Chapter 73rd Person's POV
Simula ng araw na 'yon palagi ng nagkikita si Aspien at Flint tuwing gabi sa park. Unti-unti ng naramdaman ni Aspien na meron din palang tao na may pake sa kaniya bukod sa daddy niya."Aspien kilala mo ba si Flint Dela vega? Iyong pinakabatang business bachelor sa buong Asia?" nakangiting tanong sa kaniya ng kakambal niya na si Aspen. Nasa sala sila ngayon nakaupo sa sofa.
Kanina pa siya kinakausap ng kapatid niya pero hindi niya sinasagot— ayaw niya makipagplastikan.
"Alam mo Aspien crush ko siya kyaaaaaa! Ang gwapo gwapo niya–"
"Will you shout up! ang ingay mo— pwede ba! wala akong pake kaya huwag mo akong kausapin tsk istorbo," asik ni Aspien kay Aspen— tumayo si Aspien at naglakad na pataas. Naiwan naman si Aspen sa sala na masama ang tingin sa papalayong bulto ng kakambal na si Aspien.
"I'm home!" sigaw ng ina nila na kakapasok lang. Nakangiti namang sinalubong ni Aspen ang ina.
"Hi mom, imissyou," malambing na sabi ni Aspen sa ina at niyakap ito.
"Oh imissyoutoo my baby princess," ani ng ina nila. Nilagay muna ng ginang ang mga pinamili niya sa kusina at sinamahan ang anak sa sala.
"Mommy did you know Aspien shout me earlier, maybe she was jealous of what i told her that my crush is Flint Dela Vega," nakanguso na sabi ni Aspen na kinagusot ng mukha ng ginang. Hinaplos niya ang buhok ng anak na si Aspien.
"Hayaan mo na siya anak— huwag mo ng pansinin 'yon okay?" ani ng ginang— nakangiti namang tumango tango si Aspen.
"Pero anak, crush mo talaga si Flint Dela vega?" tanong ng ginang.
"Yes mom hehe he's so handsome kasi kyaaaaaa!" kinikilig na sabi ni Aspen na kinatawa ng ginang.
"Yieeeee ang anak ko pumapag-ibig na," asar ng ginang sa anak na si Aspen. Nagpatuloy ang kwentuhan ng mag-iina sa sala.
Samantala hindi namalayan ni Aspien na tumulo na pala ang luha niya habang nakatingin sa dalawang tao na nagtatawanan sa sala. Inggit— yon ang nararamdaman niya hindi niya iyon mapagkakaila.
Nakikita niya kung gaano kamahal ng ina niya ang kapatid na si Aspen. Lahat ng gusto ni Aspen sinusuportahan ng ina niya na ni minsan hindi ginawa sa kaniya.
Simula ng mangyare ang insidenteng yon nagsimula na din siyang kaayawan ng sariling ina— to the point na si Aspen nalang ang kinikilalang anak nito. Feeling niya tao-tauhan lang siya sa mansion nila.
Pagnagkamali siya grabi 'yong galit ng ina niya— but pag si Aspen ang nagkamali walang sinasabi ang ginang at palaging sinasabi na okay lang. Naalala niya nabasag ni Aspen ang paboritong vase ng ina nila at nasugatan pa ang daliri nito.
Akala ni Aspien pagagalitan ito ng ina nila pero nagkamali siya— nang makita ng ginang na may sugat si Aspen nataranta ito at kulang nalang dalhin niya si Aspen sa ospital kahit maliit na sugat lang naman 'yon. Noong nakabasag siya ng baso nasugatan din siya non.
Pero pinagalitan siya ng ina nila ng sobra sobra— minura siya at pinagsabihin ng kung ano ano. Bobo, tanga at kung ano ano pa. Nang makita ng ginang na may sugat siya— sinabihan lang siya na mabuti nga daw sa kaniya yon kasi tatanga tanga siya.
"Tama na Aspien," mahinang saad ni Aspien sa sarili niya— pinahid ni Aspien ang mga luhang kanina pa tumutulo sa mga mata niya at nagpatuloy na sa pag-akyat sa taas. Agad pumasok si Aspien sa kwarto niya.
– Kinabukasan–
Maagang nagising si Aspien— agad siyang naghanda para pumasok ng school. Kahit ayaw niya man pumasok— wala siyang choice dahil ayaw niya magalit ang daddy niya. Pagkatapos niyang maligo at makapagbihis— lumabas na siya ng kwarto niya at bumaba.
Nadatnan ni Aspien sa kusina ang kakambal na si Aspen at ang mommy niya na nagtatawanan. Wala ang Dad niya at paniguradong nasa business trip na naman ito. Imbis na tumuloy papasok ng kusina— tumalikod nalang si Aspien at lumabas na ng bahay.
Agad niyang tinungo ang kotse niya at pinaharurot papuntang university. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng kotse kaya maraming nagrereklamo na mga driver ng sasakyan na nadadaanan niya.
"Tangna! Magdahan dahan ka naman sa pagmamaneho!"
"Hoy! parang ikaw ang may ari ng kalsada ah!"
Sigaw ng dalawang lalaki na nakasabayan niya sa pagpapatakbo ng kotse— parang ayaw din ng mga ito magpatalo dahil pagbinibilisan ni Aspien mas binibilisan din nila.
Nginisihan sila ni Aspien at pinakyuhan bago mas pinabilisan pa. Sa pagkakataong iyon nakalayo si Aspien at hindi na nahabol ng dalawa.
"Tangna kasi sana ako nalang nagdrive diyan!" sigaw ng isa sa dalawang lalaki na si Jasper.
"Ulol ka kanina pinagdadrive kita ayaw mo dahil PAGOD KA tapos ngayon magrereklamo ka?" asik naman ng isa na si Jeryl na siyang nagdadrive. Magkapatid po sila.
"Tingnan mo nakalayo na ang pesteng babaeng yon," naiinis na sabi ni Jasper. Napangisi naman si Jeryl na kinatakha ni Jasper.
"Don't worry bro, nakita ko ang suot niyang uniform and guess what— parehas ng sa atin," nakangising sabi ni Jeryl. Unti unti ding napangisi si Jasper. Ang dahilan kung bakit naiinis sila kay Aspien? Dahil sila ang top1 lagi pagdating sa race— pero ito natalo lang sila ng isang hamak na babae.
Pagkadating ni Aspien sa University nila— pinark niya na ang kotse niya at agad na lumabas. Halos lahat naman ng mga mata ng bawat lalaki na nasa hallway sumusunod kay Aspien.
Galit na galit naman ang mga gf ng mga lalaki dahil parang magnet si Aspien na pagdumaan lang susunod agad ang mga lalaki. Kahit ang grupo nina Jason na nabugbog ni Aspien nong isang araw sa park.
"Mapapasaakin ka din Aspien," nakangising bulong ni Jason na narinig naman ng barkada niya.
"Tigilan mo na siya bro— mga ganiyang babae mahirap yan makuha. Tingnan mo nga mas mukha pa ngang lalaki kesa sa atin yan eh," nakangiwing sabi ni Hans isa sa mga barkada niya.
"Hhmm tingnan natin— lalambot din yan sa akin, intayin niyo lang isang araw magugulat nalang kayo na nakakapit na sa akin yan na parang linta," ani ni Jason
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomansaHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...