Chapter 46Aspien Lewis' POV
"Wala kasi kaming pambayad," nakayukong sabi niya na agad naming kinangiti."Kung gusto niyo ho sumama kayo sa amin, may hospital si kuya doon na minamanage niya pwede niya kayong matulungan," nakangiting sabi ko na kinalaki ng mata ni manong.
"Huwag na po ma'am malaking tulong na po itong binigay niyo sa akin na pera," tanggi ni manong.
"Manong sige na ho, hindi naman kami masamang tao tutulungan lang po namin kayo," mahinahong sabi ni Marie.
"Hindi ko naman kayo pinaghihinalaan pero sobra sobra na kasi ang kabaitan niyo-"
"Lolo sige na po please," pagmamakaawa ni Shein na kinatigil namin. Napatingin siya samin at tinaasan pa kami ng kilay. Knowing Shein masyado itong maldita at ni minsan hindi ko narinig ang sorry at please niya.
Hindi nagtagal hindi na nakatiis si manong. Nagpasya itong sumama samin kasama ang apo niya. Nagkwentuhan lang kami sa loob ng van habang bumabyahe. Ilang oras pa ang nakalipas sa wakas nakarating na din kami sa subdivision kung saan ang bahay nina kuya.
Pinapasok kami ng guard ng makita niya ako. Pag wala kasing kakilala tapos papasok ka papatayi ka nila dito o di kaya hindi ka pa papasukin. Kaya nga dito napagdesisyunan ni kuya na magpatayo ng bahay kasi alam niyang safe dito. Sobrang higpit kasi ng security dito.
"Dito lang," ani ko kay Caspian ng pumantay ang van sa bahay ni kuya. Agad kaming nagsilabasan. Weekend ngayon panigurado walang pasok sina Alistair.
"Ma'am Aspien," bati sa akin ng tauhan ni dad at agad na yumuko. Napatingin naman siya sa mga kasama ko.
"Ah butler John sila ang pamilya ko— anyway andiyan ba si kuya?" tanong ko pagkatapos kong ipakilala ang pamilya ko.
"Nasa company niya na po pero andito po ang anak niyo at si ma'am Annie," magalang na sabi niya na agad kong kinatango.
"Dito na pala kayo nakatira mom, akala ko doon pa din sa dati," ani ni Ace.
"Pagkatapos kasing makidnap kayo magnatanggap si kuya na tawag galing sa tauhan niya may umaaligid sa bahay kaya napagdesisyunan ni kuya na lumipat kami," nakangiting sabi ko na kinatango niya. Naglakad na kami papasok at nasa pinto pa lang kami.
"Isusumbong kita kay tita pretty binugbog mo si mr principal," rinig kong sigaw ni Anna.
"Edi isumbong mo para sabihin ko kay uncle na lumalandi kana ang bata bata mo pa nga," rinig ko naman sigaw ni Alistair. Napalingon ako sa mga kasama ko at nakita ko silang nagpipigil ng tawa na kinusot ng mukha ko.
"Edi isumbong mo tyaka hindi naman ako ang lumalapit sa kanila! sila ang lumalapit sakin! isa pa ikaw siguradong papaluin ka ni tita pretty andami mo ng binugbog-"
"Anong binugbog Anna?" putol ko sa sasabihin niya na kinalaki ng mata niya.
"Tita pretty!" sigaw niya bago tumakbo sakin at yayakap na sana ng unahan siya ni Alistair.
"Inaway mo ako akala mo makakayakap ka kay mommy bleh!" pang-aasar na sabi ni Alistair at dinilaan pa si Anna na agad nitong kinaiyak.
"Mommy!" umiiyak na sigaw niya. Agad namang na palabas si Annie sa kusina at nagulat matapos kami makita.
"Best nakauwi kana," nakangiting sabi niya bago ako nilapitan at niyakap.
"Haha oo balak ko na kasi kunin si Alistair-"
"Anong ginagawa niyo dito?" malamig na sabi ni kuya na kararating lang habang nakatingin kena dad.
"Kuya," tawag ko agad naman siyang napatingin sa akin.
"Princess andito kana! nahanap mo na ba sina Ace?" tanong ni kuya matapos ako yakapin at halikan sa noo.
"Yes kuya ayon sila oh," ani ko bago tinuro sina Ace na katabi ni Flint.
"Oh ikaw na yan Ace? bakit parang magkasing laki lang tayo? dati hanggang tuhod lang kita ah," natatawang sabi ni kuya.
"Ganito daw pag-gwapo uncle," mahangin na sabi ni Ace na kinangiwi namin.
"Mommy sila ba ang sinasabi mo na mga kapatid ko?" tanong ni Ace na kinatango ko. Nanakbo naman kena Ace akala ko sina Ace ang yayakapin niya pero hindi.
"Daddy!" sigaw ni Alistair bago niyakap si Flynn na kinagusot ng mukha ni Carina.
"Hey stop hugging my dad," sigaw niya kay Alistair. Agad ko namang kinuha si Alistair na paiyak na.
"Hey baby Alistair hindi siya ang dad mo, twin brother siya ng daddy mo— ayon ang daddy mo oh," mahinang sambit ko bago tinuro si Flint na nakatulalang nakatingin kay Alistair.
"Siya po mommy? Bakit po nakatakip ang mukha niya?" tanong niya na kinalingon ko kay Flint. Dahan dahan namang lumapit si Flint sa amin at lumuhod para pantayan si Alistair.
"Hey kiddo i'm your dad," nakangiting sabi ni Flint.
"I know sinabi na sakin ni mom noon pa pero bakit po may takip ang mukha mo?" nagtatakhang tanong ni Alisatir.
"Dahil dito," ani ni Flint bago tinanggal ang maskara niya na kinalaki ng mata nina kuya at Annie.
"Okay lang ba sayo kahit panget na ang dad mo?" tanong ni Flint. Nagulat siya ng hawakan ni Alistair ang mukha niya.
"Don't worry dad your still my handsome daddy!" masayang sabi ni Alistair na kinaaliwalas ng mukha ni Flint bago yakapin pabalik si Alistair.
Matapos ang pangyayaring yon. Pinakilala ko na silang lahat kena kuya nong una ayaw pa ni kuya kena dad pero nang umiyak si mom doon na siya sumuko. Pinadala niya din sa hospital iyong bata at binigyan ng private doctor.
Masyado daw malalalim na sugat ang natamo ng bata at may ibang ugat na na naapektuhan. Kaya kailangan na mas mapagtuunan ito ng pansin. Paulit ulit namang nagpasalamat ang matanda matapos makita ang kwarto ng apo niya. Habang hindi pa gumagaling ang apo niya nagtatrabaho muna siya.
Binigyan ni kuya ng pwesto si manong at sa harap lang ng hospital.Para daw madali niya lang mapuntahan ang apo niya. Nasabi na din namin kay kuya ang about sa vacation sabi niya hindi sila makakasama dahil sa pagbubuntis ni Annie malapit na kasi kabuwanan nito ilang araw nalang.
"Hello cutie!" bati ni Anna kay Matthew na ngitian lang siya at binati din pabalik. Nakita ko namang gumusot ang mukha ni Caren.
"Ang harot," rinig kong sabi ni Caren na kinatawa ko.
"Ate Frances anak mo nagseselos na."
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomansaHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...