Chapter 38

67 4 0
                                    


Chapter 38

Aspien Lewis' POV
10 years later

Hanggang ngayon sariwa pa din sakin ang sakit sa pagkawala nina Ace. Mahigit tatlong taon namin silang hinanap pero hindi talaga namin sila makita. Nawawalan na kami ng pagasa pero hanggat hindi ko nakikita ang katawan nila hindi ako maniniwalang wala na sila. 

"Mom pupunta ka po kena grandpa diba pwede po bang ibigay niyo to sa kaniya?" ani ni Alistair anak ko at inabot sakin ang isang regalo. He's 9 years old now manang mana niya ang mukha niya sa ama habang ang ugali sa akin masyadong takaw sa gulo. Pero wag kayo pag sa akin gusto niya binibaby ko siya. 

"Baby hindi ka ba talaga sasama kay mommy? matutuwa si dad pag nakita ka niya," tanong ko sa kaniya na kinailing niya. Birthday kasi ni dad at sabi niya umuwi kami pero mukhang ako lang ang makakapunta ayaw sumama ni Alistair eh. Hahanapin ko na din sina Ace don may nakapagsabi kasi samin na nasa Manila sina Ace. 

"Baby matatagalan si mommy don kaya mo bang wala si mommy?" nakasimangot na sabi ko na kinatawa niya bago ako mabilis na kinis sa pisngi. 

"Haha syempre mommy hindi pero andito naman sina uncle at auntie tyaka lagi ka naman tatawag sakin diba tapos papadalhan mo ako lagi ng sulat basta mommy pag uuwi ka dito dapat kasama mo na sina kuya Ace ah," nakangiting sabi niya pero mahihimigan mo pa din sa boses niya ang lungkot. Nang magkaisip siya sinabi ko na sa kaniya ang about kena Ace. 

"Aye aye captain! promise ni mommy iuuwi niya dito sina kuya Ace," ani ko at pinisil ang ilong niya. 

"Baby sis malalate kana sa flight mo," ani ni kuya na kakapasok lang. Tumayo na ako at sumunod kami kay kuya na siyang may dala ng maleta ko. 

Nang makalabas kami pinagbuksan ako ng pinto ni Kuya pinauna kong pumasok si Alistair at sunod ako. Sa harap naman si Kuya at Annie at ang anak nila na si Anna short of Adrianna nasa 7 years old lang ito. Ilang minuto ang nakalipas nakarating na kami sa airport. Naunang lumabas si kuya at pinag buksan ulit kami. 

"Baby pakabait ka kena uncle mo ah, at kung pwede wag kana makikipag away sa school naiintindihan mo?" paalala ko na kinasimangot niya. 

"Yes mom," bored na sabi niya. 

"Don't worry tita pretty babantayan ko si insan tapos tatawagan kita pag may ginawa na naman siya sa school," magiliw na sabi ni Anna na kinairap ni Alistair. 

"Haha aasahan ko yan baby Anna okay?" nakangiting sabi ko at ginulo ang buhok niya. 

"Kuya, best kayo na muna bahala kay Alistair ah," ani ko na kinatango nila. Niyakap naman ako ni Annie. 

"Mag-iingat ka don ah pag inaway ka ng kakambal mong impokreta sabihan mo lang ako at pupunta ako don para kalbuhin siya," nanggigigil na sabi ni Annie na kinatawa ko nalang. 

"Best kalma ka diyan remember buntis ka," paalala ko. Buntis na kasi ulit ito kabuwanan niya na nga sa susunod na buwan eh. Umirap lang siya sa kawalan na kinatawa ko. 

"alis na ako baka maiwan ako ng eroplano," natatawang sabi ko. Nag-group hug naman kaming lahat. 

"Mamimiss kita baby sis," acting ni kuya na kinatawa namin. 

"Kuya para namang hindi na ako babalik dito," natatawang sabi ko. 

"O sya sige na alis na ako bye best, kuya, baby Alistair and baby Anna," paalam ko at kinawayan sila. Ganun din naman ang ginawa nila. 

Napabuntong hininga nalang ako. Kakayanin ko bang harapin sila— siguro may anak na din sila. Napangiti nalang ako ng mapait natuloy talaga ang kasal nilang dalawa. 

Flint Dela vega's POV
10 years na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi ko pa din nahahanap si Aspien. Sinabi dati sakin ni kambal ang location nina Aspien pero nong pinuntahan namin wala na sila don. 

Anyway alam na ng lahat na buhay si Flynn ang kakambal ko at siya ang kinasal kay Aspen yong pinapirmahan kasi ni kambal kay Aspen marriage contract nilang dalawa yon hindi namin ni Aspen. Nalaman yon ni Aspen kaya galit na galit siya pero nong malaman niya na si Carl at Flynn ay iisa tinanggap niya nalang ito. 

"Bro! may good news ako sayo!" sigaw ni Caspian na nagmamadaling pumasok sa office ko. 

"Ano ba yon," walang gana na sabi ko. 

"Uuwi na si Aspien!" sigaw niya na kinatayo ko. Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat bago alog alogin. 

"Sigurado ka ba diyan," maliwanag ang mukhang tanong ko. 

"Oo nga teka lang nahihilo ako itigil mo nga yan," naasar na sabi ni Caspian bago kinuha ang kamay ko sa balikat niya. 

"Makikita ko na siya, kailan daw uwi niya?" tanong ko. 

"Sabi ni tito bukas daw kasi diba birthday ni tito sa makalawa," ani ni Caspian. Ayy oo nga pala birthday na ni tito sa makalawa. 

"Nga pala bro una na ako baka paulanan na naman ako ng bala ng babaeng yon dumaan lang talaga ako dito para sabihan ka," ani niya na kinatango ko. Lumabas na siya sa office ko kaya naiwan akong mag isa dito. 

Umupo ako sa swivel chair at humalumbaba. Matagal din kitang hinanap Aspien pero ngayon makikita na kita. Hindi ko na hahayaan ulit na mapalayo ka sa akin. 

"Dad," tawag ni Ace na kakapasok lang. 

"Oh son what are you doing here?" tanong ko. Minsan lang kasi pumunta yan dito at pupunta lang yan dito kung may kailangan ko may isusumbong sa ginawa ng kapatid niya. 

"Si Sheinna pinasabog na naman ang kusina nina auntie sa kadahilanang ayaw siya bigyan ng pagkain ni Caren," ani niya na kinasapo ko sa noo. 

"Flint!" rinig kong sigaw ni ate sa labas na alam kong papunta dito. Marahas niyang binuksan ang pinto ng office ko. Umuusok ang ilong na lumapit siya sakin. 

"Flint yong anak mo pinasabog na naman ang kitchen ko! myghaddd kakapagawa ko pa lang non, ba't di mo nalang sabihan ang anak mo na buong bahay na pasabugin niya nahiya pa siya," may inis sa mukha. 

"As if auntie mauubusan ka ng pera kakapagawa ng kitchen," masungit na sabi ni Ace na kinapigil ko ng tawa. 


Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon