Chapter 4

109 12 0
                                    


Chapter 4 
3rd Person's POV 
Pinaandar niya ulit ang sasakyan at dumiretso sa paborito niyang tambayan— ang park. Pagkarating niya 'don agad siyang bumaba at umupo sa bench. 

Yumuko siya— kasabay 'non ang sabay-sabay na pagtulo ng mga luha niya. Kung titingnan siya lagi parang wala lang sa kaniya pagsina-sabihan siya ng masasamang salita galing sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Pero deep inside durog na durog na siya. 

"Kuya bakit mo kasi ako iniwan," Umiiyak na bulong niya habang nakayuko pa din.  
– 
"Pien! Pen! 'wag kayo masyadong lumayo ah!" Sigaw ng kuya nila. Nasa park sila at naglalaro sina Aspien at Aspen habang nanonood ang kuya nila. 

"Opo kuya!/Yes kuya!" sabay na sigaw ng kambal na sina Aspien at Aspen. 

Hinagis ni Aspen ang bola— napunta iyon sa gitna ng kalsada kaya tumakbo si Aspien papunta sa kalsada para kunin ang bola. Hindi nakita ni Aspien na may humaharurot na sasakyan papunta sa pwesto niya. 

"Ang bata!"

"Bata umalis kana diyan!"

"Twinny alis diyan!"

Nabato sa kinatatayuan si Aspien matapos makita ang rumaragasang sasakyan papunta sa kaniya. 

"Pien!" 

Isang sigaw ang narinig niya— napagtanto niya na lang na nasa gilid na siya ng kalsada. 

"Kuya!" Sigaw ni Aspen matapos makita na ang kuya niya ang nasagasaan matapos nito itulak si Aspien para di masagasaan. 

Parang tumigil ang ikot ng mundo ni Aspien matapos makita ang kuya niya na naliligo sa sariling dugo at yakap ito ng kakambal niya na si Aspen. 


"K-kuya," mahinang bulong niya. Napatigil siya ng may makita siyang dalawang pares ng paa ang huminto sa harap niya. Pag-angat niya ng tingin si Flint Dela vega. Nakita niya na may inabot itong panyo. Nagdadalawang isip man ay kinuha niya ito at tahimik na pinunas sa pisngi niya. 

Tumabi si Flint sa kaniya— hindi niya ito pinansin at pinabayaan nalang. Nanatiling tahimik ang dalawa— si Flint na nag-aantay lang na magsalita si Aspien. Maya-maya pa binalik na ni Aspien ang panyo. 

"Thank you," ani ni Aspien bago inabot ang panyo kay Flint. 

"Labhan mo muna yan, pinunas mo kaya yan sa sipon mo," Masungit na sabi ni Flint na kinainis ni Aspien. 

"Aba hoy! sa luha ko lang pinunas yan 'no!" Naiinis na sabi ni Aspien. 

"Nakita ko pinunas mo yan sa sipon mo kanina," Nang-aasar na sabi ni Flint. 

"Pinunas pala ah!" napipikon na sabi ni Aspien. Diniin niya ang panyo sa mukha ni Flint at tumawa ng malakas. 

"Yakk! Yakk! Ewww! Kadiri ka!" Sigaw ni Flint bago pinupunas-punasan ang mukha niya kung saan diniin ni Aspien ang panyo. 

"Bwhahahaha mukhang bakla," Tumatawang sabi ni Aspien na kinatigil ni Flint. Napansin ni Aspien na biglang natulala si Flint— tumayo ito at winawagay-way ang kamay. 

"Hello buhay ka pa ba," ani ni Aspien at paulit-ulit na winawagay-way ang kamay sa harap ng mukha ni Flint— pero nakatulala pa din ito habang nakatingin sa kaniya.

Napangisi si Aspien ng may maisip na kalokohan. Pinantay niya ang bibig niya sa tenga ni Flint at huminga ng malalim.

"Bakla!" Malakas na sigaw ni Aspien na ginagising ni Flint. Nilingon siya nito at sinamaan ng tingin. 

"Hoy baliw! balak mo bang sirain ang eardrums ko?" Kunot-noong sabi ni Flint kay Aspien. 

"Bleh! hindi ko kasalanan na nakatulala ka," ani ni Aspien— parang bata nitong dinilaan si Flint na mas kinagusot ng mukha ni Flint. 

"Mukha mo–"

"Maganda? alam ko na 'yon matagal na," Nakangiting sabi ni Aspien. 

"Assuming mo naman masyado. Ang panget mo kaya," Nakangising sabi ni Flint. Nagcross-arm naman si Aspien. 

"Oh talaga ba? Kaya pala natulala ka kanina habang nakatingin sa mukha ko," Nang-aasar na saad ni Aspien. 

"Hoy hindi ah! ang assuming nito feeling niya naman sa kaniya ako nakatingin tsk," ani ni Flint. Inirapan lang siya ni Aspien— naglakad na ito papunta sa sasakyan niya. 

"Saan ka pupunta?" tanong ni Flint kay Aspien ng makita niya ito na naglakad na paalis. 

"Uuwi malamang— malalim na kaya ang gabi. Btw thanks sa panyo, dont worry lalabhan ko 'to," saad ni Aspien habang nakatalikod. 

"Wag na! Sayo na yan!" Sigaw ni Flint. Malayo na kasi si Aspien. Kinawayan lang siya ni Aspien— pumasok na ito sa kotse niya at nagdrive na pauwi. 

Napamura si Flint ng maalala niya na hindi niya pala natanong ang pangalan ng babae. 

"Makikita ko pa naman siguro siya," ani ni Flint. Napangiti siya habang inaalala ang mga tawa kanina ni Aspien. 

"Parang anghel," wala sa sariling sabi ni Flint. Nagulat siya ng biglang tumunog ang cp niya— pagtingin niya ang ate niya pala. 

"Hello ate," ani ni Flint. 

"Hey lil bro gabi na— wala ka bang balak umuwi?" saad ng nasa kabilang linya. Napatingin naman siya sa oras. 11:30pm na ng gabi. 

"Pauwi na ate," ani niya bago binaba ang tawag— pumunta na siya sa kotse niya na naka-parking malapit sa pwesto nila kanina. Pinaandar niya na ang kotse niya at tinahak ang daan pauwi sa mansion nila.  

Pagkapasok ni Aspien sa mansion nila— nakita niya ang kakambal niya na si Aspen at ang mommy niya na nasa sala. Napatingin naman sa kaniya ang mommy niya— sinamaan siya ng tingin. 

"Uwi pa ba 'to ng babae? saan ka na naman lumandi?" bungad ng mommy niya sa kaniya. Tiningnan niya lang ito ng bored look. 

"Wala ka na 'don," ani ni Aspien— nagtuloy-tuloy siyang pumasok. Hindi pa nga siya nakakailang hakbang sa hagdan nang magsalita ulit ang mommy niya. 

"Kababae mong tao nasa labas ka pa! pano nalang pag may masama na–"

"Pwede ba mom! as if may pakialam kayo pag may nangyaring masama sa akin tsk," asik ni Aspien at nagpatuloy na sa pag-akyat. 

"Wala kang galang!" Sigaw ng mommy niya. 

"Matagal na!" pabalik niya din na sigaw sa mommy niya. 

"Mom tama na yan," rinig niyang sabi ng kakambal niya na si Aspen— napairap nalang siya. 

"Tsk pabida ang gaga," mahinang bulong ni Aspien— pumasok na siya sa kwarto niya at bigla nalang binagsak ang katawan sa kama. 

Napatingin siya sa kamay niya kung nasaan ang panyo— tiningnan niya iyon ng mabuti at nakita niya ang pangalan na nakaburda. Flint Dela vega. Unti-unting nabuo ang ngiti sa mga labi niya.

"Ang baklang 'yon."

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon