Chapter 40

74 3 0
                                    


Chapter 40

Spade Ace Dela vega's POV
"Sheinna Dela vega ano na naman ba ang ginawa mo!" sigaw ni dad habang kaharap si Sheinna na prenteng nakaupo sa sofa. 

"What dad? ano bang ginawa ko?" inosenteng sabi ni Sheinna na kinahilot ni dad sa sentido. 

"Shein sinabi ko na sayo diba, tigilan mo yang habbit mo na basta nalang manunog ng bahay," sermon ni dad. Nakangisi lang si Shein na kinagusot ng mukha ko. Hindi niya sinusunod si dad at sa akin lang yan takot. Kasalanan din yan ni dad inispoiled niya kasi. 

"Shein ano ba ang dahilan bakit mo sinunog ang kwarto nina manang?" malamig na tanong ko na kinayuko niya. Ilang minuto pa hindi siya ng salita kaya nainis na ako. 

"Shein kinakausap kita! alam mo bang nasunog ang kalahati ng katawan ni ate Joyce dahil sa kagagawan mo-"

"She deserve that!" malamig na sabi ni Shein na kinatigil ko. Ngayon ko lang kasi nakita ang expression niya ngayon. 

"Narinig ko siya! may plano siya para mabuntis siya ni dad! una pa lang alam ko na na may gusto siya kay dad, ilang beses kong nakita na sinusunog niya ang mga picture ni mom— sabi niya din pagnabuntis siya ni dad magiging sa kaniya na si dad," madilim ang anyong sabi ni Shein na kinasapo ko sa noo. 

"Pero hindi mo dapat ginawa yon sana sinabi mo nalang samin-"

"Sinabi ko na yon sa inyo ni dad diba? naniwala ba kayo? diba hindi," masungit na sabi niya bago naglakad pataas. Nakita ko namang napahilot si dad sa sentido niya. Maya maya bigla siyang ngumisi. 

"Naiinis ako sa batang yon at the same time proud na proud ako sa kaniya— biruin mo son ilang babae na ba ang binakuran ng kapatid mo sa kadahilanang dapat sa mommy niyo lang ako," natatawang sabi ni dad na kinapokerface ko. 

Tama naman si dad pagnase-sense ni Shein na may gusto ang isang tao kay dad agad niya itong ginagawan ng paraan para lumayo. Sad to say lagi sa hospital napupunta lahat ng nagkakagusto kay dad, kahit naman sa akin. 

Pag may nakikita siya na may lumalapit na babae sakin, nagpapanggap siyang gf ko at binabakuran ako— bawal daw akong mag girlfriend hanggat wala pa siyang nakikita na papasa sa taste niya— edi wow parang siya pa ang kuya ah. 

Aspien Lewis' POV
Kakababa ko pa lang sa eroplano. Napatingin ako sa paligid bago ngumiti ng mapait. 

"Welcome self," bati ko sa sarili ko. Naglakad na ako palabas ng airport— malayo pa lang nakita ko na agad ang sasakyan na alam kong pagmamay ari ng mga Lewis. Nang makita ako ng mga tauhan ni dad agad nila akong nilapitan at kinuha ang maleta ko. Pinagbuksan ako ng isang tauhan ni dad ng pinto ng kotse. 

Pinaandar na nila ito at hindi na ako nagulat matapos makitang may sasakyan sa unahan namin at meron din sa likod. Wala naman akong kaaway pero sina dad meron kaya alam kong para lang sa safety ko ang ginagawa niya. Nakatingin lang ako sa gilid habang binabaybay namin ang daan papuntang mansion. 

Napakunot ang noo ko ng bigla nalang huminto ang kotse sa gitna ng kalsada. Napatingin ako sa unahan at likod ng magsilabasan ang mga tauhan ni dad at nag kanya-kanyang dala ng baril. 

"Anong nangyayari?" malamig na tanong ko sa driver. 

"Hindi ko po alam ma'am pero sigurado po ako na baka may humarang," magalang na sabi niya. Maya maya pumunta dito ang isang tauhan ni dad at kinatok ang salamin ng kotse. 

"Anong nangyayari doon? bakit tayo huminto?" agaran na tanong ko sa kaniya. Yumuko muna siya bago nagsalita. 

"May mga humarang po kasi lady Aspien at ikaw ang hinahanap," nakayukong sabi niya. 

Haharapin ko sila," malamig na sabi ko bago bumaba. 

"Ma'am huwag na po kami na bahala baka mapano pa kayo don,", tudo pigil ng dalawa pero hindi ko sila pinansin at tuloy tuloy lang na lumakad papunta sa unahan. Nang makarating ako don agad na bumungad sakin ang mukha ni Jake kasama ang mga tauhan nito. Naalala niyo? yong binugbog ko sa park dati. Napangisi siya ng makita ako. 

"Long time no see my lovely Aspien," nakangising sabi niya na kinangiwi ko. 

"Mandiri ka nga! anong kailangan mo?" bored na sabi ko bago siya irapan. 

"Sumama ka sakin," agaran na sabi niya na kinataas ng kilay ko. 

"Excuse me? at bakit ko naman gagawin yon?" nakataas kilay na sabi ko. Ngumiti naman siya ng mapang asar. 

"Sabihin na natin na— ang anak ko ang kukunin ko kung ayaw mong sumama," nakangising sabi niya na kinadilim ng anyo ko. Lumapit ako sa kaniya bago Hinablot ang leeg niya. Susugod pa sana ang mga tauhan niya ng tingnan ko ang mga ito. 

"Subukan mong galawin ang anak ko— papatayi kita," madilim ang anyong na sabi ko sa kaniya. Marahas kong binitawan ang leeg niya na agad niyang kinaubo. Maya maya bigla nalang itong tumawa. 

"Sabi ko naman sayo eh, sumama ka sakin para hindi ko magalaw ang anak mo," tumatawang sabi niya. Sa inis ko agad ko itong sinuntok na kinabulagta niya sa sahig at nawalan ng malay. Tiningnan ko ng malamig ang mga tauhan niya na kinaatras ng mga ito. 

"Umalis kayo sa daraanan namin kung ayaw niyong mangumpisal ng maaga kay san Pedro," walang emosyon na sabi ko. Nagmamadali nilang pinasok sa sasakyan ni si Jake bago pinaandar ang mga sasakyan nila at pinaharurot paalis. Napangisi naman ako bago bumalik sa kotse na sinasakyan ko kanina. 

Walang ingay naman na bumalik sa mga kotse ang mga tauhan ni dad. Mukhang mga baguhan na ang mga ito— yong dating mga tauhan kasi ni dad sanay na sa ugali kong iyon. Ilang minuto pa na byahe sa wakas nakarating na din kami. 

Nangunot ang noo ko bakit parang walang tao ang bahay. Sa pagkakaalam ko alam ni dad na uuwi na ako. Pinarada nila ang kotse sa harap ng bahay— pinagbuksan ako ng pinto ng isang tauhan ni dad bago tinuro sa akin kung saan ako dadaan. Medyo nag iba na ang bahay nina dad. Sabagay matagal din akong hindi nakabalik dito. 

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon