Dear readers, the next chapter is Wakas. Thank you for reading against my will, readers! I will slowly upload the next story of the series. I hope you read it too! Thank you so much!
Against my will, Wakas will be uploaded on June 16, 2026!
Warning: SPG
"Doll? Let's go?"
Nakalahad ang kamay ni Adam sa akin habang nakangiti nang bahagya. Sa kabilang kamay niya naman ay ang handbag na naglalaman ng mga gamit namin para sa honeymoon. Agad kong tinanggap ang kamay niya at sabay kaming naglakad papasok sa hotel.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala.
Mag-asawa na kami. Asawa ko na si Adam.
Hawak-kamay kaming naglalakad habang tahimik na pinagmamasdan ko ang kamay niya. Dahan-dahan kong nilaro ang mga daliri niya habang magkasabay kaming naglalakad.
Napatingin ako sa mga ugat na nakaumbok sa likod ng kanyang kamay. For some reason, they always fascinated me. Hindi ko namalayang hinaplos ko pala ang isa roon gamit ang hinlalaki ko.
Bigla akong nakarinig ng mahinang ungol mula sa kanya. Agad akong napatingala. Nakapikit ang kanyang mga mata na para bang pinipigilan niya ang sarili niyang reaksyon. Pagmulat niya ng mga mata, agad niyang nahuli ang titig ko.
A slow smirk appeared on his lips. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong umiwas ng tingin. Narinig ko ang mahina niyang tawa. Damn. Lalo akong nahiya. Pakiramdam ko ay umiinit ang buong mukha ko.
"Calm down, Doll. We're not in our room yet." Mahina niyang bulong.
Naramdaman ko ang mainit niyang hininga malapit sa tainga ko, dahilan para mas lalo akong mamula. It's not like we don't see each other naked. Agad akong yumuko.
Nagkunwari akong abala sa pagmamasid sa magkahawak naming kamay habang kinakausap niya ang front desk personnel ng hotel.
Samantalang ako naman ay tahimik na nagdarasal na sana ay lumamig ang mukha ko. Pero paano? Kung sa simpleng paghawak pa lang niya ay parang nawawala na ang maayos kong pag-iisip.
Matapos ang ilang minuto, nakuha na namin ang susi ng kwarto. Magkahawak-kamay pa rin kaming sumakay ng elevator. Tahimik. Ngunit hindi awkward. It was the comfortable kind of silence. The kind that only exists between two people who have already found a home in each other.
Pagdating namin sa harap ng aming kwarto, agad na binuksan ni Adam ang pinto. Hinayaan niya muna akong maunang pumasok.
Nang nakapasok ay nagulat akong hinalikan niya agad ako na hindi man lang binitawan iyong handbag namin. Tutugunin ko sana ang halik niya, ngunit bahagya siyang lumayo, na ikinunot ko ang noo ko.
Nakakabitin naman.
"I'll wash first." He winked at me.
Napatawa ako, kunwari hindi namumula ang mga pinsan. Now, he's the naughty one.
Natapos agad siyang lumabas sa banyo. Tanging tuwalya ang nasa katawan niyang nakatakip sa kaibigan niya. Nanlalaki ang mata ko. I mean, yes, I saw his body, but not this fully! Ang puti pala ng katawan at abs niya! He was drying his hair with his towel in his hand.
Pinagmasdan ko siya. Napalunok tuloy ako ng sariling laway. Nakatingin lang siya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin.
Not now, Zen. For his sake! Mag-prepare muna ako bago mangyari 'yon!
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Mystery / ThrillerLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
