niya.
"Sila ang mga asawa ng amo ko," sagot ni manong sa anak niya.
"Hello baby ako si ate Aspen at ito naman si ate Francess, ate Marie, ate Aubrey at ang panghuli si Aspien twin sister ko— balak kasi naming magbakasyon dito okay lang ba?" nakangiting tanong ko matapos ko ipakilala sina Aspien na nginitian lang ang bata.
"Oo naman po! okay na okay hihi ako nga po pala si Arianne," ani niya at ngumiti pa kaya kita ang ngipin niya na kulang kulang.
"Ayos! may magaganda na akong ate!" natutuwang sigaw niya bago bumaba sa pagkakabuhat ni manong at lumapit sa amin. Pinaghihila niya kaming lima papasok ng bahay nila. Nang makapasok kami sa bahay nila napatigil kami matapos makitang may mga lalaki sa loob. Mukhang mga trabahador ang mga ito. Bahagya silang natulala ng makita kaming lima.
"Kayo ba ang mga amo ng asawa ko? pasok kayo," ani ng ginang. Siya ata ang asawa ni manong. Nagsitayuan naman ang mga lalaki at pinunasan ang sofa kung saan sila umupo.
"Dito na kayo," ani nila. Habang hindi maalis ang tingin sa amin.
"Ano ba kayo okay lang kami tyaka huwag niyo kami ituring na parang special kami na nga itong makikitira lang eh-"
"Hindi namin kayo papayagan ma'am— malaki ang utang na loob namin sa inyo dahil simula ng maging driver itong asawa ko sa inyo naging maganda na ang buhay namin, nakabili na din kami ng lupa na ngayon ay ginawa naming farm," nakangiting sabi ni manang.
"May mangga kayo/May mangga kayo/May mangga kayo?" sabay na tanong ng dalawang buntis na kinatinginan nila bago natawa.
"Pagpasensyahan mo na sila manang mga buntis eh naglilihi," hinging paumanhin ko na kinatawa ni manang.
"Ano ka ba okay lang— madami kaming mangga dito nasa farm. Jacob, Allen pwede niyo ba silang kuhaan ng mangga?" utos ni manang na kinatango ng dalawang lalaki. Actually nasa pito silang lalaki dito.
"Yong hilaw sana!" sabay ulit na sabi nila na kinahagalpak ng tawa namin ni ate Francess at Aspien. Sabay naman nila kaming tiningnan ng masama. Pinapasok na muna kami ni manang sa iisang kwarto— malaki ito at kanyang kasya kaming lima sabi niya magpahinga muna daw kami kasi alam niyang napagod kami sa byahe.
"Tama kaya ang desisyon natin," mahinang sabi ni Aubrey.
"Hayaan niyo sila, matulog na muna tayo," ani ko bago tumagilid paharap kay Aspien. Katabi ko si Aspien at Marie sa tabi naman ni Marie si ate Francess at sa tabi ni ate Francess si Aubrey.
Aspien Lewis' POV
Nagising ako ng biglang may kumatok sa pinto. Tiningnan ko ang mga kasama ko na hanggang ngayon tulog na tulog na din. Bumaba ako sa kama bago tinungo ang pinto."Manang," mahinang sabi ko ng makita ko si manang sa labas ng pinto— siya pala ang kumatok.
"Kakain na tayo mga iha gisingin mo na mga kasama mo andoon na din yong mangga para sa dalawang buntis na kasama niyo," nakangiting sabi niya na kinangiti ko.
"Sige manang susunod kami mag aayos lang kami," ani ko na kinatango niya. Nang makaalis na siya sinarado ko na ang pinto. Napapokerface ako ng mapatingin ako sa mga kasama ko na parehong nagyayakapan pa.
Isa isa ko na silang ginising at hindi naman ako nahirapan. Sinabi ko na sa kanila na kakain na kami. Nagsiayos naman sila sa kanilang sarili kasama na ako at lumabas na.
Paglabas namin nakita namin si manang ay ang anak niya. Nagtaka kami bakit dalawa lang sila dito. Sabay na kaming umupo ng ayain kami ni manang.
"Manang bakit dalawa lang ho kayo dito asan si manong?" biglang tanong ni ate Francess.
"Ah bumalik na siya sa Manila— sabi niya kailangan niya daw magtrabaho sabi ko nga magpaalam sa inyo pero sabi niya huwag ko na daw kayo gambalain sa pagtulog niyo," mahinahong sabi ni manang. Nagkatinginan naman kami— haist sana hindi kami isumbong ni manong.
"Inay!" napalingon kami sa taong bigla nalang sumigaw at pumasok dito sa kusina. Isang binata na kamukhang kamukha ni manang masasabi mo din talaga na papasa pagkukuning model. Tansya ko nasa 19-20 years old na ito.
"Oh iho anak andito kana pala— nga pala anak ito sina Aspien, Aspen, Marie, Aubrey at Francess mga amo sila ng ama mo pansamantalang dito muna sila at mga ma'am ito po ang anak ko si Samuel," ani ni manang matapos kaming ipakilala agad naman kaming naghello sa kaniya.
"Hello po mga binibini," nahihiyang sabi ni Samuel na kinatawan namin.
"Ilang taon kana?" tanong ni ate Francess.
"19 po binibini-"
"Ate nalang huwag na binibini," natatawang sabi ni Marie na kinasang ayon namin.
"Ate? ilang taon na po ba kayo?" tanong ni Samuel nagkatinginan naman kaming lima.
"Lagpas na kami sa kalendaryo Samuel," natatawang sabi ni Aspen na kinalaki ng mata niya kasama ni manang.
"Yong itsura niyo kasi parang kasing edaran ko lang," nagkakamot ulong sabi ni Samuel.
"Iha hindi halata sa mukha niyo na lagpas kalendaryo na kayo," ani ni manang na kinangiti lang namin.
"Anyway sabay kana sa amin Samuel," pag aaya ko na agad niya namang kinaupo sa upuan na katabi ko. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan pa. Napuno ng tawanan ang hapagkainan dahil kay Aspen na laging nakikipagtalo kay Arianne.
Tawa lang kami ng tawa kasi ayaw mamigay ng tuyo ni Aspen. Masarap daw eh kaya lahat kinuha niya— parang ako yong nahihiya sa ginagawa ng kakambal ko.
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomanceHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...