Chapter 35Flynn Dela vega's POV
Nang makarating ako sa hospital tuloy tuloy lang akong pumasok ako ang may ari nito kaya walang nagtangkang humarang sakin. Alam ko na din naman ang room number ni Flint.Pagkarating ko don agad kong binuksan ang pinto at napatigil ako matapos mapako ang tingin ko sa taong nakahiga sa kama. Balot ang buong katawan nito pati na din ang mukha.
"Flynn-"
"Bakit nangyare to," malamig na sabi ko. Habang nakatingin sa katawan ni Flint na walang malay.
"I'm sorry kung nabigo ako sa pagprotekta sa kaniya," nakayukong sabi ni Red. Lumapit ako sa kama at hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan.
Sunog ang buong katawan niya. Mata at labi lang ata ang hindi masyadong naapektuhan. Tumulo ang luha ng makita ang kalagayan ni kambal.
"Flynn bili muna kami ng makakain," ani ni Caspian na agad kong kinatango — lumabas na silang tatlo.
"Gago ka! Bakit mo hinayaan na sunugin ka ng mga demonyong yon! Pano nalang pag nagkita kayo ni Aspien edi hindi kana niya mamahalin— ako na mamahalin niya kasi mas pogi na ako-"
"G-gago," utal na sabi ni kambal. Nanlaki ang mata ko ng marinig kong nagsalita siya.
"Bal? Buhay ka pa?" masayang sabi ko.
"B-bakit gusto mo na ba ako mamatay?" masungit na sabi niya.
"Aba bal ganyan na nga nangyare sayo nagawa mo pang magsungit," may inis na sabi ko.
"Pero whaaaa buhay ka!" sigaw ko at niyakap siya.
"A-arayyyy t-tangna," nasasaktang sabi niya kaya agad akong lumayo at nag-peace sign.
"Kamusta na pakiramdam mo?" ani ko.
"Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko," nahihirapang sabi niya. Napatingin kami sa pinto ng bumukas ito.
"Bro! Gising kana!" sigaw nilang tatlo at dali daling lumapit kay Flint. Akmang hahawakan nila ng mapatigil sila matapos marealize ang kondisyon ni Flint. Bumakas ang lungkot sa mukha nilang tatlo.
Aspien Lewis POV
Nandito ako ngayon sa park nanonood sa mga batang nag lalaro malapit lang naman ito sa village na tinutuluyan namin kaya ayos lang. Napatingin ako sa sinapupunan ko at marahan itong hinimas.Actually wala naman kami sa ibang bansa eh nasa part pa din kami ng pilipinas pero secret kung saan banda at kung anong lugar haha.
"Hoy bata! Ang baho mo umalis ka dito!" napatingin ako sa nagtitinda ng mga fishball ng marinig ko itong sumigaw. Tinulak tulak nito ang batang pulubi na halatang nanghihingi ng pagkain. May hawak din itong baby. Tansya ko nasa limang taon ang batang lalaki at ang baby naman na hawak niya nasa 2yrs old.
Tumayo ako at lumapit sa kanila. Akmang sisipain niya sana ang batang lalaki ng batuhin ko siya ng sandals ko na sapol sa kalbo niyang ulo.
"Hoy kalbo! alam mo namang mga bata yan papatulan mo pa!" maangas na sabi ko na kinatingin niya sakin. Nanlaki ang mata niya ng makilala ako.
"Sorry po ma'am," ani niya at tumakbo papunta sa tinitinda niya na mga street foods. Lumuhod naman ako para mapantayan ang dalawang bata.
"Bata okay lang ba kayo?" tanong ko bumakas sa mukha nila ang takot kaya medyo napaatras sila.
"Teka! hindi ko kasi sasaktan," mahinahong ani ko. Dinukot ko ang chocolate na nasa bulsa ko. Baon ko to hhmmp favorite ko to eh pero marami pa naman sa bahay kaya bibigay ko nalang sa kanila to.
"Ito oh gusto niyo? Masarap to," nakangiting sabi ko habang inaabot ang chocolate. Dahan dahan naman itong kinuha ng batang lalaki at binigay sa kapatid niya. Umupo ako sa damuhan habang kaharap sila.
"Nasan pala ang mga magulang niyo?" tanong ko na kinatigil ng batang lalaki sa pagkain habang ang kapatid niya parang walang pake. Sabagay baby pa kasi ito.
"Patay na sila," malamig na sabi ng batang lalaki na kinabigla ko. Hindi ako nabigla ng sabihin niya na patay na parents niya. Nabigla ako sa lamig ng boses niya. Tiningnan ko siya ng maigi pagnilinisan to iisipin mong anak mayaman maputi ito pero natatabunan ng mga dumi at meron siyang blue eyes.
"Wala na kayong magulang? So saan kayo nakatira?" tanong ko.
"Sha khalshada," bulol na sabi ng kapatid niyang babae na 2 years old.
"Ang cute mo naman," nakangiting sabi ko bago bahagyang pisilin ang pisngi niya.
"Buntis ka po?" napatingin ako sa batang lalaki ng magsalita ito habang nakatingin sa tiyan ko.
"Yes 5months na," nakangiting sabi ko. Nagulat ako ng hawakan niya ang sinapupunan ko.
"Lalaki ang baby niyo," mahinang bulong niya.
"Teka? Pano mo nalaman?" natatawang sabi ko.
"Ahhmm hula ko lang po," nakakamot ulong ssbi niya.
"Anyway gusto niyo ba sumama sakin? sabi niyo kasi diba wala kayong matutuluyan," nakangiting sabi ko. Nabasa ko sa mukha ng batang lalaki na nagdadalawang isip siya.
"Don't worry hindi ako masamang tao okay?" mahinang sabi ko. Mukhang hindi kumbinsido ang batang lalaki pero tumango ito.
"Kung ganun tara na, malapit lang bahay ko dito," masayang sabi ko bago Binuhat ang baby kahit madumi i don't care. Hinawakan ko naman ang kamay ng batang lalaki at lumakad na kami.
Hindi ko na pinansin ang mga taong nandidiri na nakatingin samin. As if mamamatay ako sa tingin nila tsk. Nagulat pa si manong guard ng makita na may dala akong mga bata.
"Iba talaga ang kabaitan niyo ma'am Aspien," nakangiting sabi ni manong guard na kinatawa ko nalang.
Naglakad na kami papasok sa village. Malayo pa lang nakita ko na ang mga tauhan ni kuya na nakakalat sa paligid. Naramdaman ko namang napahawak ng mahigpit ang batang lalaki sa kamay ko habang itong batang babae napayakap ng mahigpit sa leeg ko.
"Hahaha wag kayong matakot mababait sila okay?" pagpapakalma ko sa kanila pero ganun pa din hawak nila kaya hinayaan ko na.
Nang makita ako ng mga tauhan ni kuya sabay sabay silang yumuko. Nagtataka pa sila dahil may mga bata akong kasama. Pumasok na ako sa bahay at binaba sa sofa ang batang babae bumitaw na din ang batang lalaki at tumabi sa kapatid niya.
"Manang!" sigaw ko. Agad namang lumabas agad namang lumabas si manang sa kusina.
"Pakilinisan naman po ang mga batang ito," nakangiting sabi ko.
"Masusunod po young lady," nakayukong sabi ni manang bago nilapitan ang dalawa.
"Halina kayo papaliguan ko kayo," nakangiting sabi ni manang. Sumunod naman ang dalawang bata kaya umakyat na ako sa kwarto ko para maligo din.
BINABASA MO ANG
Dear Alistair (one night stand)
RomansaHindi sa kalayuan nakatayo ang binata na nagngangalan na Jake kasama ang tatlong barkada nito. Lasing na ang mga ito at nakita nila si Aspien na mag-isa. "Dude, tara. Tawagin niyo ang iba. Makikipagkilala tayo," ani ng binata na may nakakalokong ng...