The following days became surprisingly busy. Dahil pupunta si Engineer Ortega sa Bataan sa susunod na araw, pumili siya ng iilan sa aming team upang makasama."Perrie, Maddison, Julianna, and Michael..." aniya. Tumango-tango siya sa amin, "We'll leave first thing in the morning. Dalawang gabi lang naman tayo roon kaya huwag na kayong masyadong magdala ng mga gamit."
"Noted, Engineer," ani Michael habang nakahalukipkip at tumatango.
"Magiging abala tayo roon kaya walang panahon para sa side trips o ano," dagdag pa ni Engineer Ortega. "We'd be there just for our work. Pagkatapos ay aalis din tayo pagkatapos maobserbahan nang maayos ang site."
Nang matapos sa pag-uusap-usap ay nagtungo na kami sa sarili naming mga cubicle. We continued some of our unfinished works. Habang gumagawa ng sketch ng isang kwarto ay narinig ko ang pagtikhim ng kung sino sa aking likuran. Kaagad akong tumigil sa pagguhit at nakita si Tony. Nakahalukipkip siya at malapad ang kanyang ngiti na tila ba may kung anong binabalak.
"Bar tonight?" Itinaas niya sa akin ang kanyang pormadang kilay.
Ibinaba ko ang aking lapis at nag-isip. "Hmmm... maybe I'll pass for now."
Umarte siyang nadurog ang kanyang puso bago ngumiwi, "Sayang naman," aniya. "Pero sabagay ay maaga ang alis ninyo bukas. Understandable."
Tumango ako at hinayaan siyang umalis upang ayain pa ang iba. I kept myself busy at inisip ko na rin ang aking mga kailangang dalhin.
Me:
Hi. I'll be home early today. Ikaw? :)
Ashton seemed busy noong mga nakaraang araw kaya madalang na lamang kaming nagkikita. He makes it up to me by calling at sa pagpangako sa akin ng mga gagawin namin kapag hindi na siya masyadong abala sa trabaho. I understood his reasons dahil kumpara sa akin, paniguradong mas mabigat ang kanyang mga ginagawa.
Ashton:
Maybe I'll be done by 7. Are you leaving for tomorrow?
"Maddison, mauna na ako," paalam ni Julianna sa akin. Kumaway ako sa kanya at tila nagmamadali siyang umalis kaya hinayaan ko na lamang siya. Sigurado ay may gagawin pa iyon bago maghanda para sa pag-alis namin bukas.
Me:
Okay. Oo, e. We'll be gone for 2 days.
Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa nagreply si Ashton. Nang puwede nang makauwi ay tumulak na ako patungo sa aking condo upang makapag-ayos na ng mga gamit at makapagpahinga.
Ashton:
Hmm. I'll come over tonight. Would that be okay? Alam ko namang mamimiss mo ako.
I scoffed and managed to lock my car before composing a reply. Habang naglalakad ay nakangiwi akong nagtitipa.
Me:
Kapal mo! Anyway, if you're not THAT busy, you can come over.
Sa huli ay napagpasyahan ni Ashton na umuwi muna sa kanila bago pumunta sa aking condo. Para magpalipas ng oras habang hinihintay siya ay naglinis ako nang kaunti at naligo na rin. I also texted Mom about my trip tomorrow at nangumusta na rin ako. Nang mag-alas otso ay nagmensahe si Ashton na papunta na siya kaya nag-ayos na ako sa dining room dahil aniya'y may dala siyang pagkain.
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.