Chapter 41

76 3 0
                                    


Chapter 41

Aspien Lewis' POV
Napakunot ang noo ko ng makita ko na nakasarado ang pinto. 

"Kayo na po magbukas ma'am," ani ng isang tauhan ni dad na sumama sa akin. Napatingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Agad niya naman pinakita ang maleta ko sa kaliwang kamay niya at ang bag ko naman sa kanang kamay niya. hindi na ako nagsalita pa at binuksan na ang pinto. 

Pero nagulat ako ng sabay sabay na sumigaw ang mga tao sa loob. Napatigil ako ng makita ko si dad, mom at Aspen na nakahawak sa banner na may nakasulat na WELCOME HOME ASPIEN LEWIS may kasama pa itong picture. Napatakip ako sa bibig ng makita yon. Nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin ni Aspen at paulit ulit na humingi ng sorry. 

"Twinny i'm sorry sa lahat ng mga ginawa ko sayo dati, inaamin ko naging selfish ako at nagpadala ako sa inggit ko sayo— sorry Aspien kung dahil sa akin nagdusa ka-"

"Aspen tama na, hindi naman ako galit sayo kaya tama na yan," nakangiting sabi ko habang tuloy tuloy na tumulo ang mga luha ko. Niyakap ko siya pabalik na kinangiti niya. 

"Thank you Aspien, thank you," masayang sabi niya na kinatawan ko. 

"Ahemm," napahiwalay ako kay Aspen at napatingin kay mom ng bigla itong tumikhim. 

"Mapapatawad pa ba ako ng anak ko sa kabila ng mga pasakit na pinaranas ko sa kaniya?" malungkot na sabi ni mom. Hindi ako nagsalita at basta nalang siyang niyakap ng mahigpit. 

"Imissyou mom," masayang sabi ko na kinayakap niya pabalik sakin. Matagal ko na silang pinatawad— wala naman kasing mangyayari kung magtatanim ako ng galit sa kanila. Tyaka pamilya ko pa din naman sila at matagal ko ng pinagdadasal na sana bumalik kami da dati kung saan mahal naming lahat ang isa't isa. 

"Mom," napatigil ako ng biglang may pamilyar na boses ang biglang tumawag sakin. Humiwalay ako sa pagkakayakap ko kay mom at nilingon ang taong matagal ko ng hinahanap. Mas napaluha ako ng makita ko si Ace at Shein. 

"S-shein, A-ace," nauutal na sabi ko. 

"Kami nga mom," masayang sabi ni Shein. Tumakbo silang dalawa sakin at niyakap ako ng mahigpit kaya niyakap ko din sila pabalik at napahagulgol nalang. 

"Omyghaddd buhay kayo, alam niyo bang ilang taon ko kayong hinanap at magpahanggang ngayon hinanap ko pa di kayo," umiiyak na sabi ko. Humiwalay silang dalawa ng yakap sakin— pinahidan ni Ace ang pisngi ko. 

"Tahan na mom andito na kami oh," nakangiting sabi ni Ace na kinangiti ko. 

"Oo nga mom! at hinding hindi na tayo maghihiwalay," masayang sabi ni Shein na kinapisil ko sa ilong niya. 

"Teka diba nakidnap kayo? paano kayo nakatakas at paano kayo nakapunta dito?" sunod sunod na tanong ko sa kanila. Nginitian lang nila ako bago umalis sa harap ko. Napatingin ako sa lalaking papunta sa akin. 

"Siya na nagpapaliwanag sayo mom," mahinang bulong ni Shein at mahihimigan mo pa ang kilig nito sa boses. Kumunot naman ang noo ko bago sila lingunin na wala na pala. Andon na sila kena mom. 

"Welcome back Aspien," biglang sabi ng lalaking nasa harap ko. May maskara siya pero kahit ganun— kilala ko kung sino siya. 

"Flint," bigkas ko na kinangiti niya. Pano ko nalaman na nakangiti siya? kita kasi ang mga labi at mata niya. Natuod ako sa kinatatayuan ko ng bigla niya nalang akong yakapin. 

"I'm sorry Aspien kung naging duwag man ako dati pero pangako ngayon na nandito kana hinding hindi na kita pakakawalan," masayang sabi niya na kinakabog ng dibdib ko. 

"Flint ano bang sinasabi mo-"

"Mahal kita Aspien matagal na," ani niya bago humiwalay sakin at tingnan ako sa mata. 

"Flint nahihibang kana ba? may asawa kana," may inis sa boses na sabi ko. 

"Asawa? Aspien kung iniisip mo na asawa ko si Aspen nagkakamali ka," sambit niya na kinakunot ng noo ko. Paanong hindi? lumabas yon sa news isang beses. 

"Tama siya Aspien," biglang sabi ni Aspen na kararating lang kasama ang lalaking kamukhang kamukha ni Flint. 

"Btw ito si Flynn Dela vega twin brother ni Flint at siya ang asawa ko hindi si Flint," nakangiting sabi niya na kinalaki ng mata ko. Tiningnan ko ang kamukha ni Flint na nakangiti lang. 

"Nice to meet you miss Aspien," nakangiting sabi niya na kinangiti ko lang ng tipid. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang tatlo. 

"Teka ah teka feeling ko sasabog utak ko, naguguluhan ako," sapo sa noong sabi ko. Napapokerface ako ng biglang tumawa si Aspen at si Flynn daw na kakambal ni Flint. 

"Huwag mo ng paraisipin yon, ang mabuti pa aalis na kami para may time kayong dalawa," nakangising sabi ni Aspen bago lumapit sakin at bumulong. 

"Ilang taon kang hinintay ni Flint, mahal na mahal ka niya Aspien sana this time hindi niyo na sasayangin ang pagkakataon na maparamdama sa isa't isa ang pagmamahal na nararamdaman niyo," huling sabi niya bago hinila ang asawa paalis. Tiningnan ko naman si Flint na nakatingin din pala sa akin. 

"Totoo ba iyon?" tanong ko na kinakunot ng noo niya. 

"Ang alin?" tanong niya. 

"Na hinintay mo ako ng ilang taon," ani ko. Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata niya. 

"Hindi lang kita hinintay Aspien— hinanap din kita. Ilang mga private investigator ang binayaran ko para lang ipahanap ka, pero ni isa sa kanila walang nakakapagturo kung nasaan ka talaga, nong araw na dapat na kasal namin ni Aspen— umalis ako sa mismong simbahan. Pumunta ako sa mansion niyo para hanapin ka pero nalaman ko na umalis kana pala, hinabol kita sa airport pero huli na ako nakita na kitang sumakay sa eroplano kaya hindi na kita nahabol pa. Ilang beses akong nagdasal na sana bumalik kana, mahal na mahal kita Aspien mahal na mahal," mahabang lintanya niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko matapos marinig ang lahat ng iyon. 

"Alam kong nagulat ka pa sa mga nalaman mo pero don't worry handa akong mag-antay at sana hayaan mo akong ligawan ka," sincere na sabi niya. Aaminin ko mahal ko pa siya pero ayokong biglaan. Tumango tango lang ako na kinasigaw niya sa saya at sumuntok suntok pa sa hangin na kinatawa ko. 

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon