Chapter 163rd Person's POV
Pagkagising ni Aspen agad na itong naghanda para sa so called date nila ni Flint. Excited na excited ito dahil makakadate niya na din sa wakas ang isang Flint Dela vega."Ang ganda naman ng anak ko," puri ng mommy niya na kakapasok lang sa kwarto niya. Nakasuot ng puting off shoulder dress si Aspen at nakasuot ng heels na kulay puti din.
Kung titingnan si Aspen para siyang anghel na bumaba sa langit. Hindi mo masasabi na mas maganda siya kay Aspien dahil pareho lang naman sila ng mukha, body building, buhok, mata lahat except lang sa pananamit.
"Naman ma mana kaya ako sayo," ani ni Aspen at kinindatan pa ang ina na tumawa lang.
"Siguradong maglalaway si Flint pagnakita ka," proud na sabi ng mommy niya. Napangisi naman si Aspen.
"Edi mas maganda para akin na siya," nakangising sabi ni Aspen.
Flint Dela vega's POV
Andito ako ngayon sa harap ng bahay nila Aspen, hinihintay siya. Pilit akong pinapapasok ng mommy niya kanina pero hindi ako pumayag.Maya maya pa nakita ko na siya na papalabas kasama ang mommy niya. Hanggang ngayon nagugulat pa din ako paano sila naging close ng mama niya. Dati kenekwento niya sakin sa park na galit na galit lagi ang mommy niya sa kaniya pero ngayon.
"Oh iho ingatan mo ang anak ko ah," paalala ni tita. Yumuko ako ng konti bago tiningnan si tita at ngumiti.
"Makakaasa po kayo tita," magalang na sabi ko.
"Oh siya sige na alis na muna ako may niluluto pa ako eh," ani ni tita at naglakad na papasok ulit.
"Sige po tita una na kami," ani ko bago pinagbuksan ng pinto si Aspen na kinapula niya. Shit ang ganda niya. Sinarado ko na ang pinto iikot na sana ako ng sandaling mapatingin ako sa second floor ng bahay nila may nakita akong babae sa veranda na kamukhang kamukha ni Aspen.
Tinitigan ko lang ang mukha nito mukhang hindi niya ako napansin. Habang tinitingnan ko siya biglang kumabog ang puso ko.
"Hey Flint hindi pa ba tayo aalis?" biglang tanong ni Aspen na kinagulat ko. Napakamot ako sa ulo natulala na pala ako. Umikot ako at pumasok na sa drivers seat. Pinaandar ko na ang kotse bago ko patakbuhin tiningnan ko muna ulit ang veranda pero wala na ang babae don.
"Sino ka ba talaga bakit ganun nalang kabilis ang tibok ng puso ko nang makita kita, at bakit feeling ko namimiss kita to the point na gusto kitang yakapin," ani ko sa utak ko. Hindi talaga siya mawala wala hindi ko makalimutan ang mukha niya. Kamukhang kamukha niya si Aspen.
"Hey!" napapreno ako ng biglang sumigaw si Aspen. Nagtataka ko naman siyang tiningnan.
"Ha? Bakit?" nagtatakhang sabi ko. Kumunot naman ang noo niya.
"Kanina pa ako nagsasalita pero nakatulala ka lang," nakasimangot na sabi ni Aspen na kinakamot ko sa ulo.
"Sorry ano ba yon?" nahihiyang tanong ko. Kainis ka self mag-focus ka nga. Nagulat ako ng pinulupot niya ang kamay niya sa braso ko at sumandal pa sa balikat ko.
"Tinatanong kita kung saan tayo magda-date," nakangusong sabi ni Aspen na kinapula ko. Shit self kalma hooo.
"Ahhm hindi ko din alam eh how about kain muna tayo sa street foods?" tanong ko sa kaniya na kinatingin niya sakin.
"Street foods? Yuck ayoko madumi kaya yon kumakain ka non?" ani niya na nandidiri. B-bakit parang ibang tao ang kasama ko. Noong nasa park kami siya pa ang nagyaya sakin kumain ng street foods siya din ang dahilan kaya kumakain na ako ng mga ganoong pagkain.
"Ahh oo may isang tao lang na nagpakain sakin non and masarap siya kesa sa mga pagkain sa restaurant," nakangiting sabi ko habang nagda-drive.
"Ahh jollibee muna tayo gutom na ako eh," ani niya bago umayos ng upo.
Aspien Lewis POV
Napahawak ako sa dibdib ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakita niya kaya ako. Pumunta kasi ako sa veranda kanina para lumanghap ng sariwang hangin pero nakita ko si Flint mukhang sinundo niya si Aspen. Napangiti ako ng mapait."Lahat nalang ba Aspien ng nasa iyo hahayaan mo na kunin ng kakambal mo, malaki kana Aspien ano ba hindi na kayo mga bata na kailangan lahat ng hingin niya ibibigay mo," mahinang sabi ko sa sarili ko. Napahagulgol ako ng iyak ng maalala ang pinangako ko kay kuya.
"Kuya hik ginawa ko naman hik na lahat— lahat ng gusto ni Aspen hik binibigay ko hik pero bakit ganun sobrang sakit dito kuya hik," umiiyak na sabi ko habang sinusuntok suntok ang puso ko.
"Sobrang sakit kuya, sana sinama mo nalang ako para hindi ko na to maramdaman pa ang sakit, ang sakit sakit!" sigaw ko at humagulgol ulit. Sa kakaiyak ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Pien! Pien! Pien," napamulat ako ng mata dahil sa may tumawag sakin. Nagulat ako kasi puro puti lang ang nakikita ko.
"Pien!"
"Sino yan!" sigaw ko pero parang nasa isang kwarto lang ako umiikot lang ang boses ko sa paligid ko.
"Pien," napalingon ako sa likod ko ng may tumawag ulit sakin.
"K-kuya," nakatulalang sabi ko, tumulo ang luha ko sa wakas.
"K-kuya isasama mo na ba ako?" nakangiting tanong ko pero patuloy na nagsilandasan ang mga luha ko. Niyakap naman ako ni kuya.
"Tahan na Pien magiging maayos din ang lahat," pagpapatahan ni Kuya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.
"Kuya isasama mo na ba ako?" tanong ko sa kaniya bago kumalas sa pagkakayakap. Ngumiti lang siya sakin.
"Hindi Pien, madami pang nag aantay sayo hindi mo pa oras nagpakita lang ako sayo para sabihin na gawin mo na ang gusto mo pero wag na wag mong sasaktan ang kapatid mo kakambal mo siya Aspien dapat lagi kayong magkabati, nasa tabi mo lang ako lagi Pien binabantayan ko kayo mahal na mahal na mahal kayo ni kuya paalam Pien," nakangiting sabi ni kuya at unti-unting naglaho.
"Kuya sandali! sasama ako! Kuya!" sigaw ko. Napaluhod ako at napaiyak ng mawala na ng tuluyan si Kuya.
"Kuya isama mo na ako."
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomanceHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...