"Wake up..." Ang mahinahong boses ni Gwen ang gumising sa akin kinabukasan. Minulat ko ang aking mga mata at bumangon na. Alas sais pa ng umaga ngunit kailangan na naming gumising para maabutan ang mga sand castles at para rin mas magkaroon kami ng maraming oras sa activities.As usual, naghihintay na ang boys sa amin sa bar kung saan kami kakain ng breakfast. Sandwich lang ang kinuha ko dahil hindi ako gutom. Malay mo ay mamaya pa ako magugutom, mamaya na rin ako kakain ng mas marami. Habang umuupo sa high chair ay natagpuan ko ang mga ni Ashton. Kalalabas niya pa lamang. He smiled at me, so I prentended that I didn't see him.
Nang ibinigay na ang sandwich at ang iba pa namin inorder ay agad ko iyong nilantakan. Buti na lang talaga at nasa kanan ko si Gwen, habang sa kabila naman ay si Sabrina. Walang posibilidad na makatabi ko si Ashton.
Ni hindi ko siya sinulyapan nang dumaan siya sa aking likuran. I really hate the fact that I'm starting to like him. Naiilang din ako dahil hindi ako makapaniwalang nakapagsabi ako ng good night sa kanya sa text. Alam kong OA ako. Pero alam mo 'yon? When I started to like Grae, iyong pagkakagusto ko sa kanya ay sobra-sobra. Gusto kong palagi ko siyang nakikita at nakakausap. Pero ngayong nagugustuhan ko si Ashton, ayaw ko siyang nakikita o nakakausap dahil naiilang ako. Pero hindi ko maipagkakailang may parte sa aking gusto siyang nakakausap. I know, it's sp confusing. Magulo ang isip ko. But just like what I said, I shouldn't fall for him because I'm not that sure if he would catch me. Marami na ang paasa sa mga panahon ngayon kaya kailangan ay doble ingat na.
"Bilisan mo." Siniko ako ni Sabrina. Napabalik lang ako sa aking ulirat nang sinabi niya iyon. Hindi ko na namalayang huminto pala ako sa pagkagat ng aking sandwich habang nag-iisip at nakikipagprotesta sa aking sarili.
Habang may sandwich pa sa bibig ay tumayo na ako. Sabay-sabay kaming umalis patungo roon sa mga mayroong sandcastles. Marami na ang nagpapakuha ng litrato doon at excited na ako!
"Good morning," malumanay na boses ang aking narinig habang nakatayo ako sa gilid dahil hinihintay pa naming matapos ang kumukuha ng litrato para kami naman ang susunod.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan lalo na nang nilingon ako ng katabi kong si Gwen. Abot tenga ang kanyang ngisi at naiirita ako. Hindi ko na nilingon ang nagsasalita dahil natatakot ako na kapag nilingon ko siya, mas aapaw ang pagkakagusto ko. In the beginning, I really need to stop what I am feeling. Hindi bawal ang magkagusto sa kanya, pero ayaw ko.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi nang narinig ang kanyang buntong-hininga. Ilang sandali ang lumipas ay naramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone.
Ashton:
Hindi mo ako pinapansin? :(
Bahagya akong nabigla sa text niya. Now, what does this fucking mean?
Me:
Halata.
Habang tumutungo sa tabi ng sandcastle para magpakuha ng litrato at muli siyang nagreply.
Ashton:
So you just want us to text? Alright. I'll give you that.
Nang mabasa iyon ay naramdaman ko ang mga kulisap na naglalaro sa aking tiyan. Dammit! Halos hindi ako makangiti sa mga litrato kinuha namin kasama ang sandcastles.
"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Celyne nang napansin ang pananahimik ko habang tumitingin kami sa pamilihan ng mga souvenirs at t-shirt dito sa isla. Alas otso pa kami tutungo roon sa pagdarausan ng aming activities.

BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.