Chapter 3

155 14 0
                                    

Chapter 03
3rd Person's POV
"Aspien!" bulyaw ng ginang bago nilapitan si Aspen na nakaupo sa sahig habang yakap nito ang isang libro.



"Gosh, ayan na naman si Aspien," bulong ng isa sa mga katulong. Inalalayan ng ginang si Aspen na tumayo.



"Ano na naman ba ang nangyari?" tanong ng ginang kay Aspien. Nakita niya na tinulak ni Aspien si Aspen.



"M-Mom, ako po ang may kasalanan. Kinukulit ko siya about dito sa book. Sabi ko kasi dalhin niya at kailangan niya ito para hindi na siya pagalitan ng teacher namin. Lagi kasi siyang napapagalitan ng teacher namin dahil wala siya palaging dalang book sa class namin," paliwanag ni Aspen Lewis na nasa 13 years old. Lumambot ang expression ng ginang at pinantayan si Aspen.



"Malaki na si Aspien. Hayaan mo siya kung ayaw niya magdala ng book. Siya naman ang mapapagalitan hindi ikaw diba?" ani ng ginang na may ngiti sa labi. Pagtingin ng ginang sa isa pang anak. Gumusot ang mukha nito at tiningnan ng masam si Aspien.



"Ikaw Aspien, kailan ka matututo ng magandang ugali. Concern lang ang kapatid mo sa iyo," ani ng ginang na kinasama ng mukha ni Aspien.



"Kahit kailan hindi ko sinabi na maging concern siya sa akin. Masyado siya epal at pakielamera!" sigaw ni Aspien at tumakbo patungo ng hagdan. Hindi niya pinansin ang mga katulong na kasalukuyan siyang pinag-uusapan.



Laging ganoon ang nangyayari sa bahay ng mga Lewis. Si Aspen ang magaling, matalino, mabait at may talento— kabaliktaran ng mga iyon si Aspien na puro gulo ang dala, bukod sa mababa ang grade— lagi pang sakit ng ulo ang dalagita.



Identical twin si Aspien at Aspen— mula sa figure, height at boses parehong-pareho sila.



Kung hindi lang laging nakangiti si Aspen o nakasimangot si Aspien hindi mo malalaman kung sino sa dalawa si Aspien at Aspen.



Dahil magkamukha nga sila— madalas silang palaging naikukumpara. Kahit saan sila pumunta na dalawa basta magkasama sila sa school, field trip at kahit sa bahay— walang pagkakataon na hindi sila pinagkumpara.



Laging si Aspien ang masama at si Aspen ang santa. Sa bawat araw na lumilipas at tumatagal— paliit ng paliit ang mundo para kay Aspien.



Kung papatalo siya at laging papadala sa sinasabi ng iba. Sa isip ni Aspien— siya lang ang magiging malungkot at masasaktan.



Naging sarado ang isipan ni Aspien sa mga sasabihin ng ibang tao— iniwasan niya si Aspen at tinulak palayo. Ginawa niya lahat ng gusto niya at alam niyang makakapagsaya sa kaniya.



Pinasok niya sa isip niya na hindi niya kailangan ng kakampi at pamilya. Kaya niya mabuhay mag-isa.



Dinala iyon ni Aspien hanggang sa lumaki siya. Inilayo niya ang sarili niya sa mga magulang at kakambal niya.



Hindi niya hinayaan na maging anino lang siya ni Aspen.



"Aspien! Kailan ka ba titino! Ano na naman itong sinabi ng professor mo na hindi ka na naman pumapasok!" bulyaw ng ina ni Aspien. Tinakpan ni Aspien ang tenga at tiningnan ang ina.



"As if mom concern ka kung may mararating ako sa buhay. Pinag-aaral mo lang naman ako para hindi mo makita pagmumukha ko sa bahay na ito diba?" tanong ni Aspien matapos tumayo at tiningnan ang ina



Kinuhanan siya ng dorm ng ina sa loob ng school para daw hindi na siya mahirapan bumayahe. Hindi alam ng ina ni Aspien na alam ni Aspien na kaya pinag-dorm siya ay para hindi siya makauwi sa mansyon.



"Look mom, hindi ka ba nagsasawa sa mga acting mo na parang concern ka sa akin? Huwag niyo na akong pakialaman at ipatawag sa ganitong walang kakwentahang bagay," dagdag ni Aspien. Nagbulungan ang mga katulong dahil sa attitude na iyon ni Aspien.



Sanay na si Aspien sa mga tingin na iyon hindi na bago sa mga mata ng dalaga. Tiningnan ni Aspien si Aspen na may pag-aalala sa mukha.



"At ikaw Aspen pwede ba huwag mo ako lalapitan sa school? Huwag mo na din ako idamay sa pagiging acting good samaritan mo. Hindi ko kailangan ng tulong mo."



"Aspien, concern lang naman ako sa iyo. Gusto ko lang makatulong at—"



"Fuck off!  Ilang beses ko ba sinabi sa iyo na hindi ko kailangan ng tulong mo! Huwag niyo ako pakialaman! Hindi ko kayo kailangan!" mataaa ang bosea na sambit ni Aspien. Sumama ang mukha ng ginang.



"Aspien, pamilya tayo dito. Kahit anong gawin mo— kakambal mo si Aspen, anak kita at parte ka ng pamilyang ito."



"Wow mom! Big word anak? Kakambal?" ulit ni Aspien na biglang natawa dahil sa sinabi ng ginang. Tiningnan niya si Aspen at binalik ang tingin sa ina.



"Akala ko si Aspen lang ang anak niyo. Siya lang naman kasi ang laging nakikita niyo diba? Kakambal? Hindi ko feel mom. Mas mukha pa akong anino ni Aspien kaysa sa kakambal. Alam niyo kung bakit mom? Bukod kasi sa gusto niyo maging katulad ako ni Aspen— sinaksak niyo pa sa utak ko na ang existance ko bad side lang ng entire existance ni Aspen," ani ni Aspien na natatawa. Kinuha ni Aspien ang jacket niya sa sofa at nakangisi na tiningnan sina Aspen.



"Hindi ko kailangan ng pamilya," malamig na sambit ni Aspien bago naglakad at tinungo ang pintuan.



"Aspien," tawag ni Aspen. Hahabulin siya ni Aspen nang hawakan ng ginang ang kamay ng isang anak.



"Hayaan mo na si Aspien."



Nag-aalalang tiningnan ni Aspen ang bulto ng kapatid. Sinara ni Aspien ang pintuan at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa parking lot.



Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya at pumasok doon. Agad niyang ini-start ang sasakyan at pinaandar paalis sa labas ng mansyon.



Gusto niyang umalis agad sa bahay na iyon sa reason na paliramdam niya anytime kakapusin siya ng hininga. Matapos makalabas ng gate at makalayo sa mansyon ng mga Lewis.



Hininto niya ang kotse sa harap ng isang bakante ng lote. Sinandal niya ang katawan sa upuan. Mahinang hinampas ang manubela at pumikit ng madiin.



"Kailangan ko ng alak," bulong ni Aspien at tumingin sa kalsada. Kasalukuyan siyang nasa tagong part na eskinita at nakita niyang may padaan na pamilya.



May dalawang anak na babae at isang anak na lalaki.



"Gusto ko din 'nan!"



"Ayaw! Meron ka! Ayan kainin mo."



"Gusto ko ng katulad sa iyo!"



Nag-away ang dalawang batang babae sa gilid ng sasakyan niya. Lumapit agad ang nanay.



"Laila— Lea nag-aaway na naman kayo," ani ng ginang. Sabay na nagsumbong ang bata.



"Huwag na kayo mag-away. Same kami ni ate Laila— ate Lea, change na lang tayo ng flavor ng ice cream para same kayo," ani ng isang batang lalaki na pumagitna pagkatapos sabihin ng nanay na kukuhanin ang mga ice cream ng kapatid.



Napahawak ng mahigpit si Aspien sa manubela matapos may pumasok sa isip niya na mga scenario.



'Pien! Pen! Sabi ko sa inyo matuto kayo mag-share diba?'



Napatakip sa tenga si Aspien at pilit na binubura sa isipan ang mga scenario na pumasok sa isip niya.



"Tama na Aspien. Wala na siya— hindi na siya babalik."

Dear Alistair (one night stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon