Chapter 30Flint Dela vega's POV
"Goodmorning sir.""Morning sir Flint."
"Goodmorning sir."
Bati sakin ng mga empleyadong nadadaanan ko pero hindi ko sila pinansin at tuloy tuloy lang na lumakad habang may malamig na aura.
Nagtataka ang ibang empleyado at the same time natatakot. Alam kasi nilang pagganito ako magiging strikto ako. Nang makapasok ako private elevator— bumuntong hininga ako.
Bumukas na ang elevator kaya lumakad na ako at tinungo ang office ko. Nang tumapat ako sa office ni Felix kung saan busy siya sa pagtitipa sa laptop— hinarap ko siya na kinaangat niya ng tingin.
"Goodmorning Flin-"
"Call me boss," malamig na sabi ko na kinatigil niya pero maya maya agad din naman siyang tumango.
"Sabihan mo lahat ng mga empleyado ipasa na lahat ng pinagawa ko sa kanila kung ayaw nilang matanggal," walang emosyon na sabi ko. Pumasok na ako sa office at umupo sa swivel chair bago simulan ang pagpirma ng mga documents na nakatambak sa mesa ko.
Narinig kong bumukas ang pinto pero wala akong pakealam kung sino man yon— pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.
"Hi babe," ani ng kakapasok lang at alam kong si Catria iton.
"What are you doing here Catria," malamig na sabi ko ng hindi siya tinapunan ng tingin. Naramdaman ko namang lumapit siya sakin at umupo sa hita ko.
"Babe naman syempre namimis na kita," ani niya at hinalikan ako sa labi pero hindi ako tumugon.
"You bitch!" sigaw ng taong kakapasok lang at Hinablot ang buhok ni Catria. Alam kong si Aspen yon but anyway wala akong pake. Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa at pagpirma.
3rd Person's POV
"Anong karapatan mo para halikan ang fiancee ko?" galit na galit na sabi ni Aspen habang sinasabunutan si Catria.
"Why are you so labot ba? Tyaka fiancee? Nakalimutan mo na ba na tinakbuhan ka niya hahaha," natatawang sabi ni Catria at lumaban din.
"Ah so? Fiancee niya pa din ako eh ikaw? Isang hamak na ex," sigaw ni Aspen at sinakyan si Catria habang sinasabunutan.
"Atleast ako minahal niya eh ikaw?" nang aasar na sabi ni Catria at sinabunutan din si Aspen.
Nagrarambulan na ang dalawa pero walang pakealam si Flint at patuloy lang sa pagtatrabaho. Wala na siyang panahon para pag aksayahan pa ng oras ang mga ganung babae.
"Yo bro- shit!" mura ni Caspian ng makita na parang dinaanan ng bagyo ang kabilang side ng office ni Flint at nakita nila ang dalawang babae na nagsasabunutan.
"Hoy tama na yan!" sigaw ni Red at inawat ang dalawa. Hindi naman makapaniwala sina Caspian habang nakatingin kay Flint. Nag aaway na kasi ang dalawa tapos siya chill lang at patuloy lang sa pagpipirma.
"You bitch papatayin kita!" nanggagalaiti na sabi ni Catria.
"Oh talaga? Lapit ka kung gusto mong makita ng maaga si San Pedro," nakangising sabi ni Aspen.
"Babe hindi mo man lang ba ako ipagtatanggol," naiinis na sabi ni Catria bago nilingon si Flint na hindi man lang sila tinapunan ng tingin.
"Aspen, Catria get out," malamig na sabi ni Flint at hindi sila tinatapunan ng tingin.
"Flint-"
"Babe-"
"I said get out!" sigaw ni Flint at hinampas pa ang mesa kaya nagdadabog na lumabas ang dalawang babae. Nagkatinginan naman sina Caspian bago tingnan si Flint.
"Bro ano ng nangyare sayo?" tanong ni Caspian pero hindi man lang siya pinansin ni Flint.
"Okay na ba ang pinapagawa ko?" malamig na sabi ni Flint habang nagtitipa sa laptop.
"Ayos na boss nalinis na din namin ang issue about sa nangyare kahapon," magalang na sabi ni Hendrix na kinatingin ni Caspian at Red sa kaniya.
Bigla kasi itong naging magalang. Tiningnan naman sila pabalik ni Hendrix at inilingan nalang.
"Tell all the member of Dark Crest Organization babalik na ako," walang emosyon na sabi ni Flint na kinagulat nina Caspian.
"Bro-"
"That's an order phyton," walang emosyon na sabi ni Flint bago salubungin ang tingin ni Caspian na napalunok at napaiwas agad ng tingin.
"Masusunod supremo," ani ni Caspian bago yumuko. Lumabas na ito kasama sina Red.
Red Oxford's POV
"Sigurado na ba talaga si Flint na babalik siya?" tanong ko sa kanila ng makalabas kami sa office ni Flint."Narinig mo naman ata sinabi niya diba?" asik ni Caspian. Napabuntong hininga nalang ako.
"Tara na pupunta pa tayo sa HQ," ani ko at nauna ng maglakad.
"Yo bro Felix," bati ni Caspian. Tinanguan ko lang siya at ganun din naman siya. Naglakad na kami papunta sa elevator.
"Matagal tagal na din akong di nakaka-exercise," nakangising sabi ni Caspian habang inuunat-unat ang mga braso niya.
"Namis ko na si baby katana ko," ani naman ni Hendrix.
"Mga baliw kala ko ba tutol kayo sa pagbabalik ni Flint sa organization?" nakakunot noong tanong ko sa kanila.
"Gago ka ba? Bakit sa tingin mo makikinig satin yon?" irap na sabi ni Caspian. Tsk bakla ba to.
"Tyaka namimis ko na din makipaghabulan sa bala," nakangising sabi ni Caspian.
"Sabihin ko kay Flint na namimis mo na yong mga time na pinapaulanan ka niya ng bala," natatawang ani ko na kinalaki ng mata niya.
"Hoy bro! Walang ganyanan huhuhu hindi mo na ba ako lab," saad ni Caspian at umacting pa na parang umiiyak.
"Ang panget mo bro BWHAHAHA," ani ni Hendrix at humagalpak ng tawa na kinagusot ng mukha ni Caspian. Mas gumusot pa ang mukha niya ng makita niya na tumatawa din ako.
"I hate you both! sumbong ko kayo kay Flint inaaway niyo ko!" sigaw niya at naunang maglakad. Tawa pa din kami ng tawa ni Hendrix. Sa aming apat kasi si Caspian ang pinakapikon at the same time pinakabata.
"Sasabihin ba natin kay tito ang pagbabalik ni Flint sa organization?"biglang tanong ni Hendrix na kinatigil ko. Pag nalaman ni tito at tita siguradong magagalit ang mga yon.
"Huwag na siguro Drix malalaman din naman nina tito kahit hindi natin sabihin," mahinang sabi ko. Ayaw na naming makialam pa sa sitwasyon ngayon hindi na kami kaibigan ni Flint. Kundi tauhan na.
Kung ano ang sasabihin niya yon lang ang gagawin namin at wala ng iba.
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomanceHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...