Chapter 48

71 4 0
                                    


Chapter 48

Flint Dela vega's POV
"Aspien!" sigaw ko ng makapasok ako sa kwarto at makita siyang nakatihaya sa kama habang hubo't hubad. Lalapitan ko na sana siya ng biglang lumabas sina Red at ang tatay niya kasama ang mga lalaking hindi ko kilala. 

"Hanggang diyan ka nalang Dela vega," nakangising sabi ng lalaki na sa pagkakaalam ko ito si Jake na matagal ng may gusto kay Aspien. 

"Anong ginawa niyo kay Aspien!" galit na sigaw ko. Nakita ko kasing nanghihina na nakatingin si Aspien sa akin. 

"Masyadong pakipot eh kaya tinurukan ko ng drugs para mag behave," natatawang sabi ni Jake na kinahigpit ng hawal ko sa baril. 

"F-flint," nanghihinang tawag sa akin ni Aspien na mas kinagalit ko. 

"Paano ba yan Dela vega nag iisa ka lang marami kami," nakangising sabi ng matandang hukluban na to. 

"Diyan kayo nagkakamali," walang emosyon na sabi ko. Maya maya pumasok sina Caspian na kinaalerto nila. 

"Ngayon tabla tabla na," nakangising sabi ko bago pinagbabaril ang mga tauhan nila. Napalabas kami sa kwarto ng paulanan din nila kami ng bala. Nagpalitan kami ng putok hanggang sa makita namin na wala na sila sa kwarto. Agdad kaming tumakbo papasok at may nakita kaming secret passage. 

"Sundan niyo sila siguraduhin niyong madadala niyo sa akin ang Jake na yon at ang matanda isama niyo na si Red— patay man o buhay," malamig na sabi ko. 

"Masusunod supremo," sagot nilang lahat bago pumasok sa secret passage. Naiwan naman kaming dalawa ni Caspian dito. 

Agad kong nilapitan si Aspien na nanghihina pa din. Kinalas ko ang mga kadenang nakagapos sa mga kamay at paa niya bago kinuha ang kumot at binalot sa hubad niyang katawan. Mas naggitgit ako ng makita ko na puno ng kissmark ang katawan niya. 

"Bro may bata," ani ni Caspian na nakatingin sa kabilang kama. Napatingin ako doon at katulad ni Aspien ganun din ang itsura niya. Lalapitan ito ni Caspian ng biglang umatras ang bata. 

"Umalis na kayo— kailangan niyong madala yang babae sa hospital may tinurok sa kaniya sina tito," walang emosyon na sabi niya. Napatingin ako kay Aspien ng bigla itong gumalaw at magmulat ng mata. 

"F-flint iligtas niyo din ang bata kailangan siyang maialis dito," nanghihinayang sabi niya na kinatingin ko sa bata na nakatingin din pala sa amin. 

"Sumama ka na," mahinang sabi ko. Sumenyas ako kay Caspian na kalagan ang bata. Hindi na lumayo pa ang bata at hinayaan nalang na kalagan siya ni Caspian at binalutan din ng kumot bago Binuhat. Binuhat ko ng pabridal style si Aspien. 

Lumabas na kami ng kwarto at tinungo ang daan palabas. Nang makalabas kami may mga nakita kaming mga tauhan ko na nagbabantay sa labas. Maglalakad na sana ako papunta sasakyan ng biglang. 

"Flint Dela vega!" sigaw ng matandang hukluban na bigla nalang sumulpot sa harap ko at nagpaputok. Hinarang ko ang katawan ko para maprotektahan si Aspien. Pero nagulat nalang ako ng may biglang bumagsak kasabay non ang maraming putok. 

Napatingin ako sa paanan ko at nakita kong nakahandusay si Red habang hawak ang dibdib niya na may tama ng baril. Binigay ko muna kay Caspian si Aspien na nalagay niya na pala sa sasakyan ang bata. Nilapitan ko si Red na humihinga pa. 

"Red kumapit ka dadalhin ka namin sa hospital!" nagpapanic na sabi ko habang tinatakpan ng kamay ko ang dibdib niya na patuloy na umaagos ang dugo. 

"H-huwag na Flint, h-hindi na ako a-abot," nahihirapang sabi niya bago umubo ng dugo. Nagmamadali namang lumapit dito si Caspian. 

"Bro! lumaban ka please gago ka may kasalanan ka pa samin bigla ka nalang nawala," umiiyak na sabi ni Caspian na kinatawa ng mahina ni Red. 

"B-bro huwag ka nga u-umiyak para kang b-bakla," natatawang sabi ni Red pero umiiyak pa din si Caspian kahit ako napaiyak na din. 

"B-bro pag namatay ako g-gusto ko i-ilibing niyo ako k-katabi ng ama ko ah, kahit n-naging m-masama s-siya ama ko pa d-din s-siya, ako na h-humihingi ng t-tawad sa g-ginawa ni d-dad sa i-inyo ah, anyway bro ito, i-iturok mo ito k-kay A-aspien para b-bumalik ang lakas n-niya p-paalam m-mga p-pre," mahabang sabi ni Red bago unti unting pumikit na kinapanic namin. 

"Red! red! red!" sigaw ko habang niyuyogyog siya pero wala na talaga. 

"Red hindi magandang biro yan! red!" humahagulgol na sigaw ni Caspian. Napasuntok nalang ako sa sahig. 

"Tangna red! sabi mo hahanapan pa kita ng chix red may nahanap na ako gumising kana diyan!" umiiyak na sabi ni Caspian habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Red. 

Napatingin ako sa hawak ni Red. May nakita akong capsule na may lamang kulay blue na liquid. Hinawakan ko ito ng mahigpit at napatingin ulit kay Red na kasalukuyang yakap yakap ni Caspian ang katawan ni Red. Wala ng pamilya si Caspian at si Red ang naging kapatid niya mula pagkabata. 

"Caspian anong nangyari- red!" sigaw ni Hendrix na kararating lang. Agad siyang tumakbo kay Caspian na yakap yakap si Red. 

"Red! red! anong nangyari?" sigaw ni Hendrix at nagsimula ng umiyak. 

3rd Person's POV
Lahat ng tauhan ng dark crest napayuko nalang matapos makita ang mga pinuno nila na nagwawala habang umiiyak. Kulang na ang dark crest dahil patay na si Red. 

Lahat nagluksa nang mamatay si Red. Hindi malapitan ng mga asawa sina Flint dahil sa lamig ng mga presensya nito. Ganun nalang ang reaction nila dahil nalaman nila na sinarili pala ni Red lahat ng problema. 

Hindi totoong tinatraydor sila ni Red. Bagkus ay tinutulungan sila nito. Si Red pala ang laging nagtitip sa kanila pag may mga ilegal transaksyon ang ama niya— ito din ang nagtip noong nakita nila sina Ace at si Red din nagtip sa kanila kung nasaan si Aspien. 

Labis labis ang pagsisisi nila dahil agad nila itong hinusgahan sa pag aakalang si Red ang naglagay ng bomba sa kotse ni Flint. Galit na galit sila sa sarili nila dahil wala man lang silang nagawa noong magdusa si Red sa kamay ng ama niya. Pinaparusahan si Red sa tuwing mahuhuli siyang sinasabutahe ang negosyo ng ama niya. Lahat yon tiniis ni Red para sa kapakanan ng dark crest lalo na sa kapakanan ng mga kaibigan niya na tinuring niya ng pamilya. 

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon