Chapter 39

69 4 0
                                    


Chapter 39

Flint Dela vega's POV
"Don't worry ate sasabihan ko mamaya si Sheinna na buong bahay niyo na pasabugin," ani ko na mas kinagusot ng mukha niya. 

"Arrgggh! pareho talaga kayong mag-ama," sigaw niya bago nagmartsa palabas ng office. Nakita ko namang napailing nalang si Ace. 

"Dad narinig ko kayo ni tito Caspian uuwi na dito si mom diba?" tanong ni Ace na kinatingin ko. Anyway kwento ko sa inyo kung paano namin nakita sina Ace. 

-FLASHBACK-
"Boss ito yong tinuro ni Red na main base ng ama niya," ani ni Caspian habang nakatingin sa lumang gusali. Nag-gesture ako sa mga tauhan ko na pumasok na. 

Nagsimula na kaming kumilos lahat— naghiwa-hiwalay kami. Napatingin ako sa isang kwarto na nadaanan ko ng may marinig akong iyak ng bata. Dahan dahan akong pumasok. Agad kong pinagbabaril ang mga lalaking nakapalibot sa dalawang bata na nakatali. 

"Mga hayop!" nanggagalaiti na sabi ko. Kinalagan ko ang dalawang bata at nagulat ako ng bigla silang tumakbo sa sulok— takot na takot sila habang nakatingin sakin. 

"Teka mga bata andito ako para iligtas kayo, tara na may kotse sa labas don muna kayo," ani ko pero nanatiling nakatingin lang sila sakin. Napabuntong hininga nalang ako. 

"Okay sige mauuna akong lumabas sumunod kayo okay?" mahinang sabi ko bago tumayo at naglakad palabas. Nilingon ko sila at nakita ko na dahan dahan silang tumayo at sumunod sakin. Nagpatuloy lang ako sa paglabas. Nang makalabas ako nag antay na muna ako sa labas. 

Maya maya lumabas nadin sila kaya napangiti ako. Nanlaki ang mata ko ng may babaril sa kanila kaya agad ko itong inunahan. Napatigil silang dalawa at napalingon sa likod nila. 

"Boss nakatakas ang matanda," ani ni Hendrix na kinakuyom ng kamao ko. 

"May araw ka din saking hukluban ka," nanggagalaiting sabi ko sa utak ko. 

"Tara na," ani ko. Sumunod nalang sila sakin kasama ang dalawang bata na nakita ko at ang iba pang bata na naligtas ng mga tauhan ko. 

-END OF THE FLASHBACK-

Hinatid namin ang mga bata sa kani-kanilang pamilya except sa kanilang dalawa. Nahirapan pa kaming kausapin sila dahil hindi sila nagsasalita pero ng sabihin ko na ibabalik namin sila sa parents nila sinabi nila sakin na may mommy sila pero hindi nila alam ang pangalan. 

Pinaimbistigahan ko sila base na sinabi nilang pangalan nila— nalaman namin na patay na ang parents nagtataka pa kami bakit pinagpipilitan nila na buhay pa ang mommy nila. And then nong isang araw nakita nila si Aspen. Nagulat kami kasi bigla nalang tumakbo si Sheinna at bigla nalang niyakap si Aspen— tinawag niya pa itong mommy. 

-FLASHBACK-
"mom!" sigaw ni Sheinna at tumakbo papunta kay Aspen bago ito niyakap. 

"Hey stop hugging my mom!" sigaw ni Carina at bigla nalang tinulak si Sheinna kaya napasalampak ito sa sahig. Napatigil kaming lahat ng isang kisap mata lang nakita namin si Ace na sakal sakal si Carina. Agad naman namin itong inaawat. Napaubo si Carina ng mabitawan siya ni Ace. 

"Flint saan mo ba nakuha ang mga batang yan?" nakakunot noong tanong ni Aspen na kinasapo ko sa noo. 

"She's not our mom Shein," napatingin kami sa dalawang bata na nakaupo sa sahig. Yakap yakap ni Ace ang kapatid niya. 

"But she looks like our mom," ani ni Shein na kinagulat namin. Lumuhod ako sa harap nilang dalawa na kinatingin nila sakin. 

"Sinasabi mo ba na kamukha niya ang mom niyo?" tanong ko na kinatango nila. 

"Yes, but magkaiba sila ng hair," ani ni Ace na kinakabog ng dibdib ko. Kinuha ko ang wallet ko at pinakita sa kanila ang picture ni Aspien. 

"Siya ba ang tinutukoy niyo?" ani ko bago ipakita sa kanila ang picture. 

"My mom!" sigaw ni Shein habang nakatingin sa picture ni Aspien. 

"Bakit ka may picture ni mom?"

- END OF THE FLASHBACK -

Kaya doon ko nalaman na si Aspien pala ang kinikilala nilang ina. Hindi nga makapaniwala si Aspen at tita (mommy nina Aspien)  na nag alaga ng mga bata  si Aspien, akala kasi nila wala itong pake sa iba. 

"Yes, at sigurado yan doon siya dederitso sa bahay ng lolo at lola mo," nakangiting sabi ko. 

"Pupunta ka ba?" tanong niya. 

"Oo naman, naging duwag na ako dati son at ayoko na maulit yon— this time hindi ko na siya papakawalan," ani ko bago inayos ang maskara ko. Anyway hindi ko pinaayos ang mukha ko, para ano pa? mabuti na nga to para wala ng manggulo pa sa amin ni Aspien. 

Si Catria hindi ko alam kung nasaan na. Bigla nalang kasi yon nawala— last na nakita ko siya noong nagsesex silang dalawa ni Flynn sa mismong office ko. 

"Dapat lang dad, para makompleto na ang pamilya natin," huling sabi niya bago lumabas ng office. 

"Sama na ako pauwi!" ani ko kay Ace at kinuha ang coat ko bago sumabay sa kaniya. 15 years old pa lang si Ace pero parang nasa 19+ na kung titingnan. Mas mataas pa sa akin eh. 

Maraming mga empleyado ang napapatingin samin pero ni isa wala kaming pinapansin. Hindi ko man totoong anak si Ace pero yong mga ugali niya feeling ko sa akin niya lahat namana yon. 

"Ang gwapo pa din ni sir Flint."

"Oo nga eh tyaka tingnan mo nga si sir Ace ang gwapo niya din."

"Hindi talaga mapagkakailang mag ama sila."

"Sana all magaganda ang lahi."

Napailing nalang ako sa mga bulungan na naririnig namin sa loob ng elevator. Ginagawa pa kasi yong private elevator kaya pansamantala ito muna ginagamit namin na para sa mga empleyado. 

Nang bumukas ang elevator agad kaming lumabas ng company at tinungo ang parking lot bago sumakay sa sasakyan. Pinaandar na ito ni Ace na siyang nagmamaneho patungo sa mansion. Ilang minuto pa ang nakakalipas nakarating na din kami sa wakas. 

Napakunot ang noo ko na mula sa malayo kitang kita na ang maitim ba usok na nanggagaling sa mansion. Nakita ko din sa labas sina manang na nagkakagulo habang sa gilid si Shein na tumatawa lang. 

"Ano na naman bang ginawa ng spoiled brat na yon," gigil na sabi ni Ace bago pinarada ang kotse. Agad kaming lumabas ng kotse ng makita namin na nasusunog ang kabilang side ng mansion. 

"Sheinna Dela vega!"



Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon