Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso ako sa dining room kung nasaan sina mom, dad at ang mga pinsan ko. Nagtatawanan pa sila dahil sa kung anong pinag-uusapan. Nang nakita ako ni mommy ay niyaya niya akong kumain ngunit sabi ko ay magbibihis muna ako. Kaya umakyat ako sa aking kwarto at mabilis na nagbihis ng simpleng tee shirt at shorts. Wala naman akong pakialam kung ano ang mga sinusuot ko. As long as komportable ako, ayos na."Akala ko kakain ka kina Ash." Bumungisngis si Gwen pagkaupo ko sa tabi niya.
Bago ako makapagsalita ay nagtanong kaagad si daddy.
"Galing ka kina Ashton?" Kumunot ang noo ni daddy. Nagkatinginan sila ni mommy na nakangiti lang. Mukha namang natatawa ang mga pinsan ko. Wala naman iyong malisya sa kanila.
"Opo. I was with Jeremiah." Sagot ko at nagsimulang maglagay ng pagkain sa aking plato.
"And where is he?" Sumubo si daddy at tinitigan ako.
"Nandon pa rin po." Wika ko. Nagkatinginan kami ni Sabrina at ngumisi siya.
Dad's being grumpy these days. Siguro ay dahil tumatanda na rin siya? Maybe no. Nasa mid-40s pa lang naman siya. Siguro ay stressed sila dahil sa mga inaasikaso sa kompanya namin. Hindi naman siya workaholic pero masasabi kong seryoso si daddy pagdating sa mga gawaing nakabubuti para sa pamilya namin.
Tumango na lamang si daddy at nagpatuloy na sa pagkain. Napatingin ako kay mommy at nagkibit-balikat na lang siya.
"Bakit pala hindi kayo magkasabay ni kuya? Sino ang naghatid sa'yo?" Tanong ni Gwen pagkatapos naming kumain. Kasalukuyan kaming nanonood ng horror movie na sa pagkakaalam ko ay based on a true story.
"Inuto kasi siya ni Ashton na nagpaluto daw siya ng paborito ni Jem. At si Jette ang naghatid sa akin." Sabi ko at kumuha ng isang piraso ng fries na pinapapak naming magpipinsan ngayon.
"Bakit hindi ka do'n kumain?" sinuklay ni Celyne ang kanyang buhok gamit ang mga daliri niya.
"Tss. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa unggoy na 'yon." Napairap ako ng wala sa oras.
"Sus, baka naman nagugustuhan mo na siya." Nanunuyang wika ni Sabrina.
Napasimangot ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ay hindi nila ako titigilan sa pang-aasar magugustuhan ko si Ashton. Like, yuck. Over my dead and decaying body.
Ilang beses pa nila akong inasar ngunit hindi na 'yon nagtagal dahil nasa movie na ang atensyon namin. Si mommy at daddy naman ay natulog na pagkatapos naming kumain. Or si daddy ay nasa office niya. Sa kalagitnaan ng panonood namin ay narinig ko ang pagdating ng isang kotse.
"That must be kuya." Ani Gwen.
Tumango na lang ako. Maya-maya'y bumukas ang pintuan namin at pumasok na si Jeremiah. Nilingon namin siya, maliban na lang kay Sabrina na seryosong nanonood. Nakangisi ang linsiyak at sinara na ang pintuan. Dito na naman magpapalipas ng gabi ang mga pinsan ko dahil ito ang napag-usapan namin bago dumating ang birthday ko.
"Kamusta ang pagkain?" Tanong ko kaagad.
"Ayos naman. Busog na busog ako." Sumalampak siya sa one-seater couch at bumuntong-hininga. "Pahingi nga."
Iniabot ni Celyne ang bowl ng fries kay Jeremiah. Akala ko bang nabusog siya?
"'Diba busog ka?" Tawa ni Sabrina.
"Oo. Pero, syempre, hindi ko naman talaga mapipigilan ang sarili kong kumain." Tumawa rin si Jeremiah.
Natahimik kaming lima dahil sa panonood nang biglang nagsalita si Celyne.
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
Storie d'amoreMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.