Chapter 49Aspien Lewis' POV
Pagkatapos ng libing ni Red hindi na makausap namin ang mga asawa namin. Naiintindihan ko sila kasi kapatid na ang turing nila kay Red pero sobra na ito. Napatingin ako sa mga kasama ko na nakatingin lang kena Flint na nag inuman dito sa bahay.Yong mga anak namin binilin muna namin sa mga magulang namin. Hindi nila gugustuhing makita ang mga ama nila ng ganito. Naawa din ako kay Aubrey at Marie. Pareho silang buntis at hindi dapat sila ma-stress pero anong ginagawa ng mga asawa nila.
Dahil sa hindi na ako makatiis pabagsak ko na binitawan ang hawak kong phone. Pupuntahan ko na sana sila ng hawakan ni Aspen ang braso ko habang umiiling iling— pinapahiwatig niya na huwag ko nalang puntahan sina Flint. Winaksi ko ang kamay niya bago sila tingnan lahat na nakatingin din sakin.
"Kung hindi natin sila kakausapin hindi sila babalik sa mga sarili nila," malamig na sabi ko na kinayuko nila except kay Aspen.
"Pero Aspien sisigawan ka lang nila," nag aalalang sabi ni Aspen. Naiintindihan ko siya kasi noong last na kinausap ko sina Flint sinigawan lang nila ako kahit may mga tao pa non. Lahat ng magbabalak na kausapin sila tinataboy nila.
"I can handle this Aspen don't worry," sambit ko bago tumalikod at tinungo ang mini bar dito sa bahay.
"Alis," malamig na sabi ni Flint ng maramdaman nila ang presensya ko. Bahagyang napakuyom ang kamao ko.
"Hanggang kailan kayo magiging ganyan?" tanong ko na kinalingon nila sa akin.
"Get out," walang emosyon na sabi ni Caspian. Parehong malamig ang tingin nila sa akin na mas kinagalit ko. Sinipa ko ang mesa na agad naman itong nasira. Mabuti nalang at nakatayo agad sila kung hindi baka pati sila nasama.
"Ano! hindi pa ba kayo tapos sa pagluluksa niyo-"
"Tumahimik ka Aspien! hindi mo alam kung anong nararamdaman namin wala ka sa posisyon namin," malamig na sabi ni Flint. Lumapit ako sa kaniya at sinampal siya na kinatabingi ng ulo niya. Malamig ko silang lahat na tiningnan.
"Alam ko ang nararamdaman niyo! dahil tulad niyo nawalan din ako ng mahal sa buhay! sa inyo kaibigan lang akin totoong kapatid ko na, kadugo ko. Nagdusa ako oo pero hindi ako katulad niyo! hanggang kailan? hanggang kailan kayo magkakaganyan? si Red lang ang namatay pero bakit pati kayo pakiramdam namin patay na din! hindi niyo ba naisip na may mga pamilya pa kayong nag aantay? asawa na palaging sinusubukan na kausapin kayo at nagbabasakali na sana matauhan kayo! anak na nag aantay kung kailan sila susunduin ng mga magulang nila! ano na? laging si Red nalang ba iisipin niyo? patay na si Red patay na! kami buhay na buhay pa! isipin niyo din sana kami!" umiiyak na sigaw ko na kinatuod nilang lahat sa kinatatayuan nila.
"Bibigyan namin kayo ng isang buwan para sa pagluluksa niyo— pag hindi pa kayo bumalik sa mga sarili niyo sa loob ng isang buwan pasensyahan tayo hinding hindi niyo na kami makikita," malamig na sabi ni Ate Francess na nasa likod ko pala kanina. Hinila niya na ako palabas ng bahay kasama sina Aspen.
Iniwan namin sina Flint na nanatiling nakatulala. Nang makarating kami sa kotse agad kaming sumakay at pinaandar ito ni manong. Napahagulgol nalang ako ng maalala ko kung paano ako tingnan ni Flint.
"Sshh twin tama na yan matatauhan din sila okay?" pagpapatahan ni Aspen sa akin. Hindi ko lang kasi matanggap na ganun na ako kausapin ni Flint. Alam ko namang importante sa kanila si Red pero kailangan bang umabit sa ganito.
"Iniisip ko kasi kung paanong paraan ako titigan ni Flint kanina— feeling ko ibang tao ako sa paningin niya," umiiyak na sabi ko. Niyakap naman ako ni Aspen at are Francess na mga katabi ko. Nakikita ko ding napapaiyak sina Aubrey pero pinipigilan lang nila.
"Manong sa rest house namin tayo," utos ni ate Francess na kinatango ni manong. Kahit si manong napapansin namin na patingin tingin dito.
"Mga ma'am tumawag po pala kanina si madam pinapatanong niya po kung papayag kayo na dadalhin muna nila ang mga bata sa pagpunta nila sa US bukas," biglang sabi ni manong na agad naming kinatingin.
"Ako na ang tatawag mamaya kay mom manong salamat," mahinang sabi ni ate Francess.
"Mabuti na din yon para hindi tayo makita ng mga bata na ganito," nakayukong sabi ni Marie.
"Tama na yan change topic nalang tayo okay?" ani ni Aspen matapos pumalakpak. Naiba nga ang topic at ang kaninang mabigat na atmospher biglang gumaan matapos maiba ang topic. Hanggang sa umabot na noong nakidnap ako.
"Saan nila dinala ang bata Aspien?" tanong ni Aubrey. Yong bata na tinutukoy nila yon ay ang batang kasama ko sa kwarto noong kinidnap ako nina Jake.
"Sabi nina dad ipapagamot daw nila iyon ewan ko kung saan nila dinala," kibit balikat na sabi ko na kinatango nila.
"Pero seryoso, totoo ba ang sinabi mo sa amin about sa pagiging sex addict niya?" nagtatakhang tanong ni ate Francess na agad kong kinatango.
"Nakakaawa naman ang bata bata niya pa para makaranas ng ganoong bagay," malungkot na sabi ni Aspen na kinasang ayon namin.
"Anyway ate Francess hindi ba tayo matutunton ng mga asawa natin sa rest house niyo?" tanong ko. Gusto ko kasi muna magpalamig.
"Alam kasi nina Flint ang lugar na yon eh," nagkakamot ulong sabi ni ate Francess na kinasapo namin sa noo.
"Gusto ko ng tahimik na lugar," ani ni Marie na agad kinasang ayon namin.
"Teka isip tayo ng lugar na pwede puntahan," ani ni ate Francess at humawak pa sa baba niya na parang nag iisip talaga.
"How about sa palawan Aspien," suggest ni Aubrey na kinapokerface ko.
"Alam nila ang lugar na yon, dapat mag isip tayo ng lugar na hindi nila malalaman na nadoon tayo— pinahirapan nila tayo diba gusto din nila tayo paalisin kaya dahil mababait tayong asawa susundin natin sila," nakangising sabi ko na kinailing nila.
"How about sa probinsiya nina manong— diba manong nabanggit mo sa akin yon," nakangiting sabi ni ate Francess.
"Baka kasi pagalitan ako nina sir Flint-"
"Kami na ang bahala doon manong," ani namin at pinilit siya. Nagmakaawa pa kami na kinatawa niya at napapayag nalang. Natuwa kaming lahat ng sabihin ni manong na kukuha daw muna kami ng mga gamit namin bago bumyahe papuntang probinsya.
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomanceHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...