25 : Talk

63 3 0
                                    


Lumabas na ako sa kwarto at ngumiti na parang timang at paulit-ulit na binulong sa aking sarili na nag-iilusyon lang ako. Nasa labas pa rin si Jeremiah, mag-isa at naglalabas ng mga gamit mula sa kotse. True, nag-iilusyon lang ako dahil walang ni bakas ni Ashton.

"He left. Hinintay niya lang tayong dumating," aniya.

"What?" I asked Jeremiah, confused.

"Ashton, tsk. Tulog ka na ulit..."

Tinitigan ko siya ng ilang segundo bago bumalik sa kwarto. Tanging ang ilaw na lamang ng lamp shade ang nagsisilbing liwanag dito sa loob. Kumurap-kurap ako. I saw him, alright. Hindi ako bulag. At sigurado akong siya iyon dahil sa mismong pagtama ng mga paningin namin ay naghuramentado ako. And I hate the way how my body reacted. I shouldn't be feeling this way. Anim na taon na ganito pa rin? Wow. Just wow.

Hindi ko alam kung paano ko isasampal sa sarili ko na dapat tigilan ko na ang pag-iisip kay Ashton. Come on, ang tagal na non. Hindi ko maitatanggi na may parte pa sa akin na umaasa. Pero para saan naman ang pag-asang iyon? Wala. Wala naman kasi akong pinanghahawakan. Wala naman kaming label noon. Walang aminan, walang mga pangako. And it sucks for me to realize that we were really just nothing. Plain friends who treat each other like... ewan ko ba. More than friends?

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Tahimik ang bahay, kabaligtaran ng inaasahan ko. I expected my cousins to be here. Even my mom and dad. Pero siguro ay maagang umalis sina mommy at daddy para sa isang bagay na wala akong ideya.

I forgot to check my phone kaya umakyat ako ulit sa kwarto. Nakita ko ang text doon ni Jeremiah na umuwi na muna siya.

Mag-isa lang ako sa bahay. I cooked for my own breakfast and tried to stroll around the neighborhood. Mamayang hapon siguro ay magjajogging ako? Pwede rin. Para naman maiwasan ang pagkainip at para na rin makita ko kung ano ang mga  nagbago habang wala ako.

"Bagal ng oras," I whispered to myself. Nagawa ko pang matulog ng halos dalawang oras. Nagising ako ng bandang alas kwatro dahil sa alarm at nagbihis ng pink racerback at itim na shorts. I tied my hair and put my earphones on. Wala pa ring tao sa bahay.

Nagtext muna ako kay mommy na nagjogging lang ako.

Habang naglalakad muna ay may mga nakakasalubong akong kakilala. Most of them were my childhood friends. Dati ay mga sipunin at wala kaming pakialam sa itsura namin ngunit ngayon ay iba na. Walang masyadong nagbago sa village ngunit napansin kong dumami ang mga aso. May mga naglalaro pa rin sa basketball court at mga batang nagbibisikleta.

Pinunasan ko ang tumatagaktak na pawis sa aking noo at nagpatuloy sa pagtakbo. I'm planning to look for a job ngunit ngayon ay dinalaw na ako ng katamaran. I guess I'll stay unemployed for the whole summer muna. Tapos mga bandang August o kaya September ay mag-aapply na ako. Pwede ring tanungin ko muna ang mga pinsan ko para sabay-sabay na kami.

Papalubog na ang araw nang huling ikot ko na sa village. I breathed heavily. Nakakapagod, ha.

Naaninag ko ang pagtigil ng isang kulay itim na Everest harap ng aming bahay. Hindi ko alam kung kanino iyon. I checked my phone and saw texts from my cousins.

Gwen:

Psst, dinner tayo mamaya? Kina Celyne lang. Tsaka shot, ya know.

Nireplyan ko iyon at binuksan ang isa pang mula kay Sabrina na nagsasabing may dinner nga kuno kami mamaya.

Muli akong nag-angat ng tingin sa Everest na nakaparada sa harap ng aming bahay. Nag-jog ako patungo rito at habang papalapit ay naaninag ko kung kanino iyon.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon