Chapter 123rd Person's POV
Nang gumabi na nagbihis si Aspien para pumunta sa park. Nang papalabas na siya ng mansion nila nakita siya ni Aspien at nagtaka ito bakit gabi-gabi na umalis si Aspien.Tinawag niya ang isa sa mga tauhan nila at pinasundan si Aspien para alamin kung saan pupunta ito. Habang nagdadrive napansin ni Aspien na may kotseng sumusunod sa kaniya.
Hindi siya maaaring magkamali— isa ito sa mga kotse na ginagamit ng tauhan ng family niya. Hindi niya na ito pinansin dahil baka pinasundan siya ng dad niya para sa safety niya.
Nang makarating siya sa park hindi niya nakita si Flint kaya umupo nalang siya sa bench na laging tinatambayan nila pagnasa park silang dalawa. Lumingon lingon si Aspien at nakita niya ang kotse na sumusunod sa kaniya kanina hindi kalayuan sa pwesto niya.
Akmang tatayo na siya ng may isang kotse ang huminto sa harap niya at bumaba si Flint. Bahagyang lumiwanag ang mukha ni Aspien ng makita si Flint.
"Oh andito kana haha naunahan mo pa ako ah," natatawang sabi ni Flint. Madalas kasing nauuna si Flint sa park. Tumaas naman ang kilay ni Aspien.
"Bakit? Ikaw lang ba pwedeng mauna lagi?" masungit na sabi ni Aspien na kinatawan ni Flint.
"Hahaha bakit ka nagsusungit? meron ka ba?" ani ni Flint at umupo sa tabi ni Aspien.
"Wala no baliw."
Habang nakikipag-usap si Aspien kay Flint nawala na sa isip nito na may sumusunod sa kaniya kanina at balak niya dapat itong puntahan.
Nagpatuloy sa pag-aasaran si Aspien at Flint— hindi nila namalayan na may tao pala na kanina pa nakatingin sa kanila at kinukuhanan sila ng litrato.
"Ma'am hindi kayo maniniwala kung sino ang kinikita ng kapatid niyo," ani ng isang tauhan na pinasunod ni Aspen kay Aspien. Pagkatapos kasi nitong kuhanan ng litrato sina Aspien at Flint agad na itong umuwi.
"What do you mean?" nagtatakhang tanong ni Aspien. Binigay ng tauhan ang cellphone niya kay Aspen kung saan nandon ang litrato ni Aspien at Flint. Nanggitgit sa galit si Aspen ng makilala ang lalaki sa picture na kasama ni Aspien.
"Bumalik kana sa trabaho mo sakin na muna ang cellphone mo ibabalik ko to pagkatapos ng gagawin ko," nakangising sabi ni Aspen. Yumuko lang ang tauhan at umalis na.
"Walang hiya ka Aspien kaya pala nong kwenento ko sayo na gusto ko si Flint nagalit ka, ngayon tingnan natin kung sino ang magiging kawawa pagkatapos ng gagawin ko," ngising demonyo na sabi ni Aspen at pumasok na sa kwarto niya para matulog.
"4am na pala hindi ko napansin ang oras," ani ni Aspien matapos tingnan ang oras sa cellphone niya.
"Kailangan ko ng umuwi may trabaho pa ako bukas," ani ni Flint na nagulat din kasi kahit siya hindi niya napansin ang oras.
"Haha sige uuwi na din naman ako sige na bye," ani ni Aspien at tumakbo na sa kotse niya. Napatawa naman si Flint sa idea na nahihiya pa din si Aspien sa kaniya. Nang nasa harap na ng kotse niya si Aspien lumingon ito at parang bata na kumaway kay Flint— dali dali ng sumakay si Aspien aa kotse at pinaharurot na pauwi sa kanila.
"What a cute goddess," mahinang bulong ni Flint. Sumakay na din siya sa kotse niya para umuwi na kailangan niyang magpahinga may trabaho pa siya bukas. Habang nagdadrive si Flint inisip niya ang mukha ni Aspien na nakangiti.
Hindi napansin ni Flint na may matanda na tatawid sa kalsada buti nalang at sumigaw ang matanda kaya napapreno agad si Flint. Dali daling bumaba si Flint para tingnan kung nasagasaan niya ba ang matanda.
"Lola okay lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan?" tarangtang sabi ni Flint matapos makita ang matanda na nakahiga sa lupa— tinulungan niya ito para makatayo. Nang makatayo ang matanda— binatukan nito si Flint.
"Hoy lalaki! hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo ha! pano nalang pag-nabangga ako! edi mamatay ako sino nalang pagpapakain sa mga alagang manok ko don, alagang baboy, alagang baka, alagang kalabaw-"
"Lola teka lang ha…kalma ka po muna hindi ka naman po nasagasaan eh masyado naman kayong advance mag isip," ani ni Flint na napakamot sa batok.
"Anong adbanse adbanse ka diyan! sinasabi ko lang ang mangyayari pag nasagasaan mo talaga ako!" sigaw ng matanda kay Flint. Wala pang masyadong tao kasi 4am pa lang.
"Lola kalma po muna tayo wag ka muna high blood okay? at lola advance yon ADVANCE hindi adbanse," ani ni Flint.
"Lola may kailangan po ba kayo nagmamadali po kasi ako eh kailangan ko na pong umuwi may trabaho pa ako bukas," magalang na sabi ni Flint.
"Wala na alis na ako," ani ng matanda at naglakad na paalis. Sinundan ng tingin ni Flint ang bulto ng matanda na palayo na. Lalakad na sana siya ng may maapakan siyang wallet. Hindi siya maaring magkamali sa matanda ito galing yon lang naman ang tao don.
Tiningnan ni Flint ang laman at nakita niya na 50 pesos lang ang laman. Kinuha niya ang wallet niya sa kotse at kumuha ng pera. Nilagay niya ito sa wallet ng matanda.
"Lola sandali!" sigaw ni Flint at tumakbo papunta sa matanda na napahinto at napalingon sa kaniya.
"Lola naiwan niyo po ang wallet niyo," ani ni Flint ng makalapit siya sa matanda. Laking pasasalamat ng matanda dahil ibibili niya pa daw yon ng gamot sa apo niya.
"Eh lola tiningnan ko pera niyo 50 lang ang laman kasya ba yan pambili ng gamot?" mahinahong tanong ni Flint. Umiliing ang matanda.
"Hindi ko alam pero kung kulang man pagtatrabahuhan ko na lang ang kulang para gumaling lang ang apo ko," nakangiting sabi ng matanda. Hindi makapaniwala si Flint kaya pa ba ng matanda magtrabaho kung titingnan ang matanda mga nasa 60 na.
"Bilib din ako sa determinasyon niyong pagalingin ang apo niyo lola, btw una na po ako ah ingat kayo lola at sana gumaling na ang apo niyo," nakangiting sabi ni Flint at tumakbo na papunta sa kotse niya.
Nang makaalis si Flint naglakad na din ang matanda para pumunta sa hospital dahil nandoon ang apo niya. Silang dalawa nalang ng apo niya kaya gagawin niya ang lahat para gumaling lang ang apo niya.
Nang makarating siya sa room kung saan naka-confine ang apo niya nadatnan niya na nandoon ang isang nurse at mukhang inaantay siya nito.
"Lola ito po ang gamot ng apo niyo na kailangan niyong bilhin sa labas," ani ng nurse at inabot sa matanda ang isang papel. Nanlumo ang matanda ng makita ang mga nakasulat sobrang daming gamot. Kinuha ng matanda ang wallet niya at napaiyak nalang matapos makita na wala na ang 50 pesos niya.
Napalitan ito ng marami
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomanceHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...