18 : It's your business

71 6 0
                                    


Pagkabalik ni Ashton sa table ay hindi ko siya tiningnan pa. Hindi ko alam kung ano ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tinikom ko ng mabuti ang aking bibig nang nagsimula na silang magkwentuhan nina Jeremiah. I'm upset and jealous. At the same time.

"I'll send her home, Jem," ani Ashton nang sinabi ni Jeremiah na uuwi na sila ni Gwen. Alas onse na ng gabi at kumakaunti na rin ang mga tao sa bahay nina Ashton.

"Sasabay ako sa inyo, Jeremiah," malamig kong sinabi. Tumayo ako at naunang maglakad kahit na wala pa sa kanila ang tumatayo. Akala ko ba ay uuwi na sila? Tss.

Nakarinig ako ng mga yapak mula sa likod.

"What happened?" Hinawakan ni Ashton ang aking braso, dahilan kung bakit ako napatigil sa paglalakad.

"Let go of me," mariin kong sinabi. Binawi ko ang braso ko pero mas diniin niya ang hawak niya rito. Mas lalo akong nabwisit sa kanya. Ang kapal ng mukha niyang hawakan ako pagkatapos niyang magpahalik sa iba?

And then I remembered. I don't have the right to get mad or get jealous.

Pinilit kong ngumisi at sa tingin ko ay nagmukha lang akong natatae. "You want to drive me home? Fine. Bitawan mo na ako. Maayos na."

"May problema ba?" Isang hakbang niya lang ay ang lapit niya na kaya umatras ako. Naaamoy ko na naman siya at nanlalambot na ako dahil don.

Umiling ako at nag-iwas ng tingin. Nakita ko sa likuran niya sina Jeremiah na nakatingin sa amin. Umirap ako at binalingan ang mga halaman na nasa gilid lang. Sana naging tanim na lang ako. Tsk.

Binitawan niya ako nang mapagtantong hindi na ako kikibo. Nagsimula ulit akong maglakad at pumasok sa kanilang bahay upang hanapin ang kanyang mommy para makapagpaalam. Nakita ko itong may kausap na mga ginang. Ginapangan na naman ako ng hiya dahil sa nangyari kanina.

Bigla ay nasa likod ko na sina Jette at sa tingin ko ay magpapaalam na rin sila kay Tita.

"Ihahatid ka ba ni Ashton?" Nakangising tanong sa akin ng mommy ni Ashton nang ako na ang magpapaalam.

"Opo," sagot ko. "Thank you po ulit. Have a good night po."

She pressed her lips into a thin line and pulled me in for a hug. Tinapik niya ang aking likod bago ako tuluyang sumama kina Celyne palabas.

"Ayos ka lang ba?" Kumunot ang noo ni Celyne sa akin pero tumango lang ako. "Iyong totoo?"

"Ayos nga lang!" Hinaluan ko pa ito ng tawa para makumbinsi siya. "Ingat ka."

"Ingat din. I love you!" Niyakap niya ako at sumakay sa kotse ni Jette. Ihahatid ni Jette at Carlisle ang dalawa kong babaeng pinsan dahil anila ay gabi na. Sabay na rin sila dahil magkalapit lang naman ang bahay ng dalawang binata.

Kumaway ako kina Jeremiah nang ibinaba ni Gwen ang bintana ng Hilux para kumaway rin. Tinalikuran ko na sila at hinarap si Ashton. Kagaya ng sinabi ko kanina ay pumayag na lang ulit akong magpahatid kahit na naiinis ako. Dahil kapag hindi ko iyon ginawa, sa tingin ko ay kukulitin niya ako sa text o kaya ay ipagpipilitan niyang ihatid ako.

"Are you really fine?" Buntong-hininga niya habang papalabas kami sa kanilang gate.

"Yeah, I'm perfectly fine..." sabi ko kahit na ang totoo ay gusto ko siyang sumbatan kung bakit ayos lang sa kanya na halikan siya ng iba kahit na may hinalikan na rin siya sa gabing iyon. But who was I to say that, right? I'm just an idiot who likes him. Ni hindi ko nga alam kung ganon din ba ang nararamdaman niya.

"Ang tahimik mo."

"Inaantok kasi ako," nanatili ang tingin ko sa kalsada.

"If it's about mom seeing us... Don't worry. It's fine with her."

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon