Kinaumagahan ay nagising ako sa katok sa aking kwarto. I absent-mindedly got up to open the door and saw my Mommy, wearing her usual smile with Jeremiah behind her, scratching the back of his head.Kaagad akong niyakap ni Mommy. Halos matunaw at maluha ako sa kanyang yakap dahil namiss ko sila ni Daddy. Nagpaalam naman si Jeremiah na babalik muna sa kwarto kaya pumasok na rin muna ako ulit para makapag-ayos. As I was wiping the water off my face, pinasadahan ko ng tingin ang aking katawan sa salamin. Tama nga sina Sabrina.
When I went downstairs, sinalubong ako ng amoy ng pagkain na naging dahilan ng agarang pagbaligtad ng aking sikmura kaya imbes na dumiretso ay umakyat ulit ako upang dumuwal. Habang papaalis ako sa kwarto ay siya ring paglabas ni Jeremiah mula sa kabila. He looked wide awake, unlike earlier.
"You gonna tell them over breakfast?" He asked.
I shrugged, trying to make myself calm. Sabay na kaming bumaba at naroon na si Mommy at Daddy, parehong tinatapos ang paglalagay ng mga kubyertos sa mesa. Dumiretso ako kay Daddy at niyakap siya nang mahigpit. We proceeded to eat afterwards and thankfully, Jeremiah talked to Mom and Dad like nothing's wrong habang ako naman ay kabadong-kabado na dahil hindi ko alam kung sasabihin ko na ba ngayon, o sa susunod na lamang pag kasama ko na sina Sabrina.
"Are you not feeling well, Maddison?" Biglang tanong ni Mommy. "Namumutla ka."
"I'm perfectly fine, Mom," ngumiti ako at nagpatuloy sa pagkain.
Kahit na hindi ko nagustuhan ang amoy ng pagkain ay pinilit ko pa ring kainin ito. Mukhang napansin ni Jeremiah dahil kumukuha siya sa plato ko ng ulam, ni hindi man lang nagpapaalam o ano.
"I heard your company has an on-going construction in Bataan, hija," ani Daddy, mukhang gustong pag-usapan ang tungkol sa aking trabaho.
"Yes, Dad. Chinecheck namin ang site from time to time kasi 'yong team namin ang nakaassign para roon."
"You'd probably get a good experience from it," dagdag pa niya.
Halos hindi ko na mapagpatuloy ang pagkain kaya pati ang kanin ko ay kinukuha na ni Jeremiah. Mom and Dad didn't seem to heed on what my cousin was doing kaya kahit papaano ay naging kalmante naman ako hanggang sa natapos kaming kumain. I didn't spill the news immediately but it made me feel more anxious, lalo na sa pag-iisip na hahanap pa ako ng magandang tiyempo para masabi iyon.
"Kailan mo ba sasabihin?" Mahinang tanong ni Jeremiah habang nililinis ang aming pinagkainan.
"I honestly don't know," bulong ko pabalik. "Masyado akong... masyado akong kinakabahan. I mean, I felt nervous when I was about to tell you guys pero iba na ngayon. I'm sure Dad would flip out or-"
"Why don't you invite them for dinner tonight? Lumabas kayo," Jeremiah continued washing the dishes. "Tito wouldn't be furious in public. Maybe."
I let out a deep sigh, crossing my arms and leaning my back on the fridge. Lumingon sa akin si Jeremiah nang hindi ako tumugon. Ngumiti siya sa akin at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango.
"It'd be better to tell them sooner. I promise I'll be there. Uupo ako sa malayo," he convinced.
Muli akong ngumiti. Jeremiah went home before 12 noon at naiwan akong mag-isa sa bahay dahil parehong umalis si Mommy at Daddy upang pumunta sa aming kompanya. Uuwi rin naman sila pagkatapos ng ilang oras kaya nilibang ko na muna ang aking sarili sa pagsesearch ng kung anu-ano tungkol sa mga baby at pagbubuntis.
As I was scrolling for a better information source, mayroong lumitaw na notification ng isang mensahe mula kay Jeremiah.
Jeremiah:
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.